CHAPTER 1

1992 Words
"Akibabes! Arat lunch na" Dumamba si Eunil sa harap ko sabay pa-cute "Libre mo 'ko dessert" nag twinkle-twinkle pa ang mata niya! Malapad kong nginitian si Eunil bago batukan, "Ako 'yung nanglibre kahapon ah!" "Aray naman!" reklamo niya. Pumunta kami sa maliit na kainan sa labas ng university. Dito kami laging kumakain ni Eunil tuwing lunch, masyado kasing hassle kung lalayo pa kami. Tsaka hindi crowded at mura lang ang paninda nila, student price. "Natapos mo na 'yung reaction paper mo?" she suddenly asked. Sa Basic Finance ang tinutukoy niya, binigyan kasi kami ni Prof. Recosa ng task dahil wala siya kahapon. Kailangan naming mai-submit 'yun next week. "Hindi ko pa nga nasisimulan" walang ganang sagot ko. Kumindat naman siya, "Naks! Same vibes!" Pagkatapos naming kumain ni Eunil bumalik na agad kami ng room, kailangan pa raw kasi niyang tapusin ang report niya. Wala namang masyadong nangyari sa afternoon class namin, maliban sa nakatulog ako nung second subject. Nakakaantok naman kasing mag lecture si panot. "Aki, naghihintay na jowa mo sa labas" Eunil whispered on my ear between the discussion of our Prof. Napairap ako, "Hindi ko nga jowa 'yan, kulit nito" "Ilang taon na 'yang nanliligaw sayo day, jusko! Magsabi ka lang kung wala ka talagang balak na sagutin 'yan at bibingwitin ko na!" Tumaas ang kilay ko bago sulyapan si Drake na nakasandal sa pader at naghihintay na matapos ang klase ko. "Asa ka namang magpapabingwit 'yan sa iba" confident kong sabi. "Sus! Sagutin na kasi!" Mabuti nalang at nasa likuran kami kaya hindi kami narinig na nag-uusap. Nang mag-dismiss agad kong niligpit ang mga gamit ko. Nauna ring umuwi si Eunil dahil may pupuntahan pa raw siya, isinukbit ko ang bag ko bago lumabas ng room. "Oh bakit biyernes santo 'yang mukha mo?" puna niya kaagad. "May surprise quiz, panigurado itlog na naman 'yung score ko" "Na may kasamang hatdog" he added. "Edi mababa parin!" pagmamaktol ko. "10 na 'yun ah? Hanggang ilan ba?" tanong niya nang makalabas kami sa main building. "100" diretsong sagot ko. Oa naman siyang napahawak sa dibdib niya "Surprise quiz lang, 100 items?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oh diba? Kaya nga surprise! Anak ng tokneneng na panot 'yun!" inis na sabi ko "Hindi na 'yun makatarungan! Hindi quiz 'yun! Long test! Long test!" I ranted, nakakainis lang kasi! Siya 'yung prof na kinaiinisan ko sa lahat, ang hilig niya sa mga surprise quiz, e hindi pa naman ako mahilig magreview. "Okay lang 'yan. Ganto nalang, 'yung itlog na sinasabi mo dagdagan mo ng isa tapos isama mo na rin 'yung isang hatdog. Isang hatdog, dalawang itlog" Napakagat ako sa ibabang labi at nagpigil ng tawa, hindi ko alam kung bakit ako natatawa sa tuwing makakarinig ako ng isang hatdog at dalawang itlog tapos lalaki pa 'yung nagsabi. "Hoy, tinatawa-tawa mo d'yan?" Umiling ako, kahit na natatawa. "Ikaw ha! Iba na naman siguro 'yung naiisip mo! Ang green! Palibhasa spg reader" akusa niya kaagad. Hinampas ko ang braso niya "Hindi ah! Wala naman akong sinasabi" tanggi ko. Kainis kasi! Ang bilis kaagad mag green ng isip ko dahil sa mga pinagba-basa ko ng kung ano-ano. Fiction is the best influencer. Hinatid ako ni Drake sa bahay, isang oras 'yung naging byahe namin bago makarating. Sabi ko kay Tita ay kumuha nalang ako ng condo pero ayaw niya, hindi raw safe. Lagi nalang niyang nirarason na nar'yan naman si Drake, gusto ko rin sanang magpaka-independent. Simula highschool si Tita ang nagpaaral sa akin, kinuha niya ako sa probinsya dahil masyado ng matanda si Lola. 