Matagal ng nakatitig si Daneliya sa labas ng bintana ng opisinang kinaroroonan pero ni hindi nito namamalayan. Nasa isip pa rin ang naging kausap sa kabilang linya. Why does she feel like an exhilarated teenager after talking to her crush? Nire-review kasi niya ang naging usapan nila ni Hercules kung may nasabi ba siyang hindi maganda o pwedeng ikasama ng tingin nito sa kanya bilang babae. Naroon ang limitation dahil ramdam sa sariling nagpe-preno pa siya. Pero kung siya ang papipiliin ay hahayaan nalang ang sariling sumabay sa agos. Hercules was still denying it but he is flirting with her too! He was definitely flirting the way he ask her such random questions at gusto niya yun. Gustong-gusto niya itong kausap kahit na nga ba mas madalas ay humahantong sila sa sagutan. God knows she w

