Nang matulog kagabi ay nangako siyang hindi na magpapa-apekto pa sa presensya ni Hercules dahil sa sama ng loob. Pero nahanap na lang ang sarili kinabukasan na nakagayak at kaakit-akit ang anyo bago lisanin ang kwarto. Ipinatawag ang lahat ng nagta-trabaho sa buong sambahayan upang pormal na ipakilala ang bagong bodyguard. At hindi nakaligtas ang pagpapalitan ng makahulugang ngiti ng mga kasambahay. Pagdududa naman ang sa mga lalaki partikular sa team ni Alfred. "He will be one of us. Siya ang magiging bodyguard ko." "Bodyguard?" Tanong nito. Ito lang naman ang may lakas ng loob magtanong sa mga naroon. "Hindi ba ay sa agency ka kumukuha ng security?" "And who told you so?" Dinala sa dibdib ang dalawang kamay. "I will decide for that Alfred. Baka nakakalimutan mong pending pa rin ang

