Xander's POV
Hindi nagtagal at naging malapit kaming magkaibigan ni Danea. Araw araw kaming mag kasama. Hinihintay niya ako sa may gate tuwing umaga at hinahatid ko siya sa kaniyang kotche tuwing uwian. Sabay din kaming kumakain ng tanghalian sa cafeteria at naging paborito naming lugar ang parke o ang fountain. Maraming nagtatanong sa amin kung may relasyon ba kami, nginingitian nalang namin sila at hindi na pinapansin.
Kapag may activity na ipapagawa ang guro ay kami agad ang partner. Kung may quiz bee naman ay agad kaming pinipili ng aming mga kaklase upang maging pambato. May pagkakataong nananalo kami at minsan naman ay natatalo. Ganun naman talaga ang buhay, hindi pwedeng palagi ka nalang manananalo. Wala nang umaaway sa kaniya dahil pinagtatanggol ko siya palagi. Wala na ring umaaligid na mga babae sa akin dahil sa kaniya, mas gusto ko nga yun kesa makarinig ng mga nakakarinding sigaw ng mga yun.
Minsan nga napapaisip ako kung bakit pinagtatanggol ko ang anak ng pumatay sa pamilya ko. Pero hindi kasi masamang nilalang si Danea. Hindi mo nga aakalaing anak siya ni Primo. Nararamdaman ko ring bumibilis ang t***k ng aking puso kapag nakikita ko siyang ngumingiti o tumatawa.
" Kyle! Pumunta ka sa birthday ko sa linggo ha! " - masayang wika sa akin ni Danea. Nandito kami sa park ng paaralan at naisipan naming tumambay pagkatapos naming kumain ng tanghalian dahil may isang oras pa kami bago magsimula ang susunod naming klase.
" Ayoko nga. Tinatamad akong umalis kapag linggo " - pag tanggi ko sa alok niya.
" Sige na Kyle. Sinabihan ko pa naman si ama na dadalo ang kaibigan ko. Ang saya pa naman niya kasi sa wakas ay may kaibigan na ako " - malungkot na wika niya sa akin at tumungo. Sinabi na niya sa kaniyang ama ang tungkol sa akin? Kahit hindi na niya ako ipakilalan sa ama niya ay alam kong kilalang kilala na ako nun.
" Halika na, baka ma late pa tayo sa susunod nating klase " - tumayo na ako at nagsimulang mag lakad. Kailangan kong iwasan ang paksang tungkol sa pamilya niya. Atsaka kung ipagpatuloy pa namin ang pag uusap ay baka mapa oo niya ako sa alok niya tungkol sa birthday niya. Sumunod naman siya sa akin habang naka yuko.
Buong araw tahimik si Danea. Hindi ako sanay na malungkot siya at tahimik. Nasanay kasi ako na hyper siya at makulit, na tipong ako ang nangangalay para sa kaniyang bibig dahil daldal siya nang daldal. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin pero ayoko ring mabigo ang plano ko. Sa ngayon, mas matimbang ang plano kong maghiganti kesa sa pagkakaibigan naming dalawa.
Uwian na pero ni haa ni hoo ay wala akong narinig galing kay Danea. Kanina niya pa rin hindi sinasagot ang mga tanong ko. Seryoso ba siya? Nagtatampo ba talaga siya dahil hindi ako pupunta sa birthday niya?
Naka uwi na ako sa apartment ko pero hindi mawala sa aking isipan ang malungkot na mukha ni Danea kanina. Parang pinunit din ang puso ko habang nakikita ko siyang malungkot. Ano ba tong nararamdaman ko? Normal pa ba to?
Kinuha ko ang bag ko dahil may assignment pala kami, gagawin ko na yun ngayon para makapag pahinga ako bukas. Sisimulan ko na sana ang paggawa ng assignment ko nang may kumatok sa pinto. Sumilip muna ako sa peephole bago ko ito binuksan.
" Peter. Anong ginagawa mo dito ngayon? " - nagtatakang tanong ko sa kaniya. Dis oras na kasi ng gabi. Pagka pasok niya ay sinarado ko agad ang pinto.
" May nalaman ako tungkol sa mga magulang mo " - tugon ni peter sa tanong ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan
" Ano? " - tanong ko ulit sa kaniya, baka nagkamali lang ako ng dinig. Ngumiti siya sa akin at umupo sa aking kama
" Habang nag roronda ako kagabi, may narinig akong ingay sa isang kwarto. Sinundan ko ang tunog na yun at nakita kong ang mga magulang mo ito. Naka tali ang kanilang mga paa at kamay. May naka takip din sa kanilang mga bibig " - kwento ni Peter sa akin. Hindi pa rin ako maka paniwala sa aking narinig. Paano?
" Paanong buhay pa sila eh sa harap ko mismo pinatay si mommy? Nakita ko siyang namumutla na " - hindi maka paniwalang tanong ko sa kaniya. Napa hilamos ako sa aking mukha
" Dugo ng tao " - biglang wika ni Peter habang may dala siyang isang papel. Inabot niya ito sa akin at binasa ko agad
Dugo ng Tao
Ang bampirang binaril ng kahit na anong panlaban sa kanila ay mabubuhay kapag pinatakan ang kanilang bibig ng sariwang dugo ng tao. Gagana lamang ito kapag hindi pinugutan ng ulo ang nasabing bampira. Sinasabing ang dugo ng mga tao ay ang pinaka mataas na uri ng dugo kung ikukumpara sa mga hayop.
Nanlaki ang aking mga mata habang binabasa ko ang naka sulat sa papel. Nakaramdam ako ng saya nang malamang buhay pa ang aking mga magulang.
" Tara Peter! Iligtas na natin ang mga magulang ko! " - nasasabik na wika ko sa kaniya at magbibihis na sana nang humarang siya sa kabinet ko
" Wag kang padalos dalos sa iyong desisyon at baka mapahamak ka lang. Mag plano muna tayo bago tayo lumusob sa teritoryo ng kalaban " - wika ni Peter na agad namang nagpa kalma sa akin. Umupo ako sa aking upuan at seryosong tinignan si Peter
" Sa lingo ay kaarawan ng anak ni Primo na si Danea. Marami ang bisitang dadalo kaya tiyak na hindi ka nila mapapansin. " - panimula ni Peter at may ibinigay sa akin na isang invitation card para sa nasabing kasiyahan
" Dalhin mo yan at ipakita mo sa guardia para maka pasok ka. Siguraduhin mong naka suot ka ng pula at maskara para hindi ka makilala ng mga tao. Buti nalang at masquerade ball ang napiling tema ng kaniyang anak " - wika sa akin ni Peter. Mas naging seryoso naman ang kaniyang awra.
" At ito na ang plano ... "
Nasa loob ako ng isang barber shop ngayon at nagpapa gupit ng buhok. Kailangan ko kasing maging pormal bukas sa kaarawan ni Danea. Pupunta rin ako sa mall mamaya para bumili ng mga susuotin ko bukas.
" Tapos na po sir " - magalang na wika ng barbero at napatingin naman ako sa sarili kong repleksyon sa salamin. Mas naging kahawig ko si daddy dahil sa gupit ko. Tumayo na ako at binigyan ang nag gupit sa akin ng tip bago ako pumunta sa cashier para mag bayad
Habang naglalakad ako sa mall ay napapatingin sa akin ang mga tao. Sanay naman na akong pinagtitinginan at nakukuha ko talaga ang attention ng lahat pero natatakot ako na baka may maka halata na anak ako ni Bullet D'mittri.
Pumasok ako sa isang tindahan na nagbebenta ng mga tuxedo at pinili ko ang isang kulay itim na tuxedo na may desinyong pula. Okay na siguro to. Sinukat ko muna ito bago ko inabot sa cashier at binayaran. Hindi na ako bumili ng sapatos dahil may pormal naman akong sapatos sa apartment.
