Chapter Forty Nang makarating ako sa bahay ay pasan ko parin ang mabigat parin ang pakiramdam ko, there must be some way na buksan ang puso ni Felix para sa ina. Pero kung makialam ako baka naman magalit, kagaya noon. Hay naku, puputi na ata ang buhok ko sa mag-ina. Nasa harap na ako ng pinto, bubuksan ko na sana iyon pero bigla iyon kusang bumukas at bumalaga ang mukha ni Felix. “Where were you?!” Napamaang ako sa kanya. Anong problema niya? “Sa mall?” Hindi ko na lang sinabi na bumili lang ako ng pills, nakakatulong kasi iyon na mawala ang sakit sa puson ko. “Hindi ba masama ang pakiramdam mo ba’t pumunta ka pa sa mall?” Lumukot ang mukha ko. “Dahil sa'yo. Pinapainit mo ang ulo ko kanina kaya nag-mall ako para aliwin ang sarili ko. Huwag mong sabihin na hindi mo pinainit ang ulo ko d

