Hapon na 'kong nagising. Ang sama ng gising ko, may kung sino ang kumakatok sa pinto. Kahit napipilitan ako ay tumayo narin naman. Napaka abala masyado.
""Sino po sila?""
""Hi, kaninang umaga kumatok ako pero walang sumagot kaya bumalil ako ngayon. Ako nga pala si Nick, bagong lipat sa katabi mong apartment.""
Tinur niya yung pintuan sa kabila. Hindi ko alam ang aking isasagot.
""Ah ganun ba? Yung dating naka tira diyan, patay na ngayon.""
""Huwag ka namang mag biro.""
""Seryoso ako.""
""Ah ganun ba, oo nga pala."" Inabot niya sa 'kin ang plastic topper ware. Tinignan ko ito at nalamang menudo ang nakalaman.
""Mag kano?""
""Hahaha, nakaka tawa ka naman. Libre lang yan dahil bagong lipat ako.""
""Salamat.""
""Walang anuman, oo nga pala may nakita akong napaka gandang babaeng lumabas sa apartment mo. Girlfriend niyo ba yun?""
""Hindi.""
""Kapatid?""
""Hindi.""
"E ano?""
""Kahapon umulan ng malakas, pinapasok ko lang sa apartment ko dahil wala siyang matutuluyan.""
""Napaka bait niyo naman po.""
""Hindi naman, naawa lang ako sa 'kanya dahil mukha siyang pulubi.""
""Hindi naman! Nakita ko napaka ganda niya sana makita ko nga ulit siya, kakaiba yung taste niyo. Ano bang pangalan mo?""
""Ralph.""
""Sige po, mauna na 'ko. Magustuhan niyo sana yang luto ko. Mag aayos pa kase ako Ralph ng gamit ko.""
Umalis na siya, wala naman akong pake-alam sa totoo lang.
Napansin ko sa orasan na 5 o'clock na ng hapon akong nagising. Kinain ko ang binigay sa 'king pag kain ni Ralph at tinitigan ang oras.
Tik-tok lang ito ng tik-tok.
Nandidilim na nanaman ang paligid sa 'kin. Dahil sa katahimikan unti-unti akong dinadala nito sa kabagutan.
Napag pasiyahan kong hanapin ang lubid na binili ko bago kami mag kakilala ng babaeng mamatay tao. Nakita ko ang lalagyanan ng plastik sa basurahan, inangat ko ito at mas lalo akong nainis. Ang taling binili ko'y gupit-gupit at samatutal na hindi ko na magagamit.
""Nakaka inis talaga ang babae yun!"" Malakas ang kutob kong siya ang sumira sa tali.
Lumabas ako sa apartment at naglakad-lakad. Tiyo na ang daanan dahil kahapon ay malakas ang ulan at maputik.
Lumakad lang ako habang hindi alam kung saan pupunta. Hindi ko nalang napansin na nasa isang eskenita na pala ako- ang lugar kung san kami nag kita.
Maraming pulis doon, hindi ako mag tataka. Alam na nilang may nangyaring pag patay doon. Minabuti kong umalis ngunit isang magaspang na kamay ang humawak sa braso ko.
""Ako nga pala si Detective. Cohen.""
""Ralph.""
Nakipag kamay muna ito nag handa siya ng papel at ballpen parang i- interrogate niya ako.
""May alam kabang nangyari kahapon sa lugar na i'to?""
""Wala.""
""Sigurado ka?"" Tinitigan niya ako sa mata na parang binabasa kung nag sisinungaling ako.
""Oo.""
""Ah ganun ba? Mukha kaseng pamilyar ang mata mo sa dekada kong nag tatrabaho bilang imbestigador, hindi ko mabasa ang mata mo i'ho.""
""Okay.""
Binigyan niya ako ng isang card.
""Tawagan mo 'ko kung may nalalaman ka."" Umalis na siya, hindi siya sigurado na may alam alam ako o wala. Naniniwala siya sa posibilidad.
Sa isip-isip ko'y wala namang benepisyo sa'kin kung mag susumbong ako sa mga pulis ng tungkol sa nasaksihan ko. Isa pa'y hindi ako nag titiwala sa mga pulis kagaya ng lahat.