" Sir ang pogi niyo naman po, model po ba kayo? " - tanong sa akin nung cashier habang naka titig sa mukha ko
" Ah hindi miss " - natatawang tugon ko sa kaniyang tanong. Kinuha ko na ang sukli ko at aalis na sana sa tindahan na yun pero bigla ulit siyang nagsalita
" Teka, parang may kahawig ka po sir " - tanong ulit ng cashier, napatigil ako at ngumiti ng kaunti sa kaniya
" Naku miss baka may kahawig lang ako na naging customer mo dito. Marami kasi akong kahawig hahaha! " - sabi ko sa kaniya at agad na umalis
Papauwi na sana ako ng ma alala kong kailangan kong bumili ng regalo para sa kaniya. Mabilis lakad ko habang papasok ulit sa naturang mall. Pumasok ako sa isang tindahan ng mga alahas. Na alala ko kasing binigyan ni daddy si mommy noon ng isang bracelet kaya naisipan ko ring bracelet nalang ang ibigay kay Danea.
Habang tinitignan ko ang iba't ibang desinyo ng mga bracelet ay may nakakuha ng attention ko. Tinuro ko ito at kinuha naman ito ng babae para ipakita sa akin.
Tinignan ko ito at napangiti. Isa siyang bracelet at ang desinyo nito ay heart na may pakpak sa likuran. Binayaran ko na yun at umuwi na sa apartment. Buti nalang at may kasama itong box kaya hindi na ako naghanap pa ng paglalagyan nito hahaha!
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising kaya agad akong bumangon at naligo. Kumain muna ako ng tanghalian bago ako nagbihis. Baka marumihan kasi ang suot ko kapag hindi ako kumain muna hahaha. Pagkatapos kung ayusin ang buhok ko ay kinuha ko na ang invitation card at ang regalo ko sa kaniya.
Naglakad lang ako papunta sa bahay ng mga Maximo, na bahay namin dati. Nakaramdam ako ng kasiyahan nang ma alala ko ang sinabi sa akin ni Peter na buhay pa raw ang aking mga magulang. Nang makarating ako sa harap ng bahay ay marami na ang mga bisita. Sinuot ko muna ang maskara ko bago ako naglakad papasok. Nang hinarang ako ng guardia ay pinakita ko ang invitation card ko at pinapasok niya naman ako agad.
Nang makapasok ako sa loob ay nilibot ko ang aking paningin. Konti lang ang binago sa bahay. Ang mga kagamitan lang nito at pinalitan din nila ang mga litrato namin ng sa kanila. Napakuyom ako ng kamay. Walang hiya ka talaga Primo! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo sa pamilya ko!
Saktong pagdating ko sa maluwag na sala ng bahay, kung saan idinaraos ang kasiyahan, ay tinawag na si Danea.
" Let us all welcome, Princess Danea Maximo " - Magiliw na pahayag ng emcee at dahan dahang bumaba si Danea sa hagdan. Ang laki ng ngiti niya habang naka suot ng isang kulay pula at magarbong damit. Ang ganda niya. Para siyang anghel na bumaba galing sa itaas. Nagpalakpakan ang lahat ng nandoon.
Nang maka baba na siya sa hagdan ay sinabi ng emcee na pumila raw lahat ng lalakeng gustong isayaw si Danea. Isa isang lumapit ang mga kalalakihan at pumila. Nang wala nang lalakeng tumayo ay tsaka na ako pumila at ako ang nasa pinaka huli.
Nang magsimula na ang tugtog ay isa isang sinayaw ng mga lalake si Danea. Alam kong nagpapakitang gilas lang sila para piliin bilang hari ni Primo tsss. Halos kilala ko kasi lahat ng lalakeng pumila at sila ang nangungutya sa pamilyang Maximo. Nang pagkakataon ko nang isayaw siya ay agad akong lumapit sa kaniya.
" Surprise " - nakangiting wika ko sa kaniya. Nakita ko kung paano nag iba ang expresyon ng kaniyang mukha at agad siyang napatakip sa kaniyang bibig nang makilala ang boses ko.
