(Kenzo Craig Alcantara POV) Gabi na ako nakauwi galing sa aking photo shoots.Dumaan rin ako sa condo ng aking kakambal na si Kenjie. Pagbukas ko ng pinto, nagtataka akong nakabukas ang ilaw. Is Artemis here? Hinubad ko muna ang aking jacket at sinampay sa sofa.Tinanggal ko rin ang aking sapatos. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng beer in can sa refrigerator nang maabutan ko ang isang babae na abala ito sa pagluluto. "What are you doing here?"diin na tanong ko sa kan'ya. Humarap ito sa akin. Sobrang ganda pa rin niya.Pero sagad sa buto ang galit ko sa kan'ya. "G-gusto ko lang ipagluto kita."mahinang saad niya. Napangisi naman ako. "Hindi ko kailangan ang maid, lalong-lalo na ang isang katulad mo."galit na saad ko. "Ken? Please, tama na, I'm so sorry."mangiyak-ngiyak na sabi ni

