Naunang nagising si Mark kinabukasan. Nagluto na ito at naghanda ng almusal nila. "Good morning," masayang bati niya sa pupungas-pungas na dalaga. Napataas naman ang kilay ni Alex. "Nandito ka pa rin?" "Sabi mo okay na tayo? Bakit galit ka na naman?" kunot ang noong tanong nito nang lumapit sa kanya. "So, matino ka na? Hindi ka na lasing?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Napakunot naman ang noo ni Mark sa mga tanong niyang 'yon. "Alam mo ba kung anong pinag-gagawa at pinagsasasabi mo sa'kin kagabi?" nakataas pa ang mga kilay na sabi niya. "Alin ito ba?" Tila hindi napaghandaan ni Alex ang sumunod na ginawa ni Mark. Muli siya nitong kinabig at siniil ng halik sa labi.N agtangka siyang pumiglas pero mas lalo pang dumidiin ang halik ni Mark. Tumigil lang ito nang mapansing umiiy

