Chapter Thirteen -Purita- Bakit naman kasi sa ganitong mga amo pa ako napunta? Abay! Lahat ay may saltik sa utak.” Sambit ko sa aking sarili habang papasok sa condo unit ni Senyorito Tale. “Puri, sandali lang.” Pigil sa akin ng binata kong amo bago ko pa tuluyan mabuksan ang pintuan. Tinignan ko lang ito ng masama at nagulat ito sa naging reaksyon ko. “Wala akong ginagawang masama para pagsalitaan mo ako ng ganon kanina, Senyorito Tale? Sa pagkakaalam ko katulong lang ako at hindi mo girlfriend?” Turan ko dito na ikinatahimik naman nito. “Wow, ang sweet naman para kayong totoong magjowa na may lQ?” Boses na nagmumula sa likuran ni Senyorito Tale, at laking gulat ko ng makita mula roon si Senyorita Kale, ang nakakabata nitong kapatid na babae. Maganda ito at sexy, payat lang ito subali

