Pleasure Island "Okay ka lang ba?" tanong ni Patrick, malambing ang boses nito, punong-puno ng genuine concern. Tumango si Graciella, pilit iniiwas ang isip sa mga masasamang alaala na kanina pa bumabagabag sa kanya. She forced a small smile, kahit ramdam niya na nanginginig pa ang katawan niya sa lamig at sa kung anong hindi maipaliwanag na init na nagmumula sa loob. "Malapit na tayo sa villa ko," dagdag ni Patrick, mas lalong lumambot ang tono ng boses nito na parang yumayakap lang sa kanya sa pamamagitan ng mga salita. "Pagdating natin, kailangan mong magpalit agad at magpatuyo. Ayokong magkasakit ka." Napapikit siya sandali. Totoo ba ito? O guni-guni lang niya ang lahat? Parang imposible na may lalaking ganito ka-alaga, ka-gentle, yet sobrang strong and capable sa parehong oras. He

