"And where do I owe this visit of yours my dear step-mother?" "You are slowly doing it! Akala mo ba'y hindi namin mapapansin ang ginagawa mo, you b***h!" Tangka na naman itong susugod pero naawat muli ng tauhan ni Daneliya. "I said move away!" Halos lumabas ang eyeball nito sa sobrang galit dahil sa mga nakahawak rito. "Anong ginagawa ko?" Pagmamaang-maangan naman niya na pigil ang pagngiti. Pinanood ang pagpupumiglas nito pero hindi makapalag dahil sa laki ng dalawang may hawak rito. Tinanggap niya ang poot na ipinupukol sa kanya ng madrasta. "Pwede ba, huwag ka ng mag-maang-maangan pa. Kapag nalaman ito ng papa mo ay siguradong malilintikan ka!" Ipinagpatuloy ang pag-aktong inosente kahit na nga ba alam na niya ang tinutukoy nito. "I don't know what you are accusing me, stepmother.