" Kyle?! " - hindi makapaniwalang saad niya sa akin. Tumango naman ako at binigay ko muna ang regalo ko sa kaniya bago ko siya isinayaw
" Ang sama mo! Sabi mo hindi ka pupunta! " - nagtatampong wika niya sa akin habang sinasayaw ko siya. Halatang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na ngumiti
" Baliw. Edi sana hindi ka nasurpresa ngayon " - sabi ko sa kaniya at tumawa naman siya. Napatulala na naman ako sa kaniya at bumilis na naman ang t***k ng aking puso.
" Happy birthday Danea " - bati ko sa kaniya at hinalikan muna ang likod mg kaniyang kamay bago ko siya binitawan dahil tapos na ang sayawan. Namula naman siya at ngumiti sa akin ng matamis
" Salamat Kyle! Ang saya ko dahil pumunta ka! " - narinig kong sabi niya habang naglalakad na ako palayo
Habang abala ang lahat sa nangyayaring kasiyahan ay hinanap ko ang pintuang patungo sa under ground ng bahay na ito. Isa isa kong binuksan ang mga pinto sa unang palapag. Buti nalang at walang guardia dito dahil abala sila sa pag bantay sa kasiyahan.
Nang makita ko na ang pinto ay agad akong pumasok sa loob. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan hanggang sa makarating ako sa isa pang pinto. Sinubukan ko itong buksan ngunit naka kandado kaya kinuha ko ang aking dala dalang martilyo at giniba ang lock. Pagbukas ko ng pinto ay agad nanlaki ang mga mata ko
" Mommy?! Daddy?! " - hindi makapaniwalang tawag ko sa kanila. Inangat naman nila ang kanilang tingin at nagulat din ng makita nila ako.
" Xander, anak! " - naiiyak na wika ni nanay. Naka tali ang mga kamay at paa nila kaya hindi sila maka tayo. Agad ko silang dinaluhan at gamit ang martilyo kong dala ay giniba ko ang mga kadenang naka tali sa kanila. Agad ko silang niyakap at napa iyak nalang ako. Sa loob ng ilang taon, buong akala ko ay patay na sila. Naging miserable ang buhay ko simula nang mawala sila.
" Umalis na tayo dito habang abala pa sila sa kasiyahan sa itaas " - sabi ko sa kanila at tumayo na kaming tatlo. Pagbukas ko ng pinto ay agad tumambad si Primo Maximo kasama ang kaniyang mga guardia, nakita ko rin si Peter.
" Peter?! Kasabwat ka nila?! " - galit na sigaw ko kay Peter. Bigla naman siyang yumuko at hindi na nagsalita. Mas lalo akong nagalit at susugurin nang hinarangan ako ng mga guardia. Tumawa naman si Primo
" Ang bobo mo naman Alexander, tinatraydor ka na nga hindi mo napapansin. Anak ka nga ng mga magulang mo " - pangungutya ni Primo sa amin. Kinuyom ko ang aking mga kamay dahil sa galit. Alam kong hindi makaka atake sina mommy at daddy dahil halatang mahina pa ang kanilang mga katawan.
" Dakpin sila at ikulong ulit sa loob! " - utos ni Primo sa kaniyang mga guardia at sinunuod naman ng mga ito ang utos niya.
Tinalian ulit ang mga kamay at paa nina mommy at daddy. Sinubukan kong pumiglas ngunit sinuntok ng isang guardia ang aking tiyan kaya nanghina ako at nagtagumpay ang mga guardia na talian ako.
" Sa wakas at wala nang makakapigil sa paghari ko sa lahi ng mga bampira. Hindi magtatagal ay mawawala na talaga kayo sa mundong ito " - mala demonyong wika ni Primo at sinarado na ang pintuan
" Pasensya na anak kung hindi kami lumaban kanina. Wala kasi kaming sapat na lakas para lumaban. Hindi rin namin alam kung bakit binuhay pa kami ni Primo kung ikukulong din naman pala niya kami dito " - malungkot na sabi ni mommy. Ngumiti ako sa kanila
" Ayos lang yun mommy at daddy. Plano naman talaga namin to ni Peter " - nakangising wika ko sa kanila. Nakita kong nagulat sina mommy at daddy sa sinabi ko.
