RIKA'S POV Magkasama kami ngayon ni Ismael. Magkasama nga kami pero hindi naman niya ako kinakausap tapos mukha pa siyang badtrip. "Sino ba 'yung kanina?" tanong niya kahit nasagot na ni Pinky kanina. "Si Sir Evans 'yon. Saan daw kayo banda magkikita ng Tatay mo?" tanong ko para naman may topic kami. Hindi niya ako sinagot at bigla na lamang siyang umalis. Wala akong magawa kung hindi ang tingnan ang likod niyang unti-unting naglalaho. Nalungkot ako dahil iniwan niya akong mag-isa! Tinawagan ko si Pinky para sabihin ang nangyari pero habang kausap ko si Pinky ay bigla siyang dumating. "Si Bubba ba 'yang kausap mo?" tanong niya sa akin. Ibinaba ko ang phone ko. "Oo." "Puwedeng kausapin ko siya?" "Hindi—I mean, naubos na load ko e." "Okay." Kapag talaga si Pinky agad-agad nandit

