Please Play! Chapter's Official Soundtrack:
Twinkle – Girls' Generation TTS (TaeTiSeo)
Twinkle Album
Composed by: Brandon Fraley; Jamelle Fraley; Javier Solís
Rodelyn Kaigela's POV
2:26AM
"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to youuuu~"
Nagising ako na pupungas-pungas dahil sa nakarinig ako ng pagkanta ng Birthday Song. Napingiti naman agad ako nang makita ang dalawang bestfriend ko na kumanta. This became our tradition, na kakantahan ang may Birthday sa eksaktong oras nang pagka-panganak nito.
And yes, It's December 4, 2:26am. My birthday!
Si Jinky ang may hawak ng kandila at inihipan ko naman iyon. Si Haechelle naman ang may hawak na camera recorder. Kumaway ako sa Camera bilang pagbati.
"Kunwari na lang 'di ko alam ha, maraming salamat sa inyong dalawa!"
"HAPPY BIRTHDAY!"
Nagulat ako nang bigla nila akong basagan ng Itlog sa ulo. s**t, wala 'to sa Tradition ha?
Ouch, medyo masakit siya ha infairness, at malagkit. Galing naman, early morning at mapapa-shower pa ako ng wala sa oras hayop.
"Happy Birthday Kaigela! Ligo kana! At gumising ka ng maaga ha, magma-mall tayo! 'Pag hindi pasasabugin ko 'tong pinto mo. Saranghae and Happy Birthday again!"
Jinky waved her hand and stormed out of my room.
"Grabe Rod, bilis ng panahon! 18 ka na rin tulad naming, sana 'di ka na isip bata at tigilan mo na pagiging adik mo sa pink."
Bahagya ko siyang sinabunutan, nagtawanan pa kaming dalawa.
"Gaga, mamaya ka na mag-message sa 'kin sa party baka maubusan ka't hbd na lang sabihin mo!"
"Oh siya sige, kahit nga 'wag ka nang matulog ulit eh nasobrahan ka naman na sa tangkad.""
"Tignan mo 'to, bumanat pa porque 'di tanggap na maliit siya?!"
Tinawanan na lang niya ako at tinapik ako sa balikat (Tinapik ba? o pinunas niya sakin yung Itlog sa kamay nya?) bago lumabas ng room ko. Ang sakit parin sa ulo nang pagbasag ng itlog.. Para saan ba yun? Peste kung sino man ang nag-imbento ng pagbasag sa ulo ng may birthday ay papaslangin ko. Charot!
Kahit labag sa loob ko dahil naputol ang tulog ko, pumunta pa rin ako sa shower at binanlawan ang buhok kong na-egg treatment. Laban na laban pa 'kong pigilan ang antok ko habang nagboblower dahil hindi naman ako pwedeng matulog ng basa ang buhok ko. And to fight my sleepiness back, sinimulan ko na lang mag-isip ng mga bagay bagay. Lalo na ngayon na, legality ko na.
For 18 years, I have been blessed with loving and caring family. Na extended pa with my two best friends na kasama ko sa iisang bahay ngayon, dagdag na din natin ang parents nila na nagsilbing second parents ko na din kesa sa teacher ko nung grade 2 na pinagalitan ako dahil inuwi ko sa bahay 'yung floorwax ng room. Eh akala ko talaga pam-painting 'yun e, nakapatong lang naman sa cabinet sa room, wala pang box.
Ipinagpasalamat ko na lang na ipinasa niya pa rin ako. Bakit nga naman siya magagalit, eh private school naman 'yun at 'di siya ang bumili ng wax?
Hay nako, makatulog na nga!
"Mahal Kita, Kaigela."
"Ipaglalaban kita, Pangako yan."
"Wag ka lang bibitiw."
"Aalis tayo. Lalayo na tayo sa kanila. Ito nalang ang paraan na naiisip ko."
"Haechelle? We're sorry. We have to do this."
"Mahal na Mahal Kita."
"RODELYN KAIGELA BARTOLOME! Open up the paking tape door! Tanghali na!"
What the? Bakit ba ang aga mambulabog ng Jinky na 'yon? Bakit ko ba siya kasama sa iisang bubong?!
I reached for my cellphone na nasa ibabaw ng side table. Ewan ko ba, kahit may alarm clock naman ay dito ko pa rin chineck ang time. Only to find out it's just 5:36am!
"Hoy Jinky tigilan mo ko sa paking tape mo ha! Ang aga aga pa! Ano ka ba nocturnal?"
Nang wala akong natanggap na sagot ay inis kong tinakpan ang mukha ko ng unan ko na nagtataray sa ka-pink-an. Paano na ko ulit nito makakatulog? Tsk! Ang hira—
"Tigilan mo din ako Rodelyn Kaigela Bartolome! Get up this instance!"