Umalis na 'ko, dumiretso nalang ako sa convenience store. Bumili ng kahit ano at dumiretso nalang umuwi.
Nanlalata ako.
Bukas ay may pasok nanaman. Sigurado akong mapupunta nanaman ako sa ospital dahil sa bugbog ng mga kaklase ko.
Humiga na 'ko sa kama.
Ayokong mamatay dahil sa kanilang mga kamay, matutulog nanaman ako, naririnig ko nanaman ang kanilang demonyong halakhak.
Natatakot akong pumasok pero wala naman akong pag pipilian. Yun lang naman ang school dito hindi rin afford ng magulang kong palipatin ako sa ibang school.
Pumikit na ako.
Habang hinihintay na kuhanin ako ng kaantukan, sana managinip naman ako ng kahit papaanong kabuluhan.
Lunes nanaman, kailangang pumasok. Kahit na nahihilo pa ay pinilit kong tumayo. Tumungo sa banyo at mabilis na nag linis ng pangangatawan.
Sinuot ko na ang aking salamin.
Hindi na ako kumain, dumiretso na ako papasok. Tatlong kanto ang layo ng George academy mula sa apartment ko, nilakad ko nalang.
Ilang metro nalang ang siyang layo ay hindi pa 'ko nakaka pasok sa gate ay may isang lalake ang humarap sakin.
""Tanggalin mo salamin mo, susuntukin kase kita!""
Tinanggal ko ang salamin ko at nakangisi itong sinuntok ako. Napaka sakit- pero umpisa palang ito, sigurado ako.
Naka pasok ako sa room Stem A-1 pag kaupo ko ay tatlong lalake ang siyang tumayo upang lapitan ako.
""A-anong kailangan niyo?"" Malumanay kong tanong, sabay silang tatlong ngumisi. Napaka sakit.
""Paki tanggal ng salamin mo."" Hindi nga ako nag kakamali, salit-salitan nila akong sinuntok.
""Masaya na 'ba kayo?""
""Oo, mabuti nalang nandyan ka. Stress reliever ka kase namin!""
Humalakhak sila.
Napaka sakit ng aking panga, alam kong may pasa na ito hindi na kakayaning tumanggap pa ng mga suntok sa susunod. Tiyan naman siguro ang gagamitin ko.
Pinili kong pumunta sa pinaka dulong upuan, maraming bakanteng upuan doon kayat walang lumalapit sakin. Nag iisa lang ako, wala namang pake-alam ang nga guro kung makinig ako o hinde.
Tumingin lang ako sa bintana habang pinag mamasdan ang pag lipad ng mga ibon. Hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko.
Sinakal ako nito.
""Hahaha, tang ina. Namumula yung mukha mo."" Sinakal nito ako mula sa likuran, hindi ako makahinga.
""Hoy, tama na. Baka mapatay mo pa yan wala na tayong stress reliever."" Napag alaman kong si Chester pala ang sumakal sakin.
Nakangiti lang siya na nakatingin sakin. Sa matutal ay laruan lang ang tingin nila sa 'kin. Stress reliever? Hindi na masama.
Umalis na sila pero nag iwan sila ng hugis ari sa pisngi ko. Ang ginamit nila ay permanene pen, pinilit kong kuskusin yun ngunit hindi tumalab.
Ayaw matanggal!
Ayaw matanggal?!
Naka focus ako sa pag tanggal ng pen sa mukha ko at hindi ko napansin na may kung sinong naka pamulsa ang naka tayo sa harap ko.
Tinignan ko ito.
""Ang ganda ng tattoo mo, Ralph."" Wika ni prof. Dallas. Lahat ng kaklase ko ay tumawa, dahil sa naka drawing sa pisngi ko- t**i.
""P-pasensya na po, tatanggalin ko na po."" Minarapat kong tumayo, ng papalabas na ako ng room papuntang restroom sana ay tinawag ako nito.
""Hindi mo na kailangang pumunta sa restroom, Ralph. Bilang parusa ay hindi mo yan tatanggalin hangggat matapos ang araw na i'to.""
Tumawa ang mga kaklase ko.
""Pero p-prof-
""Hindi mo ba 'ko susundin?""
""Pasensya na po."" Umupo na ako sa 'king silya, sinusundan nila ako ng tingin. Napaka laki ng drawing sa pisngi ko, hindi ko magawang itago.
""Ganda talaga ng tattoo mo."" Wika pa ng isa.
""Sinong nag drawing sa mukha ni Ralph?"" Natuwa ako, tutulungan sa siguro ako ni prof. Dallas. May nagaganap na bully, nasa mukha ko ang ebidensya na binubully nila ako.
""Ako, po."" Nag taas ng kamay si Chester. Hindi ko masyadong inasahan na aamin siya sa kanyang kasalanan.
""Ito."" May inabot na kung ano si prof. Dallas kay Chester. Ngumiti ng normal si prof. atsaka nag sambit ng di ko inaasahan.
""Nagustuhan ko yung drawing mo, dahil diyan binibigyan kita ng permiso para mag drawing pa ng marami.""
Tumawa ang klase.
""Sige, prof.""
Mabilis akong nilapitan ni Chester, naka bungisngis ito habang sinusulatan ang mukha ko. Tinanggal ko din ang salamin ko gaya ng utos niya upang madali siyang maka pag drawing ng kung ano-ano.
Tumawa ang klase.
Napaka lamig ng mukha ko, masyadong matapang ang red pen na ginamit niya. Pati tilukap ng mata ko'y sinulatan niya.
""Napaka ganda mo talagang mag drawing, Chester.""
""Salamat, prof.""
Umupo na si Chester pero naka tingin padin sakin ang buong klase. Hanggat maya-maya pa'y nag sawa sila sa kakatitig.
Gusto kong umiyak.
Kung sana pinatay ako kahapon ng babeng nakilala ko e' di sana di ko na naranasan pa ang ganito. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaklase ko kung ang "stress reliever" nila ay biglang nag pakamatay?
Hindi na 'ko maka isip ng ano pa man.
Naninikip ang puso ko.
""Okay, class..."
""There is a new transfer studente."" Sambit ni prof. Dallas mula sa harapan. Dahil sa hiya ko, hindi ko mapakita ang mukha ko sa klase.
Natutuwa lahat sila sa mga nangyayari sakin. Bagong transfer student, panibagong bully nanaman. Nakaka sawa na.
Wala akong interes na tignan ang bagong studyante. Ang ginawa ko nalang ay dumukdok habang tinatago ang mukha.
Bakit napaka sama ng prof. ko. Hindi siya isang guro para sa 'kin. Isa siyang demonyo.
Naririnig ko palagi na kesyo ang hot at napaka pogi ni prof. Dallas. Maski ang principal ng George Academy ay pinapaburan siya.
""Hi, my name is Ailee Xally. Kinagagalak kong makilala kayong lahat."" Rinig kong sambit niya. Kahit naka yuko ako ay minabuti ko nalang pakinggan ang sinasabi niya.
""Nag transfer ako dito dahil meron akong hinahanap, mula ako sa Phillips Academy-
Sandali, ang Phillips academy ang pinaka prestihiyosong paaralan dito sa Pilipinas. Bakit niya napiling lumipat sa mas mababang antas. Kahit sikat ang George academy ay wala paring katulad ang Phillips dahil napaka sosyal ng paaralan na 'yon at tanging milyonaryo lang ang nakaka pasok.
""Napaka ganda niya!""
Rinig na rinig ko ang bulungan sa harap, malalake man o babae puro papuri sa kanya.
""May hinahanap ka? Pwede bang malaman kung ano 'yun?"" Tanong ni prof. Dallas.
Hindi ko nakarinig na sumagot siya mula sa tanong ni Prof. Dallas. Akala ko'y naka upo na ang babae sa kung saang upuan. Hanggat naka rinig ako ng yakap, papalakas ito ng papalakas hanggat huminto na ito.
""Anong pangalan, mo?"" Alam kong naka tayo siya mula sa upuan ko. Minabuti kong itaas ang ulo, nalaman ko nalang na ang buong klase ay naka tingin sakin ng masama.
Tumingala ako upang tignan ang bagong transferee student. Hindi ako maka paniwala sa bumalangkas saaking mukha.
""Ralph Celozi.""
""Ako nga pala si Ailee Xally.""
Yumuko siya sa kaliwang balikat ko atsaka mabilis na dinilaan ang isang banda ng leeg ko.
""Huwag mo sasabihin kahit kaninuman na may pinatay ako, kung hindi ay hindi kita papatayin. Ma 'liwanag ba?"" Bulong nito.
""Wala akong interes na ipag sabi sa iba, sa matutal naman ay walang maniniwala sakin."" Mahinang sagot ko sa binilin niya.
Bigla nalang siyang umupo sa bakanteng upuan sa gilid ko kahit paman maraming gusto ang maupo siya sa harap.
""Ms. Ailee, I recommend na hu 'wag kang tumabi sa lalakeng i'yan dahil-
""No thanks, I sit everywhere I want.""
Natameme ang buong klase.
""Okay, If you change your mind. Don't hesitate to ask me to changed your sit.""
Tumango nalang si Ailee. Hindi ako makapaniwala na may katabi ako sa mga oras na ito. Hindi lang pala siya basta-bastang estudyante dahil parang kahapon lang ay nakita ko kung paano siya pumatay.
Pinisikan niya ako ng kung ano.
""Alcohol, para matanggal ang sulat sa mukha mo, Ralph.""
""S-salamat, pero sabi ni prof. ay huwag ko daw itong tanggalin hanggat matapos ang klase."" Napansin ko si prof. na nakatingin sa 'kin ng masama. Parang hindi niya nagustuhan na may katabi ako ngayon.
Mabilis na natapos ang klase at lunch time na. Minabuti kong lumisan agad bago ako pag initan ng mga lalakeng may interes sa bagong trasferee.
""Oo, pre! Napaka ganda nu'ng babae!""
""Grabe napaka hot, sana matikaman ko siya.""
Grupo lang naman i'yon ni Lary, mayron siyang gang dito sa loob ng school. Umiwas nalang ako sa pwesto kung saan sila kumakain, kagaya ng kadalasan ay tumungo ako sa rooftop.
Wala doong ni isang tao, kayat nalalasap ko ang katahimikan sa pali-
""Wow, ang ganda naman di'ne!""
""Bakit ka nandito?""
""Masama bang makipag kaibigan?""
""Hindi, pero mas mabuting umiwas ka sa 'kin.""
""Hindi kita maintindihan, Ralph.""
""Paki usap, layuan mo 'ko. Pangako, hindi ko ipagsasabi sa kahit sino'man na serial killer kayat layuan mo na 'ko.""
""Napukaw mo kase ang interes ko, suicidal.""
Umalis agad ako sa rooftop at piniling mag lunch nalang sa restroom. Tutal ay nasa restroom na ko'y tinanggal ko narin ang tinta sa mukha ko.
Ng tumunog ang bell ay agaran akong bumalik sa silid, lahat ng lalake doon ay nag hahantay sa 'kin. Pag pasok ko narinig ko ang kanilang pag papaputok ng daliri.
""Paki tanggal ang salamin mo, Ralph. Kailangan namin lahat ng stress reliever-
At doon ay nabugbog na nila 'ko.
Alam kong naka silip lang si Ailee sa bintana. Parang nakalkula niya na mangyayari sakin ito. Nakangiti lang siya habang pinag mamasdan akong nabubugbog.
Nakangiti lang siya habang pinag mamasdan ako ng paulit-ulit parang sinadyang niyang ipakita sakin na nakikita niya ang pag durusa ko.
Pakiramdam ko tuloy ay napaka baba ko.
Napaka baba ko sa totoo lang.
Kayat kapag namatay ako sa baba ako mapupunta.
""Okay na, natanggal na namin stress namin. Sa susunod ulit, Ralph."" At doon ay humalakhak silang lahat. Nakaka tuliro na ang kanilang pag tawa.