Bumalot ang isang malalim na ungol sa mga labi ni Graciella, kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. Nilasap niya ang masarap na sensasyong gumuguhit sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Ang buong isip niya ay nakatuon sa bawat galaw, bawat haplos na naghahatid ng kakaibang ligaya. Ang mga daliri ni Patrick ay tila may sariling buhay, naglalandas sa kanyang likod na nag-iiwan ng mahabang bakas ng init at kapayapaan. “Do I make you feel good, babe?” tanong ni Patrick sa mahinang boses, na tila hinahagod din ng kanyang tinig ang pandinig ni Graciella. Ang bawat haplos ni Patrick ay tila nagpapalipad kay Graciella sa kalangitan. Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya, isang lugar kung saan ang lahat ng problema ay naglalaho. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, isang ngiti na hindi