"Wala ka bang alarm clock? The day should start at 7:00am!"
Umupo ako sa kama at inis na hinarap siya, nakatayo siya ngayon at nakapameywang pa sa paanan ng kama ko. Hawak niya ang susi ng kuwarto ko na duplicate niya in case of emergency, but right now isn't one!
"Meron syempre, ang mga magaganda dapat on time palagi. Kaya nga ginigising kita ngayon eh, magma-mall pa tayo!"
Hinila naman niya yung kumot ko na isa pang nagtataray sa ka-pink-an. Hinila ko naman pabalik tsaka humiga ulit kaya hinampas niya ko ng isa sa mga unan ko.
"Hoy, ano bang eksena ninyong dalawa diyan? Gising na buong subdivision sa ingay niyo!"
Lumingon kami ni Jinky kay Haechelle na nakasandal sa doorway ng kuwarto ko, mukhang masama ang gising kasi nakakunot ang noo at naka-cross arms pa.
"Eh kasi Haechelle, ayaw pa bumangon nitong si Rodelyn. Paano tayo makakapag-mall ng matagal?"
May pa-nguso nguso pa ang bruha kala mo ikina-cute niya ang pagsusumbong kay Haechelle?! Hmpk! Hilain ko nguso nito eh > what's that dream?
"Wag niyo nga akong tignan ng ganiyan! I'll pay for their early labor okay? Consider this as my gift na lang Rod."
Sinamaan ko pa din si Jinky ng tingin habang pababa ng hagdanan, kasabay kong maglakad si Haechelle na masama din ang tingin kay Jinky ngayon. I rolled my eyes at her when we landed sa sala.
"Gift amputspa, ang regalo Jinky ay ibibigay mo sa'kin ang mall niyo! Hindi mambubulabog ka ng daan daang tao ng 5am para lang makapag-mall ka! Kaloka 'to!"
"Eh kasi may morning classes pa tayo mamaya eh!"
Tignan mo 'to nangatwiran pa!
"Enough of that, let's go. Nagugutom ako."
Saad ni Haechelle kaya dumiretso na kami sa garage at sumakay ng kotse. Minsan talaga nagsisisi ako na naging kaibigan ko si Jinky.
Haechelle Nuhesia's POV
Habang nasa biyahe kami ay hinayaan ko lang ang sarili ko na malunod sa pagsa-sound trip ng mga kanta sa playlist ko. For I know the other two won't stop bickering -_-
"Huy Haechelle, baka gusto mong bumaba o na-glue na 'yang pwet mo?"
Sinamaan ko ng tingin si Rodelyn nang bahagya niya 'kong itulak. Kita mo 'tong isang 'to porque birth day niya ngayon, may guts na siyang itulak tulak lang ako?!
But I still jumped off from the car, nakapameywang na si Jinky nang makita ko.
"Ang taray mo din Haechelle ha, may pasayaw sayaw ka pa kanina sa kotse kahit naka-upo. Sana nag Just One Day ka na lang."
Sasabunutan ko na sana siya nang magsalita ang butler naming si Kuya Jomari na kakalock lang ng kotse.
"Mga Miss, kailangan ko na po mag-grocery, we're nearly out of stock."
Hinarap ko si Kuya Jomari na ang aga aga nage-english na.
"Sige po Kuya Jom, sisihin niyo po si Jinky dahil diyan. I think you should take the cab na lang po pauwi. We'll take the car to school."
Hinampas ako ni Jinky sa braso pero wapakels ako sa kaniya dahil proud ako na na-rebut ko 'yung English ni kuya Jomari.
"San tayo kakain?" Tanong ng abno na si Jinky.
"Wow Jinks, bukas na bukas na ang mga stores."
Pansin ko nga din nang sinabi ni Rod. Pero yung mga workers ay nag-aayos pa lang. Ang lakas kasi ng trip netong si Jinky eh. Kung hindi lang rin sila ang may-ari tsk.
"Sa cafe na lang tayo."
Jinky Luhannah's POV
"Hindi pa din ako maka-move on sa El Fili last week."
Sabi ko sa dalawa habang naghihintay kami ng order namin. Since maaga pa nga lang at kami lang ang costumer ay naging mabilis lang ang preparation ng pagkain namin.
Nang dumating na ang order namin bigla namang nagchika etong si Rodelyn.
"Last week was so draining. Sana naman may mangyaring interesting sa week na 'to."
Hindi na ako sumagot dahil nag-umpisa na kaming galawin ang nakahain na cakes. Tinuro din ni Manang na kapag maganda ka dapat hindi nagdadaldal sa hapagkainan.
"Speaking of that, Dad said na may tatlong bagong transferees."
Isa pa 'tong si Haechelle na nagdadaldal kahit na kumakain! Mga walang manners talaga >That! Is strange."
