“GOD, it’s still raining,” pabulong na sabi ni Graciella nang magising siya at marinig na malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Hindi lang basta buhos kundi may kasama pang nakakatakot na paghampas ng hangin na tila ba pilit winawasak ang katahimikan ng gabi. Kanina sa TV, narinig niya na signal number three raw, pero hindi siya sigurado kung two o three nga ba. Basta, sigurado siyang naka-“four” silang dalawa ni Patrick kanina. “Four-four ka pang nalalaman, fokfok ka na, day,” bulong niya sa sarili, napapailing pa habang napapahawak sa tiyan. Ilang beses siyang inangkin ni Patrick, at sa bawat pagkakataon, sa bawat pag-angkin nito, sa bawat haplos nila sa isa’t isa, parang mas lalong sumisidhi ang pangangailangan niya. Hindi nababawasan kundi tumataas pa lalo ang init sa katawan. Hi

