Nasa gitna na ang mga players ng magkabilang school pero hindi pa mag-uumpisa ang laro. In-anounce kasi ng host na magsasayaw daw muna ang Mga players bago mag simula ang laban. "Anong trip nila? Para namang magaling sumayaw ang mga players natin," saad ko. "’Di mo sure, be.” Tumawa si Jason. “Who knows? Baka mapanganga ka na lang pag nakita mong sumayaw si Zage,” dagdag niya pa. Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. "Puwede ba. Sa ugali ni Zage, wala sa mukha niya ang marunong sumayaw. Parang si Larry at Kevin lang ang marunong sa kanilang apat kasi mahiyain si Minho ko." "Wow, ha. Sariling angkin mo na talaga si Minho." "Anong masama? Magiging akin rin naman siya, not now but soon." “Not now but never siguro,” sabat naman ni Pinky. Hinintay namin na mag start ang music na sasaya

