CHAPTER 01

4599 Words
Lahat ng tao may kanya-kanyang sekreto. Malamang, 'di ba? Hindi naman lahat ay dapat mo ipagsabi. Pero dahil ako si Iry Ley Barusa, nalaman ko ang pinakatinatagong sekreto ni Zage Claws Uzumaki. Si Zage Claws Uzumaki na isa sa pinaka sikat sa school ay may tinatago palang isang malagim na sekreto?! Malagim talaga? Let's say, may tinatago siyang kalambutan. Oh, ayan, perfect. Kalambutan kasi isa pala siyang secret mermaid! Bakla ang lolo niyo! "Bakit kasi hindi mo na lang aminin na bakla ka?" pagpupumilit ko habang dekwatrong nakaupo at naka-cross pa ang braso sa dibdib. "Shut up. How many times do I really have to tell you that I. AM. NOT. A. GAY?" mariin niyang sabi at nakatingin sa akin ng sobrang sama. At kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa pinaglalamayan ang maganda kong katawan! "Heh! Utuin mo na 'yong pinsan mong si Naruto ‘wag lang ako! Akala mo hindi ko nakita na magkahawak kamay kayo ni Ronald kahapon doon sa labas ng CR? Kayo ha, sa CR pa talaga ang meeting place niyo. Ayieee, wala pa ring forever," pang-aasar ko at inirapan siya habang nakangisi kaya lalo siyang nainis. "Tss. First of all, aaminin kong ako at 'yong...Monal? Rodal?" "Ronald," pagtatama ko. "I don't care. Yes, kami nga 'yong nakita mo. Pero para sabihin ko sa'yo, siya ang bakla at hindi ako. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kaya walang meeting place o kung anuman itatawag mo sa CR, alam ko ring walang forever. Lastly, hindi ko pinsan si Naruto and you're talking about my butt? My butt is perfect," mayabang niyang sagot at nag-smirk. Ha! Ang kapal din! Maniwala ako! "Bruha. Wala akong paki sa pwet mong mabantot, letse ka. At hindi mo ba alam? Bakla lang ang pumapatol sa bakla," sagot ko at umismid. "Tss. Bakit ang bobo mo? I already told you that I don't know who Ronald is," giit nya. "Gago ka, hindi ako bobo. Tanga pero slight lang. And weh? Hindi mo kilala si Ronald pero alam mo ang pangalan. 'Wag ka ng mag-deny, hindi ko naman ipagsasabi sa iba, e," sabi ko at tumawa ng mala-demonyo dahil ang totoo, ipagkakalat ko talaga sa buong campus ang kabaklaan niya. Ipo-post ko pa sa social media at malay n'yo mag-viral at magiging famous ako! Oh, 'di ba! At isa pa, excited ako sa kung ano ang magiging reaksyon ng buong Dimm High kung malaman nilang bakla pala si Zage? Sigurado ako na babaha ng luha dahil sa iyak ng mga fangirls niya. "Baks, it's okay naman kung aminin mo, e. Your secret is safe with me," dagdag ko at itinaas ang kaliwa kong kamay. Kaliwa kasi hindi ko ise-secret 'yon. "Baks?" nagtataka niyang tanong. Ay, slow naman nito, bes. "Baks, short for BAKLA!" sagot ko at tumawa ng sobrang lakas. "Hindi ka ba talaga titigil?" Binigyan niya ako ng death glare. Tumayo ako at taas noo na nagsalita. "Hindi." "Kahit halikan kita?" "Wala akong pake! Sus, style mo bulok. Panahon pa 'yan ng Lolo mo sa kilikili," sagot ko at inirapan siya pero laking gulat ko nang bigla na lamang siyang sumulpot sa harap ko. Hala! Ba't ang bilis niya? Ay, oo nga pala. Kamag-anak nga pala 'to ni Naruto. Gay Version siya. "Don't try me, Iry." Tumayo ang balahibo ko nang banggitin niya ang first name ko. Seryoso ang boses niya habang unti-unting nilalapit ang mukha sa mukha ko. Wait, what?! Nilalapit sa mukha ko?! Hahalikan niya ba ako?! "A-anong gagawin mo?" nauutal ko na tanong at umaatras para malayo sa kanya pero tumama ang likod ko...sa blackboard. Patay. "Hahalikan ka para malaman mo kung sino ang bakla na tinutukoy mo," aniya kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Wahh! Kaming dalawa pa lang ang nasa classroom ngayon kaya patay talaga ako! Bakit kasi ang aga kong pumasok? Sana nag pa-late nalang ako. Bad trip. Bigla akong nanigas nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Parang may dumaloy na something sa buong katawan ko dahil sa hawak niya at lumalambot na rin ang mga tuhod ko. 