MSME2: First Meeting

2251 Words
Iginiya si Anna ni Mang Lito paakyat sa penthouse. Habang nasa loob ng elevator ay binigyan ng access card ng huli ang dalaga. “Ganito ang paggamit nito, Anna. Una, pagpasok mo i-tap mo ang access card sa may sensor tapos pindutin mo itong letrang ‘P’ at diretsong aakyat ang elevator na ito sa penthouse,” paliwanag nito. Napatango ang dalaga at tinandaan ang lahat ng bilin nito na patakaran sa building. “Magbihis ka pagkapasok natin at sumakay ka ulit ng elevator. Pindutin mo ang nakalagay na letrang ‘E’ at doon ka bababa. Mauna na ako at naghihintay ang iba pang bagong empleyado na masukatan ng bagong uniporme. Napakaarte pa naman ni Sir Derrick pagdating sa uniporme ng mga empleyado.” Halata sa tauhan na pagod ito sa trabaho lalo pa at likas na istrikto ang mga Valderama. Nagmamadali na bumalik sa elevator si Mang Lito at naiwan si Anna na natulala sa penthouse. Sa labas pa lang ay maganda na ang garden na naroon. May samut-saring halaman na nakapaso. Naglakad siya patungo sa pinto at tinapat ang access key sa pinto ng penthouse. Itinulak niya ang handle at bumukas ito. Bitbit ang kanyang bag, pumasok siya sa penthouse at namangha. Simple ngunit maganda ang disenyo ng interior ng penthouse. Light blue at puti ang dominanteng kulay ng kabuuan nito. Sa gitna mayroong island bar na nagsisilbing division ng kusina at dining room. May puting leather-upholstered sofa sa pinaka-livinng room at may flat screen TV pa na parang sinehan ang laki. Pinasok ng dlaga ang kwarto na nasa tapat ng dining area. Katulad ng sala maaliwalas ang kabuuan ng silid at may double bed pa na naroon at pinto na nakabukas. Nilapag ng dalaga ng mga gamit at kumuha siya ng pamalit sa kanyang lumang canvas bag. Checkered long sleeve polo, skinny jeans at ang kanyang pang malakasang Chuck Taylor na sneakers na kulay pula na sa ukay-ukay lang niya nabili. Pinuyod niya ang kanyang lampas balikat na buhok at nagtungo na sa elevator. Sinunod niya ang bilin ni Mang Lito at prenteng nakarating siya sa paroroonan. Sa executive floor pala siya papunta. Nang naglakad na siya sa hallway ay nakita doon ang mga nag-uumpukang babae na abalang kinukunan ng mga body measurements. Napalingon ang mga babae kay Anna at napangiwi. Nakuha kaagad ng dalaga ang pahiwatig noon. Paano ba naman at nag-iisa siyang nakasuot ng kakaibang kasuotan. Ang mga naroon ay parang sasali ng rampa sa kung saang pageant. Napailing na lang si Anna. “Oy, bago ka rin? Ako nga pala si Corrine.” Inabot ng may katabaan at matangkad na babae ang kamay at tinanggap iyon ni Anna. “Saan ka ba na-assign? Sa HR kasi ako.” “Ako ang papalit sa Executive Secretary,” ani Anna kay Corrine. Namilog ang mata nito pati ang bibig. “Nice alam ko na kung saan ako dapat sumipsip.” “Anna Romero!” sigaw ng baklang taga kuha ng body measurements. Binaba nito ang suot na salamin at tiningnan ang dalaga na parang uod sa ilalim ng magnifying lenses. Tumikhim ito at umismid. Padaskol ang pagkuha ng measurements nito kay Anna at nang minsan na parang napitik nito ang malulusog na dibdib ni Anna ay kaagad na pumalag ang dalaga. “Baklita dahan-dahan naman at baka pumutok ang dibdib ko. Wala ka pa namang pamalit dyan,” sarkastikong saad ni Anna. Naningkit ang mata ng binabae. Akma na sana itong tatalak nang dumating si Lito. “Anna, madali ka at may briefing na sa iyo ang outgoing na executive secretary.” Napalingon lahat sa kanila ang mga babae at napaismid ang karamihan. Alam ng dalaga na maraming gustong humawak ng posisyon niya ngunit pasensyahan na lang. Marami silang utang na babayaran sa mha Valderama. Sumunod na si Anna kay Mang Lito. Dati itong alalay ni Sir Derrick nila ngayon ay naging ganap na butler na ito. Isa ito sa pinakamaasahan na tauhan ni Don Vicente lalo pa at nabigyan ito ng libreng pabahay at isang ektaryang palayan. Pumasok sila sa isang napakagara na opisina. Bumungad kay Anna ang isang mesa na may desktop at swivel chair. Naroon din ang mga higanteng filing cabinet at ang isang linya ng telepono. Maghapon na na-briefing si Anna ng outgoing Executive Secretary na si Mrs Lopez. Manganganak na ito sa katapusan ng buwan at matagal na sana itong gusto patigilin ng asawa sa pagtatrabaho. “O, s’ya basta ang bilin ko sa iyo para naman magkasundo kayo ni Sir Derrick ha?” Nakangiting sinukbit ni Mrs. Lopez ang kanyang handbag at mahinang naglalakad habang hawak ang tiyan nitong parang bola na sa laki. ******** Kay bilis ng araw, Lunes na at unang araw sa trabaho ni Anna. Maaga siyang gumising at nagluto at naghanda ng kanyang baon. Ayon kay Mang Lito sa Lunes na ibibigay ang uniform na sadya pang pina-rush ang tahi para magamit na kaagad niya. Bumaba na si Anna sa opisina at swerte na siya ang unang nakarating. Wala pa ang amo kaya, naglinis muna siya sandali ng kanyang lamesa. Pinaandar na niya ang kanyang computer at tiningnan ang schedule ng amo para sa araw na iyon. May meeting pala at nakahanda na sa isang drawer ang mga nakaprint na mga dokumento para sa mga magme-meeting. Sampung copy na nakalagay na sa transparent folder. Lumabas siya sandali sa kanyang cubicle at lumabas sa silid. Sa katapat na pinto lang ang conference room at bitbit ang mga folder binuksan na niya ang silid. Isa-isa na niyang nilatag ang mga dalang folder. Muli siyang bumalik sa kanilang silid tanggapan at kumuha siya sa pantry ng mga bottled water. Nilagay niya iyon sa isang basket at binitbit na iyon. Alas otso y medya, tapos na niya ihanda ang conference room. Nag-print na siya ng daily schedule nang tumunog ang telepono. “Hello, good morning! Valderama Furnitures, how may I help you?” magalang na saad ng dalaga. “Is the conference room ready? I will be up in fifteen minutes!” anang nasa kabilang linya. “Yes Sir.” Hindi man lang nakarinig ang dalaga ng kasagutan. Napaismid siya at napaangat ang kanyang paningin nangh masilayan ang isang lalaki na may dalang damit na naka-hanger at plastic pa. “Good morning Ma’am. Ito na po iyong para kay Anna Romero. Pakipirmahan na lang po ang acknowledgement receipt,” anang lalaki. Inabot nito ang isang resibo na may nakalagay na pangalan ng dalaga. Dagli niyang pinirmahan ito at nakangiting inabot ang papel. Siya namang pagdating ni Derrick na nagsalubong ang kilay sa supoy ng bagong sekretarya. Nang nakalabas na ang nag-deliver ng uniporme ay hinarap ng binata ang bagong sekretarya. “Wala ka bang maayos na damit at iyan pa ang naisipan mong isuot!” Lukot ang mukhang sita ni Derrick kay Anna. “Una sa lahat, magandang umaga Sir Derrick Valderama.” Yumukod si Anna kahit pa ngani-ngani na niyang simangutan ang amo na pinaglihi yata sa sama ng loob. “Pangalawa po, kadarating lang ng aking uniporme. Kita n’yo pa nga ang nag-deliver.” Ubod tamis na ngiti ang ginawad ng dalaga sa amo na namumula yata ang buong mukha sa pagtitimpi. Imbes na pagalitan ang tauhan ay walang nasabi si Derrick. Pamilyar ang itsura ng sekretarya at hindi niya alam kung nakita na ba niya ito sa kung saan at kailan. Tumalikod na siya at naramdaman ang pagsunod ng sekretarya. Napahinto siya at tumuwid ng tayo ang tauhan na tila nakayuko. “Bakit nakasunod ka?” kunot-noong saad ni Derrick. “Sir, ipagtitimpla ko po kayo ng kape at nasa loob po ng opisina ninyo ang inyong coffee maker, wala rito sa aking cubicle,” anang dalaga. Napabuntong-hininga si Derrick at naglakad na papasok. Hindi niya naibilin sa dating secretary na si Mrs. Lopez na ilabas na ang coffeemaker. Noong naglilihi kasi ito ay nasusuka ito kapag naamoy ang kape kaya pinalagay niya pansamantala ang coffeemaker sa opisina niya. Kaagad na nagtimpla si Anna ng kape. Gamit lang ang coffeemaker at nilagyan niya ng dalawang kutsarita ng cream ang kape ng amo at lumabas na. Sinimsim ni Derrick ang kape at kuhang-kuha ng bagong secretary ang timpla niya. Magaling pala itong sumunod ng mga bilin, iyon ang napagtanto niya. Inumpisahan na niyang harapin ang mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Galing siya sa isang business trip ng nakaraang linggo kaya hindi kaagad niya nabalikan ang mga iyon. ******* Sa employees Comfort room, naroon si Anna at sinuot na ang kanyang bagong uniform. Sakto naman ang sukat kaya lang ay naiilang siya. Hindi siya sanay na nakikita ang kanyang binti at hita. Three inches above the knee ang pencil cut uniform niya at sinuot na rin niya ang kanyang two-inches na peep toe pumps. Mas naging matangkad siya tingnan lalo pa at five feet six inches ang kanyang height. Sandali niyang inayos ang kanyang puhok at pinusod iyon ng high pony tail. Naglagay na rin siya ng pulang lipstick at hindi na nag-abala na ayusin ang kanyang kilay. Lumabas na siya sa CR at nakasalubong pa niya si Corrine pero hindi siya nito pinansin. “Corrine! Hoy, hintayin mo ako,” tawag ni Anna. Namilog ang mata ng dalaga at doon lang natandaan si Anna. Napatakip ang mga kamay nito sa kanyang bibig at napaatras ng kaunti para mabistahan si Anna. “Halika na nga.Ang dami mong pakulo.” Inismiran nio Anna ang kaibigan pero piningot nito ang matambok nitong pisngi. “May kailangan ako papirmahan kay Sir Derrick.” Inabot ni Corrine ang dalang dokumento at doon na sa cubicle ni Anna naghintay. Tatlong beses na kumatok muna sa pinto si Anna bago binuksan iyon para pumasok. “Sir, may pinapipirmahan ang taga-HR, urgent daw.” Naglakad si Anna palapit sa mesa ng amo na nakatalikod at nakaharap sa nakabukas na kurtina ng kwarto nito. Pumihit ito paharap at napanganga. “Who are you? Nasaan si Anna?” Matay man isipin ng binata ay hindi ang babaeng kaakit-akit ang kanyang secretary! Una niyang napansin ang mapula nitong labi pagkatapos ay ang mahahaba at makinis nitong hita na hindi man lang natakpan ng stockings. Doon napako ang kanyang paningin sa nakakasilaw na legs. Napalunok siya at biglang in-adjust ang kurbata sa kanyang leeg. Nagtaka naman si Anna sa inakto ng amo. Bigla itong namula at parang balisa. “Sir, ako ito si Anna. Hindi ba sabi ko kanina magbibihis lang ako at kadarating lang ng uniform ko.” Naglakad palapit ang dalaga sa mesa ng amo at nilapag ang mga papeles. “Babalikan ko na lang po iyan Sir. May aasikasuhin pa po ako sa conference room.” Lumabas na si Anna na nagtataka pa rin sa kilos ng amo. “S**t!” Npamura si Derrick sa kanyang sarili ng lumabas ang kanyang sekretarya. Kanina habang lumalapit ito sa kanya ay umigtingh ang kanyang sandata at tila isang sundalo na sumaludo sa watawat. Hindi maaari! sigaw ng isip ng binata. Binaling niya ang atensyon sa papeles at pinirmahan na niya kaagad iyon. Bente minutos na lang at mag-uumpisa na ang kanilang meeting sa conference room. Nang matapos niyang pirmahan ang mga papeles, tumayo na siya at kinuha ang coat na hinubad at lumabas ng opisina. Naroon ang isang babae na tumayo pagkatapos siyang makita. Binati siya nito at dagling nagpaalam na. As usual, kitang-kita sa mga mata nito ang paghanga sa kanya. At sinong hindi? Lahat yata ng mga empleyado na babae ay nagkagusto sa kanya liban na lamang sa kanyang dating sekretarya na si Mrs. Lopez at si Anna. Lumabas na siya sa kanyang opisina at nagtungo na confernce room. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang nakatuwad na sekretarya na tila may kinukuha sa ilalim ng mesa. “What are you doing!”ani Derrick. Kaagad naman tumuwid ng tayo si Anna. Kung nasilipan man siya ng amo, wala siyang pakialam. Total naman ay nagsusuot siya palagi ng cycling shorts. “Nahulog ko po iyong white board marker Sir eh.” Lumapit si Derrick dito at siya na ang kumuha. Namilog ang kanyang mata nang hindi man lang tumabi si Anna para bigyan siya ng daan. Kaya, nakitaan niya ito ng underwear na itim. Tumalikod si Anna at narinig ang yabag at pag-uusap ng mga pparating na tao. Tumabi na siya at mula sa gilid ay kinuha na niya ang kanyang writing tablet bilang taga-kuha ng minutes ng meeting. “Good morning po.” Yumukod si Anna habang pumapasok ang mga kasali sa meeting. “Valderama, hindi mo man lang sinabi na nagpalit ka na pala ng secretary na maganda at sexy pa!” Kumindat ang lalaking nakasuot ng maroon na suit. May suot itong mamahaling wristwatch at on fleek ang buhok. “Stanley, mamaya ka na lumandi!” sermon ni Derrick. Tumalim ang tingin ng binata sa kanyang kaibigan na halos matunaw na ang kanyang sekretarya sa malalagkit nitong tingin. Napahalakhak ang mga naroon habang si Anna ay tila walang narinig sa mga panlalandi ng ka-meeting ng tao. Manhid na siya sa lahat ng uri ng mga ganoong komento. Bata pa lang ay palagi siyang pinagtitripan ng mag kalalakihan kahit boyish siya. Ayon sa mga ito ay maganda daw siya. Pero, lahat ng iyon ay hindi niya pinapansin dahil mas importante sa kanya ang matulungan ang tiyahin na maitawid ang pag-aaral nilang magkapatid. Nakapagtapos siya ng kursong secretarial dahil na rin sa kagustuhan ng tiyahin. Nais nitong siya na ang sumunod sa posisyon nito bilang sekretarya ng mga Valderama. At natupad nga ang kagustuhan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD