HINDI nahirapan si Graciella na makatulog kagabi. Pagod na pagod ang pakiramdam niya kaya agad siyang nakatulog pagkahiga niya sa kama niya. Namiss niya ang kama niya. Ang matulog mag-isa at walang kahati. Ngunit ganoon pala ang pakiramdam kapag nakasanayan na may katabi sa pagtulog. Kayakap at nakadikit ang init ng katawan sa kanya. She felt like something is missing. Ang init ng katawan ni Patrick, ang amoy nito, ang paghinga nito sa kanyang buhok at paghaplos nito sa kanyang baywang habang natutulog sila ay Graciella’s new found comfort. Parang bigla siyang nalungkot dahil wala iyon sa tabi niya. Akala niya ay nananaginip pa siya nang maramdaman niya ang maiinit na haplos sa hita niya. Hindi siya nagpalit kagabi ng suot. She was still wearing her mini black dress na ginamit niya sa di

