DINEADMA na niya ng tuluyan ang mga tawag ni Terr. She already blocked her number. Pati si Yana, na nakikiusap pa sa kanya, wala ring nagawa. Seriously. A second chance? Sa pelikula lang nangyayari 'yon. Hindi sa kanya. Naiwala na nito ang tiwala niya. There's no turning back. Kahit anong luha o pangungumbinsi, hindi na mababago ang desisyon niya. Ang sugat na iniwan sa kanya ay hindi basta peklat lang—malalim at mahapdi pa rin. Kinahapunan, kinulit niya si Patrick tungkol sa kotse niya. Hindi siya naniniwalang hindi pa ayos 'yon. Nagdadahilan lang ang peste. Matagal na rin kasi mula nang huli niya itong makita, at ngayong naiipit siya sa villa nito, ramdam niya na parang may lihim itong plano. “Sabihin mo nga ang totoo, ayaw mo lang talaga akong paalisin no? Kaya hindi pa rin nagagawa