'Yung mga magulang ko naman, hindi ko alam kung nasaan. "Drake, dito kana maghapunan" alok ni Tita. Napakamot si Drake bago tumango, alam 'din naman niyang hindi niya matatanggihan si Tita. Matagal na kaming magkakilala ni Drake kaya malapit na agad ang loob sa kanya ng mga tao rito sa bahay. Kaibigan ko siya noong highschool, actually tatlo lang sila, puro pa lalaki! Ewan ko rin kung bakit ako nagkaroon ng kaibigang puro lalaki, pero sa kabilang banda masaya ako dahil nakilala ko sila. Nanligaw sa akin si Drake noong fourth year ako, kaso natigil noong umuwi ako sa probinsya para doon mag-aral ng Senior High at para maalagaan si Lola. Nagkaron kami ng kasunduan na kapag nag-eighteen ako, saka ko siya sasagutin. Nakakatawa lang dahil nung mga panahong 'yun nasa probinsya ako, at nag-nineteen na ako noong May 6. Hindi ko alam kung nanliligaw pa ba siya hanggang ngayon, o baka tumigil na siya nung umuwi ako sa probinsya dahil nawalan kami ng communication. Sa ngayon, wala namang sinasabi, kaya wala lang din sa akin. "Kailan nga pala dadalaw ulit sina Kien at Vient dito Aki?" tanong ni Tita Nagkibit balikat lang ako, pupunta naman dito ang nga 'yun kapag ginusto nila. Mga walang hiya 'yun, e! "Hayaan mo Tita, aayain ko sila kapag hindi na busy" sambit ni Drake "'Wag na uy! Busy 'yung nga yon" apila ko. Nangunot ang noo niya "Hindi naman ah? Wala namang masyadong ginagawa si Kien, si Vient naman 'di ko sure" Pagkatapos naming kumain umuwi na rin agad si Drake. Malapit lang naman 'yung village nila dito sa amin kaya pati pagsundo sa akin tuwing umaga, toka niya. Kinabukasan, maaga akong nagising and do my morning routine. Nasanay na akong maagang nagigising para makapag-prepared na ako kaagad bago pa dumating si Drake, nakakahiya naman kasing kapag paghintayin ko pa siya. Tsaka ayaw ko ring ma-late no, isang oras 'yung byahe mula dito hanggang sa school! "Good morning" bati niya. "Morning" sambit ko bago isara ang pinto ng kotse. Nagbasa lang ako ng sci-fic story bilang pampalipas oras sa byahe, mahirap na at baka makatulog ako. Masyado pa naman akong antukin lalo na kapag malayo ang byahe. As usual hinatid na naman ako ni Drake sa room, kaya lagi siyang napagkakamalang jowa ko ng mga ka-blockmates ko, e! "Medyo male-late ako mamaya ah? Sa carpark mo nalang ako hintayin" bilin niya. Tumango ako, alangan namang magdemand e, nakikisabay lang naman ako! "Aki! Omg! Nakasalubong ko 'yung crush ko kanina sa hallway! Ang aga ko kasing dumating kaya nagpunta ako sa department nila, alam mo na! Para-paraan din!" Ang aga-aga, bunganga na naman ng haliparot na'to ang sumalubong sa akin! Umupo ako at nagbasa ng notes, mahirap na at baka may pa-surprise Quiz na naman. "Hoy! Nakikinig ka ba?" inalog niya ang braso ko. "Oo" I answered while scanning my notes. "Weee? Hindi nga! Sige nga, ano 'yung sinabi ko?" Napairap ako bago siya harapin "Nakita mo 'yung crush mo kanina, ginampanan mo na naman ang pagiging haliparot mo. Gumawa ka rin ng paraan para mapansin ka niya at higit ka lahat tirador ka ng Engineer, punyemas na yan. Okay na?" She giggled, kinikilig pa! "Kaya mahal kita e! Nagagawa mo paring makinig sa kwento ko habang nagre-review! Nakaka-amaze!" pambobola niya. "Alam mo kung ano 'yung nakaka-amaze?" I raise a brow. "Wala akong naintindihan sa nireview ko, ang tahimik mo kasi" I sarcastically said. Napanguso siya bago umayos sa pagkakaupo nang dumating si Prof. At kung minamalas ka naman talaga, kung kailan ako nagreview walang nangyaring test! Nothing really happened on our next subjects, except sa nagpresent ako ng PowerPoint na ginawa ko kagabi. Wala ang Prof namin before break time kaya maaga kaming nakatambay sa cafeteria. I was sipping my mocha shake nang mahagip ng tingin ko si Kien, may kausap siya na sa tingin ko at mga ka-blockmates niya. Umarte pa siyang nagulat nang makita ako, iniwan niya ang mga kasama niya at lumapit sa table namin. "Hoy babaita! Bakit 'di mo na ako inaaya tuwing break time?" "Hoy! Akala mo naman talaga, mabuti nga't nagkita pa tayo rito 'no! Ang layo-layo ng department niyo, kapag nagpunta pa ako ro'n mauubos lang ang oras ko tuwing break time!" I fired. "Sumakay ka ng jet para mabilis" walang kwentang suhestiyon niya. Nakita kong nagpasalin-salin ang tingin ni Eunil sa amin, nagtataka. Iba rin 'yung titig niya kay Kien, malantod! "May dimple pala 'yang kaibigan mo 