NAKAUPO si Graciella sa sala. Tahimik siyang nakasandal sa malambot na sofa habang nakatutok ang tingin sa TV na nakabukas, bagama’t halos hindi niya naiintindihan ang palabas. Ang liwanag mula sa screen ay kumikislap-kislap sa kanyang mga mata, pero ang tunog ay tila malayong alon lang na dumaraan sa kanyang pandinig. Mas nangingibabaw sa kanya ang boses ni Patrick, na nasa kabilang bahagi ng sala at kausap ang isang tao sa telepono. Hindi niya kailangang marinig nang buo ang sinasabi nito, sapat na ang tono ng tinig na kumakawala mula sa bibig nito. Naririnig niyang binabanggit nito ang tungkol sa isang party. Isang isla. Pleasure Island, iyon marahil ang sinasabi nito noong nakaraan. Isang pagtitipon na tila espesyal, at gusto nitong dalhin siya roon. Pero para saan? Para may kasama la