Kita mo talaga 'tong Haechelle na 'to napaka wala talagang manners! Hmpk buti pa ako, tahimik lang na nakikichismis.
"You got a point, baka naman anak ng business partners niya?"
Kibit balikat uli ang sagot ni Haechelle sa chismosang Rodelyn, bago bumaling sakin. Now what? Ako naman nakita nilang pag-tripan? ._.
"Huy, Jhinky! Ang takaw mo!"
Hindi ko nalang siya pinansin kahit narinig ko rin ang mahinang tawa ni Rod. Don't talk if your mouth is full nga eh. Kain lang. Kapag maganda, dapat nirerespeto ang pagkain. Biyaya yan.
"Pagkain lang pala katapat mo para matahimik mga mundo namin eh."
Sinabunutan ko muna siya bago sumipsip sa frappe ko. Tsaka ako nagsalita, mahirap na 'no. Baka may sumilip na cake sa kanila mula sa bibig ko.
"Kayong dalawa hindi ba kayo naturuan ng etiquette o table manners? Hindi dapat nagdadaldalan kapag kumakain!"
"Hindi naman uso 'yon sa mga pamilya natin. Tuwing kumakain nga lang tayo nakakamusta ng mga magulang natin when they're around." Rebut naman sakin ni Rodelyn.
"Talagang sa'yo nanggaling 'yan ha, na nambulabog ng daan daang empleyado para lang mag-mall?!" Sabi naman ni Haechelle.
Ano bang pinaglalaban nila? All I want is just to eat peacefully T_____T
Rodelyn Kaigela's POV
Hindi ko na-imagine kahit kelan na mababagot ako sa mall, pero nangyari 'yon sa araw na 'to. 6:30am pa lang kasi ay natapos na kaming kumain sa cafe, and then hindi na namin alam kung paano patayin ang oras sa loob ng mall. Hindi namin pinagbigyan si Jinky na mag-shopping na lang dahil kung sakali ay baka buong araw na lang siyang nasa boutiques para mamili, gastuserang palaka talaga eh -___-
Kaya ang ending ay namili na lang kami ng mga Christmas Decorations para sa mansion. And after that ay nag-diretso na kami sa school na hindi naman kalayuan sa mall nina Jinky.
Central High Academy is Uncle Ken's, ang ama ni Haechelle. Katuwang niya sa pagmamanage nito ay ang parents namin ni Rod, na tropapits niya. Bale tropapits ang daddy ni Haechelle, mommy ni Rodelyn at mommy ko. Kaya ayan tropapits din mga junakis nila— which is kami. At pag graduate namin ng college ay kami na ang mamamahala sa CHA.
I was surprised nang makita ko ang tarpaulin na nakasabit sa gate ng Academy. It was a picture of me na may texts bilang pagbati sa kaarawan ko. I am so overwhelmed!
"Huy nasarapan? Pwede mo naman iuwi 'yan."
Sinamaan ko nang tingin si Jinky. Lagi na lang panira 'to! Tinanguan ko naman si Haechelle sa driver's seat, senyales na pwede na siyang magpatuloy sa pagdadrive papasok ng Academy.
Marami akong naririnig na pagbati from the students habang naglalakad kami papunta sa building namin kaya todo ngiti at thank you ako sa kanila. In fairness ha, nakakapagod pala?
Pagdating naman namin sa room ay sinalubong kami ng section namin. Section X- Adorable.
"HAPPY BIRTHDAY RODELYN!"
Sabay sabay nilang sabi. Nakasulat pa sa board ang Happy Birthday Rodelyn Kaigela Maganda!
"Thank you Guys!"
Sabi ko. Lumapit naman sa amin si Ma'am Ella Rabi. Siya ang adviser namin, at science teacher.
"Okay. Since birthday ngayon ni Miss Bartolome, katulad ng nakagawian, wala munang morning classes ang buong Academy dahil may kainan sa Gym! But please um-attend kayo sa Afternoon Classes niyo, ayokong may marinig na may nag-skip classes ha??"
Sabi ni Ma'am Rabi kaya hindi magkamayaw ang buong section namin. Kakatapos lang rin kasi namin sa isang madugong chemistry exam noong Friday. It is really a relief kahit sa Science lang kami excused.
"Sana araw-araw Birthday mo!"
Tumingin naman ako sa nagsabi noon at ngumiti. Pero nang marealize ko na hindi ko siya kilala, agad na nangunot ang noo ko. Sino 'to?
---------------------------
An:
This work was created noong 2014, nirevise noong 12-29-15, at revise uli ngayon HAHAHAHAHA. Please bear with me, I need a lot of revising, para na rin matapos ko siya hehe! Salamat kung nabasa mo!
—aze