Tumingin si Graciella sa paligid, na para bang hinahanap ang anumang palatandaan ng buhay sa gitna ng malamig at madilim na kagubatan. Napapaligiran sila ng matataas, makakapal na puno na tila umaabot hanggang langit. Sa paligid ay walang tunog maliban sa malumanay na huni ng mga insekto at ang patak-patak ng ulan na patuloy na bumabagsak sa mga dahon at lupa. Nakakabingi ang katahimikan. Para bang may misteryosong presensya na nagmamasid sa kanila mula sa kadiliman. Hindi sementado ang daan kung saan siya nakatayo, basa, at putik na putik. Parang isang eksena sa mga pelikulang ‘Friday the 13th’ at ‘Hatchet’ ang lugar na ito — madilim, mapanganib, at puno ng mga anino. Oo, isa siyang tagahanga ng mga pelikulang ‘yon, kaya mas nakakatakot para sa kanya ang tao kaysa sa mga multo ng ‘white l