'no?" bulong niya, nagpipigil ng kilig. "Ikalma mo petchay mo, hindi Engineering student 'yan" bulong ko pabalik. Sinamaan naman siya ako ng tingin bago ituon sa ibang bagay ang atensyon niya. "Kung magbubulungan kayo, please lang...lakasan niyo ah? Dinig na dinig ko, e" ngumisi si Kien, nakita tuloy dimples niya! Parang natatae naman 'tong katabi ko. "Kala mo naman gwapo, 'di ka crushable kaya shupi!" pagtataboy ko. "Bye" kumaway siya kay Eunil. "Ahhh! Espirito ng kalandian layuan mo ako!" nagpipigil na sigaw ni Eunil. "Timang, inborn kana 'atang malandi. Hindi na 'yan magagamot." pambabara ko. Napatigil ako nang dumaan ulit sa harap namin si Kien kaya tinawag ko siya. "Hanap ka ni Tita, punta ka daw sa bahay kapag free ka" Napakamot siya sa batok, "Naku, si Tita talaga...sabihin mo magluto siya ng shanghai! Kbye!" 'yun lang at tinalikuran na niya ako. Kinahapunan, maagang natapos ang klase namin kaya tumambay muna kami ni Eunil sa library. Napabusangot ako nang umupo, 'yung gusto kong basahin wala rito! "Aki lakas ng amats mo!" "Ano ba namang klaseng library 'to" reklamo ko "School's library beh! At wala dito 'yung w*****d books na hinahanap mo!" inirapan niya ako. "Quiet" suway sa amin ng librarian. Badtrip naman kasi, nasanay siguro ako sa waga. 'Yung Wattpadology Garden na pinatayo nila Drake, Kien at Vient sa likod ng school. Doon kami laging nakatambay kapag break time, e. Nakakamiss lang. Pumupunta parin naman kami doon tuwing weekends, pero last week nakapuslit na ako ng isang libro! Nag-inat ako nang makatapos ako ng sampung chapters, nagbasa nga ako dito sa library... cellphone naman ang gamit ko. Kapag may nakakita sa akin at pagalitan ako, isu-suggest ko talaga na maglagay din sila ng w*****d books dito! Napahikab ako, halos isang oras din kaming nakaupo dito, sumasakit na pwet ko. Dinampot ko ulit ang cellphone ko nang marinig ko itong nag beeped. From: Drake Where are you? Mabilis kaagad akong nagtipa para replyan siya. To: Drake Library Mabilis siyang nagreply. From: Drake I'm on my way To: Drake Akala ko ba late dismissal niyo ngayon? Hindi na siya nagreply kaya inaya ko si Eunil na umalis na kami. Tumango naman siya at isinara ang librong binabasa niya, ipinagpatong-patong niya ito bago ibalik. Nang makalabas kami natanaw ko agad si Drake na naglalakad sa hallway, may dala-dala siyang box ng pizza. "Beh, ba't 'di mo na kasi sagutin 'yan?" tanong ni Eunil. "Hindi ko alam kung nanliligaw parin ba siya sa akin, ayaw ko mag assume 'no! Tsaka okay na ako sa friendship namin" Masaya ako sa kung anong meron man kami ni Drake ngayon. Kung may nararamdaman pa talaga siya sa akin, siya na ang gagawa ng paraan. Minsan ang hirap niya 'ring basahin, e. Hindi ko naman siya nakikitang nakikipag-date sa ibang babae, o baka wala lang siyang magustuhan dito sa school. "Hi Drake!" si Eunil, mukhang siya pa ang excited na makita si Drake. "Akala ko ba male-late ka?" tanong ko kaagad Tumango siya "May isang class pa kami after nito, lumabas lang ako para bumili...here" inabot niya sa akin ang tatlong box ng pizza. "Nakakainggit naman 'yan...kaya gusto ko 'rin ng Engineer, e!" pagpaparinig ni Eunil. "Hanapan kita" natatawang saad ni Drake "But anyways, nakausap ko na si Kien...sa kanya ka muna sasabay sa pag-uwi" he looked at me. "Hindi ba pwedeng hintayin nalang kita?" Hindi dahil gusto ko siya ang kasama ko, hindi rin dahil ayaw kong kasama si Kien. Nahihiya lang kasi akong wala siyang kasamang umuwi, kapag ako naman ang may late dismissal hinihintay niya ako. "Alam kong marami ka pang gagawin, mas mabuting makauwi ka agad. Tsaka para makatulog ka nang maaga, tignan mo nga 'yang eye bugs mo! Mas malusog pa sayo" at sinali pa talaga ang sermon! "Alaga kaya 'to!" proud kong sabi. "Kulit mo" pinitik niya ang noo ko. Pakiramdam ko na-immune na 'ata ako sa laging pagpitik niya sa noo ko. "Para kayong magjowa, ligawan na kasi" singit ni Eunil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD