CHAPTER 08: Sa Tarangkahan

942 Words
Chapter 08 Kasabay ng pagdating nila Hiraya at Aquila sa tarangkahan, sakay ng iisang diwang espada ni Aquila ay siya rin nilang pagtunghay sa pagtatalo ni Himawari at ng isang disipolong nanggaling sa isang sektang kalahok sa piging na mangyayari. Napaliit ng tingin si Hiraya at doon nya nakumpermang ang katalo ng kanyang kakambal ay ang lalaking parang batang itinuring siyang laruan kanina. Umuusok ang kanyang ilong na dali-daling bumaba sa pagkakasakay sa diwang espada no Aquila at saka walang pagdadalawang isip na sumugod palapit sa lalaki. "Hoy ikaw, ba't mo ginawa sa'kin 'yon?" tiim bagang na usal ni Hiraya. Napalingon naman sa kanya ang lahat, nang makita siya ng kanyang kakambal na si Himawari ay kaagad na sumidla ang ekspresyon nito saka mabilis siyang nilapitan at niyakap sabay sipat sa kanyang buong katawan wari ay nag-alala na baka siya ay nagkasugat. "Maayos lang ako, Hima. Wala naman ako gaanong galos, " ani ni Hiraya. "Kahit na, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa 'yo. At isa pa ang lahat ng ito ay kasalanan ng lalaking ito." Sabay na itinuro ni Himawari ang disipolong lalaki habang nagbabaga ang kanyang mga paningin. Patagilid lamang na ngumisi ang lalaki at walang pakialam sa kanyang ginawa. "Hoy, wala ka bang sasabihin. Nakasakit ka ng tao at maaaring mas grabe pa doon ang mangyari kung hindi lamang ito naagapan, at wala ka man lamang ibang sasabihin sa mali mong ginawa?" Bulalas ni Himawari. Tiningnan ng lalaki mula paa hanggang ulo ang nakapameywang na si Hiraya saka inilipat nito ang tingin sa binatang nasa likoran lamang ng huli. "Sa pagkakaalala ko ay walang masamang dala ang aking ginawa, malay ko bang ang pinaka-malakas sa limang sekta ay nag-aalaga pala ng isang walang kwenta. At isa pa nasagip naman siya ng lalaking yan, sapat na siguro yun wala na akong dapat ipagpaumanhin pa." Nangigigil na talaga si Himawari at gusto niya na talagang sugurin ang lalaki ngunit pinigilan siya ni Hiraya upang hindi na lumaki pa ang gulo. Alam kasi nito ang timpla ng ugali ng kanyang kakambal sa oras na magaling ito ng husto ay hindi na ito mapipigilan pa sa pagwasak ng mga bagay-bagay maibsan lamang ang galit nito. Medyo mas malakaw si Himawari kesa kay Hiraya kung kaya't nahirapan ang huli na pigilan ito sa pagsugod sa nakangiting aso lamang ngayong lalaking disipolo. Dahil doon ay tumulong narin ang iba pang ka-disipolo nila Hiraya upang pigilan ito. Sige lamang sa pagsigaw at pagpupuniglas si Himawari habang ang lalaki naman ay ginagalit lamang siya sa pang-iinis nito. Ilang sandali pa ay bumungad ang tatlong mahahalagang panauhin sa kanilang harapan. "Anong kaguluhan ito?" Isang malumanay ngunit may awtoridad na boses ang narinig ng lahat kasabay ng pagkawala ng ingay sa paligid. Napatuod ang lahat ng paningin sa nagsalitang iyon. Sa kanilang harapan ay naroon ang tatlong tao, Ang ama ng kambal, ang kanilang tiya at pati na rin ang pinuno ng sektang kinabibilangan ng mayabang na disipolo. Nagbigay galang ang lahat ng disipolong naroroon sa tatlong taong nasa kanilang harapan. "Hiraya, Himawari. Sagotin niyo ang tanung ng inyong ama." Ani ng babaeng katabi ng ama ng kambal. "Opo, tiya." "Siya," bulalas ni Himawari sabay turo sa pwesto ng lalaking mayabang. "Ipinahamak niya si Hiraya dahil lang sa kadahilanang hindi namin siya pinapapasok sapagkat wala naman siyanh dalang batong medalya na magpapatunay na kabilang siya sa limang sektang kalahok rito ngayon." Kaagad namang sumabat ang lalaki. "A-ako? Sinubukan ko lamang na protektahan ang aking sarili dah pinagtutulungan niyo kong lahat." Agad itong lumingon sa isang pang lalaking katabi ng ama at tiya ng kambal. " *Shifu, nakikiusap po akong patunayan niyo po sa harapan nilang lahat na kasapi po ako ng sektang pinamumunuan ninyo." (A/n: Shifu means "master", galing ito sa salitang chinese at since maganda naman siyang pakinggan kaya ginamit ko na rin) Napahugot ng malalim na hininga ang kagalang-galang na lalaki saka ito tumingin sa lalaki. "Sitan, ano itong gulong iyong sinimulan?" "Pero, Shifu. Hindi-" "Ay, wag ka nang magpaliwanag pa. Kagalang-galang na pinuno ng sektang Dawn, ako na ang humihingi ng paumanhin sa pinakitang ugali ng aking disipolo wag kayong mag-aalala at maayos ko siyang bibigyan ng leksyon." Tumango naman ang ama ng kambal sa tinurang iyon ng huli. "Ipagpaliban na lamang natin ito, tutal ay away bata lamang ang kadalasang nangyari rito, wag na lamang nating masyadong palakihin." "Maraming salamat sa kalawakan ng iyong pag-iisip." Napangisi na lamang ang lalaki dahil sa nangyari, wala namang nagawa ang kambal kundi samaan na lang ng tingin ang lalaki. "Ah, siya nga pala narinig ko kaninang may nagligtas sa isa sa aking pinakamamahal na kambal. Sino ang mabuting disipolong ito?" Wika ng ama ng kambal. Maya-maya pa ay nagpunta sa harap si Aquila sabay bigay ng paggalang sa huli. "Ikaw pala ang magiting na disipolong iyon, magiliw kitang pinapasalamatan sa iyong mabuting ginawa." "Walang ano man po iyon." Ani ni Aquila. "Saang sekta ka nga pala nabibilang?" "Sa sektang Daylight po. Ako lamang po ang naririto ngayon sapagkat nauna na po ang kapwa ko disipolo ng aming sekta at ako'y nahuli lamang sandali." Tumango-tango lamang ang ama ng kambal. "O siya, sa palagay ko'y magka-edad lamang kayo ni Hiraya. Pwede ko bang makita ang iyong batong medalya upang makita ko ang araw ng iyong kapanganakan?" Kaagad na kinapa ni Aquila ang kanyang dibdib kung saan nakasipit ang kanyang batong medalya ngunit kinabahan siya ng hindi niya ito maramdaman doon. Napabalik tanaw siya at naalala niyang nahulog ito kasabay ng pagsalo niya kanina kay Hiraya. Konting pangamba ang dumaloy sa kanyang katawan sabay dahan-dahang umangat ng tinging sa lalaking nasa kanyang harapan. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD