Nakatiim-bagang si Patrick nang malingunan niya. Mahigpit ang panga, at ang buong postura nito ay parang isang pader na hindi matitinag. His expression was unreadable—walang kahit anong bakas ng emosyon, pero ramdam ang bigat ng presensya niya. “Kuya Patrick, nandito ka na pala.” Puno ng nerbyos ang boses ni Tammy, halos mabasag ang tono nito habang namumutla ang mukha. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ng kuya. Something is going on, and Graciella knew it. At may ideya na siya kung bakit ganoon ang tensyon. Iniangat niya ang noo at tumingin kay Patrick. Pinilit niyang maging kalmado kahit mabilis ang t***k ng puso. “Aakyat muna ako sa kwarto.” Saglit siyang sumulyap kay Tammy bago tuluyang umalis. Hindi niya ginawa iyon para iwan si Tammy sa komprontasyon—alam niyang wala pan