" Anong ibig mong sabihin anak? " - naguguluhang tanong sa akin ni daddy
" Bago pa lang kami umuwi dito, pinlano na namin ang lahat at naaayon ang lahat ng nangyayari sa plano namin " - nakangiting wika ko at sumandal sa pader na nasa aking likuran
Flashback
" Xander, oras na para bumalik ka na at mag hari sa lahi ng mga bampira " - wika ni Peter sa akin. Andito kami sa Europe at dito ako pinadala ni Primo. Sinabi na ni Peter ang lahat sa akin. Binabayaran siya ni Primo upang bantayan lahat ng kilos ko, at kapag tumungtong ako sa tamang edad ay papatayin na niya ako kasama ang aking mga magulang. Matagal ko na ring alam na buhay pa sina mommy at daddy, at alam ko rin na pinapahirapan sila ni Primo sa dating bahay namin.
" Paano kapag malaman niya na tinatraydor mo siya? Mabibigo tayo sa plano natin? " - kinakabahang tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko
" Hindi ako pagkakatiwalaan ng lolo mo kung isa lamang akong mahina na nilalang " - nakangising wika sa akin ni Peter. Ang nakaka alam lang tungkol sa pag tatraydor ni Peter kay Primo ay ako lang at si Dadu ( lolo ko ) na sa kasamaang palad ay binawian na talaga ng buhay kasama si mamu ( lola ko ).
" Lahat ng pag uusapan natin ay kailangan kong irecord para isipin ni Primo na tinatraydor ko talaga ang pamilya mo. " - may pinakita siyang isang recorder na kinakabit sa may kwelyo. Agad naman akong napangisi
" Kaya dapat galingan mo ang pag arte mo " - natatawang wika ni Peter at agad din naman akong napatawa.
" Kamusta ka na Xander? Ang pag aaral mo? " - tanong niya at may kung ano siyang pinindot ka kaniyang kwelyo. Alam ko na ang ibig niyang sabihin, kailangan kong umarte. Sinasabayan ko ng aksyon para ma iayon ko ang aking boses sa eksena kunwari namin ni Peter.
" Okay lang naman ako dito Peter. Tapos wala naman akong problema sa pag aaral ko dahil tinalakay na Europe ang ibang subjects na meron ako ngayon kaya madali nalang ito para sa akin " - pag tugon ko sa mga tanong ni Peter. Agad naman itong ngumiti sa akin. Pinapahiwatig na gumagaling na ako sa pag arte
" May nakalap ka na bang impormasyon tungkol sa mga Maximo? " - bigla niyang tanong sa akin. Tinignan ko siya ng nagtataka para ma iayon ko ang boses ko sa dapat kong reaksyon sa tanong niya
" Wala. Hindi naman ako umaalis dito sa apartment ko pwera nalang kung papasok na ako sa klase ko " - sagot ko sa tanong niya. Pinindot niya ulit ang kaniyang kwelyo at nag pa alam na sa akin.
" Ang galing mo nang umarte ah! Paniwalang paniwala na si Primo sa mga ebidensya ko " - wika ni Peter at natawa kaming dalawa. Nang naka alis na siya ay sinarado ko naman ang pintuan at siniguradong naka lock yun
" Peter. Anong ginagawa mo dito ngayon? " - nagtatakang tanong ko sa kaniya. Dis oras na kasi ng gabi. Pagka pasok niya ay sinarado niya agad ang pinto. Sinenyas niya sa akin ang recorder na nasa kaniyang kwelyo. Iba na itong recorder na ito dahil ito raw ay may kasamang camera sa loob kaya nakikita nito ang mukha ko.
" May nalaman ako tungkol sa mga magulang mo " - tugon ni peter sa tanong ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, natatawa na si Peter sa ina akto ko. Alam kong hindi ako magaling umarte kaya siguro mukha akong timang sa harap ng camera. Noon kasi ay voice recorder lang ang pinapagamit ni Primo sa kaniya kaya hindi ako masyadong nag eeffort umarte. Ngayon, kailangan kong idoble ang pag arte ko.
" Ano? " - tanong ko ulit sa kaniya
" Habang nag roronda ako kagabi, may narinig akong ingay sa isang kwarto. Sinundan ko ang tunog na yun at nakita kong ang mga magulang mo ito. Naka tali ang kanilang mga paa at kamay. May naka takip din sa kanilang mga bibig " - kwento kunwari sa akin ni Peter. Umakto akong hindi ako maka paniwala sa kaniyang sinasabi.
" Paanong buhay pa sila eh sa harap ko mismo pinatay si mommy? Nakita ko siyang namumutla na " - hindi maka paniwalang tanong ko sa kaniya. Napa hilamos pa ako sa mukha ko para mas maging makatotohanan ang pag arte ko.
" Dugo ng tao " - biglang wika ni Peter habang may dala siyang isang papel. Inabot niya ito sa akin at binasa ko agad.
Dugo ng Tao
Ang bampirang binaril ng kahit na anong panlaban sa kanila ay mabubuhay kapag pinatakan ang kanilang bibig ng sariwang dugo ng tao. Gagana lamang ito kapag hindi pinugutan ng ulo ang nasabing bampira. Sinasabing ang dugo ng mga tao ay ang pinaka mataas na uri ng dugo kung ikukumpara sa mga hayop.
Nanlaki kunwari ang aking mga mata habang binabasa ko ang naka sulat sa papel.
" Tara Peter! Iligtas na natin ang mga magulang ko! " - nasasabik na wika ko sa kaniya at magbibihis na sana nang humarang siya sa kabinet ko
" Wag kang padalos dalos sa iyong desisyon at baka mapahamak ka lang. Mag plano muna tayo bago tayo lumusob sa teritoryo ng kalaban " - wika ni Peter na agad namang nagpa kalma sa akin. Umupo ako sa aking upuan at seryosong tinignan si Peter
" Sa lingo ay kaarawan ng anak ni Primo na si Danea. Marami ang bisitang dadalo kaya tiyak na hindi ka nila mapapansin. " - panimula ni Peter at may ibinigay sa akin na isang invitation card para sa nasabing kasiyahan
" Dalhin mo yan at ipakita mo sa guardia para maka pasok ka. Siguraduhin mong naka suot ka ng pula at maskara para hindi ka makilala ng mga tao. Buti nalang at masquerade ball ang napiling tema ng kaniyang anak " - wika sa akin ni Peter. Mas naging seryoso naman ang kaniyang awra.
" At ito na ang plano, hanapin mo ang pintuang patungo sa underground ng bahay ng mga Maximo. Pagbaba mo ng hagdan ay naka kandado ang pintuan kaya magdala ka ng pang giba dito. Bilisan mo ang kilos mo sa pag kalas sa tali ng mga magulang mo at umalis na kayo agad dahil mabilis lang ang programa ng kaarawan ni Danea " - wika ni Peter at kunwaring nag paalam na sa akin. Lumabas siya sa pintuan. Pagkaraan ng ilang segundo ay pumasok siya ulit at tumawa kaming dalawa
" Gumagaling ka na sa pag acting ah? " - pangungutya sa akin ni Peter at napatawa naman ako agad.
" Yun pa rin ang ba ang plano natin Peter? " - tanong ko kay Peter nang mahimas masan kami sa pag tawa. Tumango ito at nag paalam na dahil babalik na raw siya sa kaniyang trabaho
End of Flashback
Ang alam ko ay bata palang si Peter nang mawala ang kaniyang mga magulang dahil sa kahirapan. Kinuha siya ni Dadu at pinag aral. Si Dadu na rin ang gumastos sa lahat ng gastusin niya at tinuring siya bilang tunay na anak kaya nasa pamilya namin ang katapatan niya at hindi niya kami kayang traydorin.
Hindi maka paniwala sina mommy at daddy sa kanilang nalaman. Buong akala raw nila ay tinraydor kami ni Peter. Sinabi ko rin sa kanila na alam ni Dadu ang lahat.
