Kinabukasan ay maaga akong nagising. First day ko ngayon kaya ayokong ma-late. Hindi bali na maaga pa sa guard ng school basta hindi lang late.
Pinadalhan na rin pala ako kahapon ng mga uniform na gagamitin ko. Hindi ko ini-expect na ganon sila kagalante pagdating sa mga new teacher na katulad ko. Sabagay, private university naman 'yon.
Lumabas ako ng room ko at nakita kong kakaupo lang din ni Rika sa upuan sa dinning area.
"Pinks! Halika rito, kumain muna tayo." Aya niya sa akin at pinuntahan ko naman siya.
"Naku, hindi na. Nagdala ako ng sandwich sa bag ko. Nakapag-ayos na rin kasi ako," sabi ko sa kaniya at umupo sa kaharap niya.
"Sigurado ka? Baka mahilo ka niyan, ha. Breakfast is the important meal, ika nga nila. Pero anong magagawa ko kung ayaw mo 'di ba?" Bahagya akong natawa sa tinuran niya.
"Hinatayin na kita. Hindi ko pa pala alam kung saan yung University na 'yon."
"Oo naman. Gusto mo rin bang libutin yung buong university?" tanong niya pagkatapos niyang uminom ng kape.
"Syempre pero kapag may time tayo," sabi ko dahil nagtatrabaho kami roon hindi namamasyal lang.
"Okay. Ang daming mga pasaway na bata roon kahit mayaman sila. Ay, sabagay. Bata pala ang tinuturuan mo." Natatawa niyang sabi at ako naman ay napailing lang.
"May mga guwapong teacher din doon." Kinikilig na sabi niya.
"Pinapaalala ko lang po sayo, Ma'am Rika na trabaho ang ipinunta natin doon at hindi para maghanap ng boyfriend!" Muntik na niyang maibuga ang kinakain niya. Mabuti na lang at nakontrol niya ito.
Agad siyang uminom ng tubig. "Ano ba naman 'yan, Pinks! Ang advance mong mag-isip. Sinasabi ko lang na may guwapong teacher," at tinawanan niya ako.
Hanggang sa pagpasok namin sa Skyline University ay panay ang pang-aasar niya sa akin. Hindi ko tuloy ma-appreciate ang ganda ng school nang dahil sa kaniya!
"Good Morning po, Ma'am!" Bati sa amin ng mga estudyante na nakakasabay namin sa paglalakad.
"Anong grade yung tinuturuan mo, Rika?" tanong ko sa kaniya nang paakyat na kami patungo sa Faculty Room.
"Grade three, mga makukulit na." Tinawanan niya pa ako.
Nang makapasok na kami sa faculty room ay wi-nel-come naman ako ng mga teacher na naroon na. Sinabi rin nila sa akin kung saan ang table ko. Pinuntahan ko na ito at inilagay ko upuan ko ang bag ko. Inilabas ko ang class record at yung iba pa na gagamitin ko.
Nagpaalam na rin sa akin si Rika na mauuna na siya. Kakalabas ko lang sa faculty room. Tinitingnan ko rin ang mga dala ko kung nandoon na ba ang lahat. Nahulog ang mga dala kong gamit nang may bumunggo sa akin. Agad ko naman kinuha ang mga nahulog na gamit ko at nakita akong tinulungan niya ako.
Tumayo ako at kinuha ko sa kaniya ang mga gamit ko.
"I'm sorry," sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya. He is tall, a masculine man. Maputi rin siya at maayos ang gupit ng buhok niya. Wala akong makitang mali o pangit sa kaniya. I mean, he is totally perfect sa panlabas nga lang. Ewan sa panloob na ugali.
"Hindi, ayos lang. Hindi ko rin kasi tinitingnan yung dinadaanan ko." Nahihiyang sabi ko at inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Pabebe lang girl?
"No, I'm really sorry. Nag-se-cellphone kasi ako habang naglalakad kaya kita nabangga. I'm sorry talaga," sabi niya sa akin at napatingin siya sa damit ko. "You're a Teacher? New?" Tumango ako sa sinabi niya at doon ko lang din napansin na may pagkakatulad ang uniporme namin. He's a teacher too.
"Welcome to the Skyline University, Ma'am—Anong pong pangalan niyo?" Naging pormal ang pakikipagusap niya sa akin.
Tatanda yata ako sa kaniya.
"Pinky Concepcion, Sir."
"Welcome, Ma'am Pinky! I'm Evans Rivera," at inilahad niya ang kamay niya.
"Nice to meet you, Sir Evans. Thank you," at nakipagkamayan ako sa kaniya.
"Nice to meet you too. Enjoy your teaching here!"
"Yes po. Mauuna na po ako." Paalam ko at tumango ito sa akin.
Habang pababa ako ng building ay hindi mawala sa isipan ko ang malambot niyang kamay. Yung sa akin kaya malambot? Magaspang siguro, hindi ako mahilig gumamit ng moisturizer e. Iwinala ko na sa isipan ko 'yon dahil hindi 'yon ang dapat kong isipin. Nakakainis ka talaga, Pinky! Hindi por que guwapo ay bibigay ka na!
Hinanap ko yung room kung saan ako magtuturo ngayon. Nang mahanap ko na ito ay nakita kong may isang estudyante na nakaluhod ang isang tuhod para magpantay sila nung bata at kinakausap niya ito. Lumapit ako sa kanila.
"You need to go inside. You need to study," pangungumbinsi sa kaniya ng Kuya niya. Hindi ko alam kung magkapatid ba sila o ano.
"But why po, Tito? Ang boring naman po kasi sa loob. Lagi akong pinagtitinginan ng mga girls po, Tito. Tapos si Teacher po ay medyo oldy na po," sabi nung bata.
Napakunot ako sa mga pinagsasasabi ng bata.
"Hello, baby!" Kuha ko sa atensiyon niya at napatingin naman siya sa akin.
"Good Morning po, Ma'am! Sana ikaw na lang po yung teacher namin," sabi niya at bigla siyang lumapit sa akin.
"Papasok ka ba sa loob ng room kapag ako ang naging teacher mo?" tanong ko sa kaniya.
"Opo!" masayang sabi niya.
"Then let's go inside," sabi ko sa kaniya at hinawakan na ang kamay niya at ipanasok na siya sa loob ng classroom.
Babalikan ko sana yung tinawag niyang Tito pero wala na ito. Pumasok na rin siguro sa kaniyang klasi. Hindi ko kasi siya natingnan kanina dahil nasa bata ang tingin ko.
Hindi naman mahirap kausapin ang mga bata. Basta may pasensya ka lang talaga at kaya mo silang intindihan. Basta kapag umiyak, bigyan na lang ng candy. Small things can make them happy. Sana ganoon na lang ang lahat. Appreciate little things.
Nagpakilala ako sa kanila bilang bago nilang teacher at adviser na rin. Tuwang-tuwa sila at sinabi pa na maganda raw ako. Hindi nagsisinungaling ang bata, alam natin 'yan. Napangiti ako sa sariling naisip.
***