Hindi rin gaanong nagtagal sina Tita Cara at Zafhire dahil nagpaalam na ang mga ito na uuwi na kasi kanina pa sila pinapaalis ni Zage. Pagkatapos kasing sabihin ni Zafhire na crush daw ako ni Zage, agad niyang hinila ang dalawa palabas ng bahay at doon sila nag-usap sa garden. Hindi na rin ako naki-echos kasi alam kong may pag-uusapan sila na dapat lang sa pamilya nila kaya sa sala na lang ako naghintay. Pero kahit nasa loob ako naririnig ko pa rin ang malakas na boses ni Zafhire. "Kuya, nilagnat ka ba dahil nabasa ka ng ulan kahapon? Hindi ka ba agad umuwi?" tanong niya sa kuya niya. "Dumaan ako sa school. ‘Wag ka ngang sumigaw, hindi ako bingi." Hindi ko na narinig ang sunod nilang pinag-usapan dahil bumaba na ang mga boses nila. Inisip ko naman ang narinig ko mula kay Zafhire. Kaya