Nag hintay kami sa loob ng tatlong oras bago bumalik si Peter para iligtas kami. Kinalas niya ang tali ko at agad kong namang pinakawalan sa kaniyang tali si mommy. At dahil may sapat pa akong lakas para magsagawa ng spell ay pinalitan ko ang suot nina mommy at daddy ng mga magagarang kasuotan para bumagay sila sa karamihan. Pinalitan ko rin ang suot ko para hindi ako makilala ng mga guardia.
Nang masiguro namin na walang guardia sa labas ay dahan dahan kaming naglakad palabas. Nagpa alam na si Peter na babalik na raw siya sa kaniyang trabaho at baka paghinalaan raw siya ni Primo. Matagumpay kaming naka labas ng bahay at buti nalang hindi kami napansin ng kahit na sino. Nang makalabas na kami ay mabilis kaming naglakad paalis sa lugar na yun. Dumiretso kami agad sa bagong apartment na kinuha ni Peter para sa amin dahil paniguradong pupuntahan ni Primo ang dating apartment ko dahil alam niya kung saan ang address nito.
Pina ligo ko muna sina mommy at daddy. Binigyan ko rin sila ng bagong damit para makapag bihis na rin sila. Habang abala sila sa loob ng cr ay naghanda na ako ng pagkain. Marunong na akong magluto dahil tinuruan ako ni Peter habang nasa Europe kami. Hinanda ko na rin ang lamesa para paglabas nila ay kakain na kami agad. Ilang minuto pa ang nakalipas at lumabas na sina mommy at daddy sa cr at presko na silang tignan. Pina upo ko na agad sila para makapag simula na kaming kumain.
" Maraming salamat anak at niligtas mo kami ng mommy mo " - nakangiting wika ni daddy habang naiiyak na naman si mommy. Hinawakan ko ang mga kamay nila at ngumiti.
" Wag niyo na pong isipin yun, kasi kahit na sinong anak ay gagawin ang lahat para sa mga magulang nila " - nakangiting wika ko sa kanila. Bigla naman nila akong niyakap ng mahigpit. Niyakap ko sila pabalik at pagkatapos ng ilang taon ay naramdaman ko ulit ang pagmamahal ng aking mga magulang. Napangiti ako at dinamdam ang kanilang yakap. Pagkatapos naming magyakapan ay inaya ko na silang kumain
" Wow! Ang sarap ng luto mo anak. " - manghang wika ni mommy. Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Lahat ng oras na nilaan ko sa pag aaral kung paano magluto ay hindi nasayang dahil natikman ito nila mommy at daddy.
" Nag aral po kasi akong mag luto habang nasa Europe pa po ako kasi gusto ko kayong ipag luto kapag nag kita na tayo " - tugon ko sa papuri sa akin ni mommy. Tumingin naman sila sa isa't isa at napangiti
" Ang swerte namin sayo baby " - malumanay na wika sa akin ni mommy
" Mommy naman! Wag niyo na akong tawaging baby kasi malaki na po ako. Tapos inumin niyo nga po pala tong ginawa kong tsaa para sa inyo para agad po na bumalik ang lakas ninyo " - wika ko sa kanila at tinawanan naman nila ako. Binigyan ko sila ng tig iisang baso ng tsaa. Nilagyan ko rin yun ng spell na makakatulong sa kanila na mas mapabilis ang pagbalik ng kanilang lakas.
Kumain lang kami ng kumain habang nag kukwentuhan. Natatawa ako kapag pabirong nagbabangayan ang dalawa sa harap ko.
" Alam mo ba anak na ako lang ang naka bingwit ng titibo tibong puso ng mommy mo? " - mayabang na wika ni daddy at kinindatan si mommy. Agad namang napa irap si mommy
" Naku wag kang maniwala diyan sa daddy mo anak! Pinikot niya ako para magpa kasal ako sa kaniya! " - pambabara naman sa kaniya ni mommy. Agad na sumimangot ang mukha ni daddy at tumawa naman kaming dalawa ni mommy.
Ang saya ng puso ko ngayon. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Yung tipong araw araw ko lang tong hinihiling dati, pero ngayon ay naging totoo na. Kasama ko na ulit ang aking mga magulang.
" Hoy xander wag kang ngang tumawa! Mag kwento ka nga, baka may napupusuan ka na ah? " - pangungutya sa akin ni daddy, agad naman akong namula sa sinabi niya
" Hala! Nagmana ka nga sa daddy mo namumula kapag nahihiya! Haha! " - Sabi ni mommy at tumawa. Napa iling nalang ako sa inasal ng dalawa
" May nakilala po ako sa paaralan na isang babae. Nung una ay sinusungitan ko siya, pero ngayon ay naging malapit na mag kaibigan na kaming dalawa. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti o tumatawa ay bumibilis ang t***k ng puso ko. May sakit ba ako? " - pag kukwento ko sa kanila
" Ay naku anak, delikado ka. In love ka na ata sa babaeng yan " - wika ni daddy. Tama nga ang hinala ko na nahuhulog na ang loob ko kay Danea. Pero paano ko sasabihin sa kanila na ang nahulog ang loob ko sa anak ng kalaban?
Nang matapos kaming kumain ay nag presenta si mommy na siya na raw ang maghuhugas ng mga plato kaya kaming dalawa ni daddy ang nag ligpit ng mga pinag kainan namin.
Ilang sandali pa ay napa sapo ako sa aking noo nang nagsimulang mag landian sa harapan ko ang dalawa.
"Magagalit ba ang araw kung ikaw naman ang nag bibigay liwanag sa buhay ko? " - malanding wika ni daddy at tumawa naman si mommy, halatang kinikilig.
"Tumigil ka nga Bullet! Nakakahiya sa anak natin!"-saway ni mommy kay daddy. Napasimangot naman ako. Ngayon pa sila nahiyang maglambingan sa harapan ko ah? Ako ang nahihiya sa inaasal ng mga magulang ko, para silang mga teenagers kung maka asta
Umalis nalang ako doon para bigyan sila ng oras para sa isa't isa at tumambay nalang muna sa sala. Binuksan ko ang tv para hindi ko na marinig ang mga nakaka sukang banat ng daddy ko. Sana hindi ko namana ang ugaling yun ni daddy kapag nagka asawa na ako.
May kalakihan tong bagong apartment namin. May tatlong kwarto, sariling cr, kusina at may sala. Pinatulog ko sina mommy at daddy sa pinaka malaking kwarto.
"Goodnight anak"-malambing wika sa akin ni mommy. Niyakap ko naman silang dalawa ni daddy
"Goodnight mommy, Goodnight daddy. Mahal na mahal ko kayo"- nakangiting wika sa kanilang dalawa. Niyakap naman nila ako pabalik at hinalikan nilang dalawa ang pisnge ko
"Mahal na mahal ka rin namin anak"- wika ni daddy. Nagpaalam na akong matutulog na at tumango naman sila.
Sinigurado ko munang naka lock na ang lahat ng pinto at bintana bago ako pumasok sa silid ko.
Biglang bumalik sa aking isipan ang nangyari kanina sa kaarawan ni Danea. Sa totoo lang, marami akong naka relasyon dati sa Europe, yung tipong laro lang ang nasa aking isipan at hindi ko sineseryoso ang salitang " Mahal Kita " . Pero noong makilala ko ang totoong pagkatao ni Danea at nalaman ko kung gaano ka buti ang kaniyang puso ay naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Siya ang pangalawang babae na nagturo sa akin kung paano mag mahal. Syempre si mommy ang una eh kaya pangalawa nalang siya haha!
Sayang nga lang at hindi na ako nakapag paalam sa kaniya bago ako umalis kanina. Baka kasi makita pa kami ni Primo at mabigo pa ang plano namin. Naisipan kong bumawi nalang sa kaniya pero hindi na pala ako dapat pumasok sa school at magpakita kay Danea kasi alam ni Primo na nag aaral ako bilang Kyle Byzantine at ako ang kaibigang kinikwento ng anak niya. Hahanap nalang ako ng ibang paraan para maka bawi sa kaniya. Pupuntahan ko siya bukas sa paaralan. At sa dami ng iniisip ko ay di ko namalayang naka tulog na pala ako.