Mula nang makabalik si Alex sa trabaho bihira na siyang kausapin ni Mark. Hindi na rin ito sumasabay sa kanya sa pagkain gaya ng dati. Kapansin-pansin ang pag-iwas nito sa kanya. Bumalik din ang pagiging mainitin ng ulo nito. Nang araw na iyon binisita sila ni Alfred sa opisina. Sa umpisa, nakikipag biruan pa si Mark. Pero habang tumatagal, naiiba ang mood nito. Lalo na kapag dumidikit sa kanya si Alfred. Sa totoo lang, sinasadya ni Alfred na pagselosin si Mark para umamin na 'to sa feelings niya. Sinasadya niyang landiin si Alex para mailantad ang totoong feelings ni Mark. Nahihirapan na kasi siya para sa kaibigan. Hindi niya naman ito madiretsa dahil sigurado namang itatanggi lang nito. Nang medyo naapektuhan na si Mark sa mga ginagawa niya, pasimpleng umalis ito at iniwan sila. At sin

