ID 31

1034 Words

Mangilan ngilan lang ang guest ng bahay ngunit para sa kanya ay advantage iyon lalo sa tulad niyang gusto ng katahimikan. "Ma'am wala naman po kayong allergy sa mga pagkain?" Tanong nito. "Ako po!" Sabi ni Gayle na ikinalingon ko, di ko kasi maalala na nagka allergy ito sa pagkain. "May allergy ka?" Baling ko dito. "Oo allergy ako pag walang pagkain." Sagot naman ng isa at kalahating gaga. Nagtawanan kami akala ko talaga ay totoong allergy ang sinasabi nito. Kinagabihan ay mga lamang dagat ang kanilang ulam. Nang makita niya ay kaagad na nagtubig ang bagang niya lalo na ng makita ang naglalakihang sugpo. Ang mga alige ng alimango na mukhang masarap pa ang pagkakaluto. "Allyson! Di ko masikmura ang amoy!" Tutop ang bibig na sabi ni Gayle. Nagtatakbo na ito papuntang gilid ng lababo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD