Chapter 3:
I HATE THAT MAN
Matapos kumain ay pumunta kami sa isang lugar kung saan kami lang. Syempre artista, malamang dudumugin siya kapag sa public kami namasyal, edi isyu pa.
Nakakapagtaka lang dahil wala siyang bodyguards kaya hindi ko na napigilan ang magtanong. Ang sabi niya ay hindi niya isinasama ang mga iyon kapag may pribadong lugar na pupuntahan. Tsaka marunong naman daw siyang ipagtanggol ang sarili.
Nasa tabing dagat kami at dahil madilim na ay kitang-kita ang mga ilaw sa pinakasentro ng siyudad at isama pa natin ang mga bituin sa kalangitan.
Tinanggal ko ang heels na suot ko para makalad ako nang maayos sa buhanginan pero nabigla ako ng kunin iyon ni Fred iyon sa kamay ko at siya ang nagbibit nito.
Ganda lang!
"So paano mo ako nakilala?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa buhanginan.
"A-mh last year my friends told me about you. They always assume that I'm a gay because I don't have girlfriend and I don't watch porn." seryoso niyang sabi at napanganga na lang ako. Wala na naman kasi akong naintindihan kundi yung unang sentence lang.
"No english" sabi ko nang magpapatuloy pa sana siya sa sasabihin niya. Napakamot siya sa batok niya at napailing dahil naalala niyang di ako masyadong nakakaintindi ng english.
"Akala ng mga kaibigan ko ay bakla ako dahil wala daw akong girlfriend at hindi rin daw ako nanonood ng p*rn. Noong araw na yun inaya nila akong manood at pinakilala ka nila sa akin. Ikaw daw kasi yung lagi nilang pinapanood."
Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil parang nahiya ako sa kanya. Ibig sabihin ay nakita na niya ang lahat sa akin. Napakamot ako sa ulo sabay kahat sa labi. Bakit ngayon lang ako nakadama ng hiya?
"So pinapanood mo ako?" paguusisa ko pa.
"Nope, dalawang besess lang kitang napanood. Noong pinakilala ka sa akin ng kaibigan ko ay ang unang beses kong mapanood ka at ang pangalawa ay nung nagkaroon ako ng lakas ng loob na pigilan ka sa ginagawa mo."
"Bakit?"
"Hindi ko alam sa sarili ko eh." naiilang niyang sabi kung kaya di siya makatingin sa akin. "Basta ayaw kitang panoorin ng ganun."
"Edi nadidiri ka sa akin." medyong inis kong sabi at binilisan ang paglalakad.
"Hey, of course not." sigaw niya sabay habol sa akin. "Its just a-amh u-urgh...gusto kita. I like your for unknown reasons. At tsaka bakit naman ako mandidiri sa'yo? Panigurado may rason ka kung bakit iyon ang naging trabaho mo." aniya.
Tumigil ako sa paglalakad at muntikan na kaming magkabanggaan. "Weh?" makahulugan kong sabi.
"Totoo nga." sabi niya at napangisi na lang ako.
Dumaan pa ang ilang araw at linggo ay nagpatuloy ang pagkikita namin. Masaya ako kapag kasama si Fred. Yung pakiramdam na parang ngayon mo na lang ulit maranasan na ngumiti at tumawa.
Kung panaginip man ang lahat sana gisingin na agad ako ngayon. Juice colored! Ayokong umasa.
Sa totoo lang ang pinakamagandang araw na nangyari sa akin ay yung tuwing magdedate kami ni Fred dahil bukod sa pagkikita namin ay hindi ko naramdaman ang panghuhusga niya sa kabila ng trabaho ko. Ramdam ko rin yung respeto at paggalang niya sa akin bilang babae.
Hinahatid niya rin ako sa apartment na pipitsugin kong tinitirhan sa tuwing tapos na kaming magdate. Nang makita nga niya ang tinutuluyan ko ay nagoffer siya na sa condo ako manirahan katabi ng unit niya pero tinaggihan ko dahil nakakahiya.
Hindi ko na nga ata crush si Fred dahil feeling ko ay nagugustuhan ko na siya pero ganun pa man ay pinipigilan ko ito.
Hindi pwede ang isang pokpok sa artista. Iyon lahi ang pinapaalala ko sa sarili.
...
Palabas na ako ng office ng boss ko ng maabutan ko si Dan na may dalang malaking bulaklak at mga tsokolate.
"Tin" tawag niya sa akin nang lagpasan ko siya. Tumigil ako sa paglakad at lumingon. "Bakit?"
Napakamot siya sa batok at nahihiyang tumingin sa akin. Nabigla naman ako ng iabot niya ang dalang bulaklak at tsokolate. Anong trip nito? Siguro nabasted ito kaya binigay sa akin itong mga ito.
"Thank you." ani ko.
"A-amh Tin can we date?"
Natawa agad ako sa tanong niya at nagtataka siyang nakatingin sa akin. "Sure, kawawa ka naman eh. Alam kong nabasted kaya para gumaan ang pakiramdam mo magdedate tayo." sabi ko sa kanya at napakamot ulit siya sa batok ng hilahin ko na siya palabas.
Halos magkasabayan lang kami ni Dan na pumasok sa porn industry pero mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Sa lahat ng mga katrabaho ko ay sa kanya lang ako komportable at siya lang din ang kasa-kasama ko sa amin dito sa trabaho.
