Nang sumunod na araw maagang pumasok sa opisina si Mark. Inaasahan niyang mauunang pumasok si Alex sa kanya pero wala pa ito nang dumating siya. Matiyagang naghintay si Mark pero wala paring Alex na dumating. Bahagya siyang kinabahan na baka nagbago na naman ang isip nito at ituloy na ang pagre-resign kaya agad niya itong tinawagan. "Hello," tila kagigising lang na bungad ni Alex. "Hey, Nasaan ka na?" kunot ang noong tanong ni Mark. "Nasa bahay, bakit?" naghihigab pang sagot ng dalaga. Napasulyap sa relos si Mark. "My God! Alex, Alam mo ba kung anong oras na, ha? Bakit parang nakahiga ka pa riyan?" nagsusungit nang tanong ni Mark. " 'Diba bawal mo kong pagalitan?" nangingiti pang sabi nito. "Hay! sinasadya mo 'to, noh?" "Ano? galit ka, ha?" tila nanunudyo pang sagot ni Alex.

