Chapter 34 Parang lumubo iyong puso ko sa ginawa niya, hindi ko alam na may pagka-sweet pala ang mokong na ito. I always know him being a jerk. Maliban doon ay wala na akong maalala. Matapos niyon ay may isang dolphin ay lumapit sa trainer na may binigay na isang bouquet, lumapit ito sa direksyon ko na tila naglalakad lang sa tubig tas binigay sa akin. Napaawang ang labi ko, I was speechless! Tinanggap ko 'yong bouquet tas iniwan na kami n’ong dolphin. Hindi ko mapigilan na tuksuhin siya. “Bigay pa ng kanyang kapatid huh?” “Surprise nga 'di ba?” Then he flash a killer smile at me—one of these days I’ll rip that smile of him but then again sayang din naman 'yon kung gagawin ko iyon 'di ba? “Thank you. I really appreciate it!” I said in a lower voice pero siniguro ko na marinig niya iyo