Katulad ko ay rin siya nakapagtapos lang siya ng highschool. Natigil din siya dahil rin sa matinding pangangailangan. Kaya naman daw niyang magtrabaho umaga't gabi kaya lang ay hindi iyon sapat kaya napilitan rin siya na pumasok sa mundong ginagalawan namin ngayon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at tsaka siya umikot papunta sa driver's seat. Marami na ang naipundar ni Dan dahil sa porn industry at sa katanuyan ay nagbabalak na rin siya na magresign pero hindi ko lang alam kung kailan.
"T-tin, hindi ako nabasted." panimula ni Dan nang dumating ang pagkain na inorder namin. "Eh ano pala? Wag mong sabihin na trip mo lang ang bumili ng bulaklak?" natatawang sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkakain.
"Para sa iyo talaga iyon. Matagal na kitang gusto Tin pero hindi ko alam kung paano aamin." pagtatapat niya kung kaya napatigil ako sa pagkakain.
"Kaya kong maghintay Tin, handa kong patunayan sa'yo ang lahat." pagpapatuloy niya pa.
Tumingin ako sa mga mata niya at ramdam ko ang sinsridad na pagsasabi niya pero ganun pa man ay hindi ko masusuklian ng kahit ano ang nararamdaman niya para sa akin.
Kaibigan, yun lang ang tingin ko sa kanya. Yun lang ang kaya kong ibigay dahil sa ngayon wala pa sa isip kong yung mga ganung bagay. Mas prayoridad ko ang pamilya ko kaysa sa sariling kaligayahan.
"I'm sorry Dan pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa iyo. Salamat sa iyo pero ayokong masaktan ka."
"I know but I'm willing to wait Tin."
Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas ng restaurant habang nagiisip ng sasabihin. Pero natigil ako sa pagiisip ng tumunog ang cellphone ko.
Fred is calling...
"Sagutin ko lang ito." paalam ko sa kanya at dumiretso ako sa CR.
Napaisip muna ako bago sagutin ang tawag ni Fred. Bakit siya tumatawag ngayon? Ang bilis naman niya akong mamiss. Hay, ano bang pinagsasasabi ko, masyado akong assumera.
"Is he your boyfriend?" yun agad ang bumungad na tanong sa akin ni
Fred
Naintindihan ko naman ang tanong niya pero anong sinasabi niya? Boyfriend? Nakadrugs ata itong si Fred.
"Huh?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko alam ang tinatanong niya. Huh? hakdog.
"Yung kasama mo, boyfriend mo?" tanong niya. Teka, paano niya nalaman na may kasama ako ngayon?
"Sino? Si Dan?"
"So Dan ang pangalan niya." makahulugan niyang sabi. Ani ba itong pinaguusapan namin at ano anamn sa kanya kung may kasama ako.
"Hindi kita maintindihan. Bakit ito ang pinaguusapan natin?" naguguluha kong tanong pero imbes na sagutin ang tanong ko ay binabaan niya ako. Bastos!
Napatalon naman ako ng may sunod sunod na kumatok. Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin si Fred na siya ikanalaki ng mata ko.
Sh*t! Anong ginagawa niya rito?
"I miss you baby." aniya na kung maka asta ay akala mo boyfriend ko. May pa baby baby pa siyang nalalaman.
Eto na naman siya sa baby. Palagi iyon ang tawag niya sa akin kapag nagkikita at nagdedate kami pero hinayaan ko na lang siya dahil totoo naman baby ako, baby face.
Agad akong tumalikod sa kanya at tiningnan ang sarili sa salamin pero nagsitayuan lalo ang mga balahibo ko ng lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. At kitang kita ang pamumula ng mukha ko sa salamin.
"I miss you" bulong niya pa sa tainga sabay tingin sa sarili naming repleksyon sa salamin.
Anong nakain nito? Unang una, ayokong mag assume sa sinasabi niya dahil isang beses pa lang kami nagkikita pero kung maka asta siya ay parang may relasyon kami. Pangalawa, ay magkalayo pa rin ang estado naming dalawa. Isa akong pokpok samantalang siya naman ay artista. At panghuli, anong trip niya at namiss ako?
"Fred, kailangan ko ng bumalik. Baka hinahanap na ako ni Dan." nahihiya kong sabi pero imbes na pakawalan ako sa pagkakayakap ay mas hinigpitan pa niya ito at ipinatong niya ang ulo sa balikat ko. "Fred" saway ko.
"Fine pero mag date tayo bukas." kamot batok niyang sabi.
"Hindi ako pwede bukas, may trabaho ako." sabi ko pa.
"Okay, sa susunod na araw na lang." aniya pa.
"Titingnan ko." sabi ko at inayos na ang sarili habang siya naman ay pinapanood ako.
"I'm gonna go baby." aniya sabay halik sa dalawang pisngi ko. "I hate that man." dugtong pa niya at sa huli ay hinalikan niya ako sa noo bago siya tuluyang umalis.
At eto ako ngayon na nakatulalang naiwan sa ginawa niyang paghalik. Nasisiraan na ba talaga si Fred ng ulo? Hindi naman iyon ang unang halik ko pero para akong teenager na kinikikig na ewan.
Ano ba itong nangyayari sa akin? Parang halik lang pero kung maka-asta ako ngayon ay parang virgin eh.
Your_missgwy
August 5, 2021
Salamat pala sa mga nagbabasa! Kung meron man hahaha.
Why naman ganun Fred? Feeling Virgin si Mareng Tin niyo. Yung Dan niyo nabusted agad hahaha
Pasensya pala kung mabagal ang update, may kadate kasi ako, yung module ko hahaha.