Hindi siya nakatulog nang gabing ‘yon. Kahit anong balikwas ni Graciella sa kama, kahit anong pikit ng mata niya, kahit anong pilit niyang isipin ang ibang bagay—hindi nawawala sa isip niya ang mainit na sandaling namagitan sa kanila ni Patrick. Pinuwersa niya ang sarili na ipikit ang mga mata, pinipilit na sumuko sa antok, pero para bang may replay button ang utak niya. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena kung paano siya inangkin ng mga labi nito. Kung paano dumikit ang katawan nito sa kanya at kung paano siya nito hinubaran—hindi lang ng saplot, kundi pati ng konsensya niya. Parang baliw siyang napapailing. “God, help me,” bulong niya sa kawalan. Kahit anong dasal ang gawin niya, hindi mabura ang memorya ng init ng halik ni Patrick. Hindi mawala ang lasa ng labi nito na nagpaikot ng bu

