Naalimpungatan ako nang may humahaplos sa aking buhok. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. "Baby?" Isang napakaguwapong mukha ang bumungad agad sa akin. "Kailangan mo na umuwi, nandito na si Gold." Nakatitig lang ako sa kan'ya. I missed him. Ngumiti lang ako at bumangon.Naisuot na ang mga saplot ko sa katawan. "U-uuwi na ako."mahinang saad ko sa kaniya at umiwas ng tingin. Hinila ako nito at niyakap nang mahigpit. "Malapit na.Aayusin natin ito." Humarap siya sa akin at mariin akong hinalikan. Lumabas na kami sa silid niya.Naabutan ko si Gold na nakaupo. "Let's go, baka hanapin na tayo ni Daddy mo."aniya ni Gold sa akin. Diretso akong lumabas sa pinto na hindi na tumingin kay Jaime. Nang nasa elevator na kami agad ako sinumbatan ni Gold. "Bakit hindi mo sinabi kay