'Iry gumalaw ka!', sigaw ng utak ko. Pero bakit ayaw ng puso ko? Ang bilis pa ng t***k niya! Hindi kaya...may HEART DISEASE AKO? Hala, ayaw ko pang mamatay na virgin! Gusto ko pang mag-asawa ng Koryano! Hindi ko alam kong saan ako titingin. Sa baba? Taas? Left? Right? Pero bigla na lang niyang hinawakan ang baba ko at pinatingin ako sa kanya. Ayan na naman ang mga mata n'yang nanghihigop! Ipo-ipo lang ang peg? At 'yong perfect n'yang ilong, ang makapal n'yang kilay, ang perfect shape ng mukha niya and lastly, ang manipis at namamasang pula niyang mga labi. Pambihira! Nahiya naman daw ang lips ko sa kanya. Nagli-lipstick ba 'to?! Matanong nga mamaya kung anong brand ang gamit n'ya. Ang ganda eh. Parang normal lang. Pero hindi ako bibili ah, manghihingi lang ako. Okay! Back to him! Ayan na! Malapit na! Malapit na talaga! 2 inches na lang! 1 inch nalangggggg! Ayan naaaaaaaaa----- "Iry? Zage? What are you doing?" Sa sobrang gulat ko sa nagsalita ay bigla ko na lang nasampal si Zage. "F*ck!" Nanlaki ang mga mata ko. "Hala sorry!" Napatakip ako sa sobrang gulat! Ang lakas ng kabog ng heart ko! Para akong hinahabol ng sampung kabayo, limang kambing, apat na kalabaw, tatlong aso, dalawang pusa at isang butiki. Teka? Mayroon ba no'n? Ay, ewan! Ang mahalaga hindi niya ako nahalikan. Pambihira naman! Ang sakit ng kamay ko! Ang kapal ba naman kasi ng mukha ni Zage? "Anong problema mo?! Bakit ka nanampal?!" naiinis niyang tanong habang hawak ang kaliwang pisngi niya. "Sorry nga, 'di ba?! Nagulat lang ako! Akala mo ikaw lang nasaktan? Masakit din kaya ang kamay ko! Kapal ba naman kasi ng mukha mo!" sigaw ko. "Ibang klase ka talagang babae ka," hindi makapaniwala niyang sabi habang nakatingin sa akin ng masama. But wait, si Crush! "Hi, Minho! Good Morning," bati ko kay Minho at nag-beautiful eyes. Siya ‘yung dumestorbo-este nag-save sa akin sa maaaring gawin ni Zage. Si Minho Park, ang crush ko! "Tss. Pabebe," narinig kong bulong ni Zage pero sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan. Inggiterang palaka! Selos ata siya kasi sa'kin nakatingin si Minho. Hala! Hindi kaya may hidden desire siya kay Minho? Shocks! "Good Morning din, Iry. Ang aga n'yo ata ngayon ni Zage?" tanong niya habang naglalakad papunta sa upuan niya na katabi ng kay Zage. "Ahm, wala lang. Alam mo naman, bagong buwan, bagong buhay," sagot ko at humagikhik. "Hindi na ako male-late this month," dagdag ko. Pero sa totoo lang, maaga akong pumasok ngayon kasi may dare kami ni Jason a.k.a Catriona, bestfriend ko, na kapag hindi ako late or mauna ako ng dating sa kanya, siya ang mangli-libre ng snacks ko. Namumulubi ako ngayon kaya kailangan ko ng ganoong dare. Ngayon lang naman na hindi ako na-late? Kasalanan ko ba kung masarap matulog kapag may pasok? Pero kung walang pasok ang aga kong magising. Baliw talaga ng Earth. Hay, naku. Kaya nga minsan gusto ko na lang lumipat sa Mars. Hindi ko na kailangan pagurin ang sarili ko sa paglalakad, lilipad nalang ako. "Talaga?" nakangiti niyang tanong. Ay? Ayaw niyang maniwala? Hay, kung sabagay, sinong maniniwala, eh palagi kaya akong late. Minsan nga 2nd Period na ako pumapasok. Nakiki-chismis pa kasi ako sa guard. 'Yon na lang ang solusyon ko pag hindi ko nadala ang ID ko, kakausapin ko lang si Guard para mawala na sa utak niya na hindi ko dala ang ID ko. "Yes!" Ang gwapo talaga ni Minho. Kaya hindi ko masisisi kung bakit adik na adik si Jason sa mga Korean. Ang gwapo ba naman kasi mga sis! Ang bait at talino pa. Hindi katulad ng iba riyan! Bigla akong napatingin ng masama kay Zage at ganoon din siya sa akin. Masyado siyang.... Pangit! Oo, pangit siya! Super duper pangit! Sagad! Kaya nga halos sambahin siya ng mga babae dito sa Dimm High, e. Kainis! Ang sarap niyang ipa-rape sa kambing. "Selosa!" sigaw ko sa kanya at nakita kong biglang nagbago ang expression ng mukha niya. "Sinong selosa, Iry?" nagtatakang tanong ni Minho. Uh, hindi siya aware sa totoong pagkatao ng kaibigan niya. I see. "Selosa? Eh, 'di si--- Aray!" Aray talaga! Walang hiyang bakla 'tong si Zage. Hatakin daw ba ako palabas? "Hoy! Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Narinig ko ring tinawag kami ni Minho mula sa loob ng classroom pero wala lang man pakialam si Zage. "What is she doing with Zage?" "She's a b*tch. Mang-aagaw!" "Oh. My. Gosh. Who is that girl?" "She is Iry Ley Basura. Basura suits her talaga." "So cheap for Zage. Duh." Nagpanting ang tenga ko nang marinig ang mga chismisan mula sa mga schoolmates namin. "Duh ka rin! Ang kakapal n'yong mga bubuyog kayo. Ang ganda n'yo ha. Nahiya naman ako sa mukha n'yong pinagsasampal ng isang dosenang kabayo! And correction, it's BARUSA not BASURA!" sigaw ko sa kanila. Hindi ko narinig ang mga sagot nila dahil nakalayo na kami sa kanila. "Pagsabihan mo nga 'yong mga fangirls mo, Baks. Kakasuhan ko ang mga 'yan ng Homecide eh! Minu-murder ang apelyido ko." Hindi siya sumagot. "Hoy, Zage! Nakikinig ka ba?" Wala pa din. "Nabingi ka na ba?" Wala talaga. "Hala ka, Baks! Baka binarang ka na ng reyna ng mga bakla kaya hindi mo ako marinig." "Shut up," aniya nang huminto kami. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa likod kami ng building. Okay? Ano namang gagawin namin dito? "Bakit tayo nand--" "Pati ba sa harap ni Minho sasabihin mo talagang bakla ako?" tanong nya. Take note, GALIT. Bakit naman siya magagalit? "Bakit? Natatakot ka bang malaman ng mga bestfriends mo na bakla ka? Nagagalit ka ba kasi mas may chance akong magustuhan ni Minho kaysa sa 'yo? Well, dapat lang! Mas maganda naman ako sayo!" pang-aasar ko at umirap. "Hindi ako natatakot kasi wala namang nakakatakot. Mas gwapo ako kay Minho at hindi ako bakla para magkagusto sa kanya. And you are not beautiful, Miss BASURA," aniya at binelatan ako bago umalis. Anak ng! Ako hindi maganda? Ha! Hinahamon n'ya ba ako?! Walang hiyang bakla, kulang sa aruga. "Mga hanggal kayo! B.A.R.U.S.A BARUSA! BASURA KAYO RIYAN! GAWIN KONG BASURAHAN 'YANG MGA MUKHA N'YO, E!" naiinis kong sigaw pero wala namang nakakarinig. Ako lang naman ang tao dito sa likod ng building! Mga bobo ata ang mga tao dito sa Dimm High, e. Barusa nga kasi! - "Miss Basura, you're late! Bakit mas nauna pa sa 'yong pumasok ang bag mo?" galit na tanong ni Sir Kalbo--- este Sir Kalvo pala. Hay! Walang'ya talagang Zage Claws Uzumaki! Matapos akong hatakin sa kung saan, bigla lang akong iiwan? Para sabihin ko sa kanya, masamang iwan kung saan-saan ang magaganda lalo na kung ako 'yon. "Ser, Barusa po ang apelyido ko," pagtatama ko. "Namimihasa na kayo sa kaka-torture, ha. And Sir, mukha bang may paa ang bag ko? Malamang hinatid ko 'yan dito kaya nasa upuan ko," dagdag ko pa. Buti na lang sanay na siya sa paraan ng pagsagot ko. Mahal niya ako sa ganoong paraan pero hindi ko siya mahal, ah. Mandiri kayo. Wala akong planong pumatol sa kalbo. "Wag mo akong pilosopohin, Ms. Barusa." Sumimangot ako. "Sige na, Sir! ‘Wag na kayong magalit. Kaya hindi tumutubo 'yang buhok niyo, e. Sige kayo, gusto mo bang mamatay na kalbo?" biro ko kaya tumawa ang mga kaklase namin. Nanlaki naman bigla ang mata ni Sir Kalvo sa sinabi ko at humawak sa ulo nya. Hala! Parang hindi ata siya aware na kalbo siya? "Sit down!" bigla niyang sigaw kaya tumahimik bigla ang classroom. Umirap na lang ako at dumiretsyo sa upuan ko. Pero bago ako umupo, nilingon ko si Minho. Tamang-tama dahil nakatingin din siya sa'kin kaya ngumiti ako sa kanya. Nahagip naman ng mata ko si Zage kaya inirapan ko siya at umupo na. "Hoy, babae, saan ka galing?" tanong ni Jason. My gay best friend. "'Wag mo 'kong inisin ngayon, Jason, kanina pa sira ang umaga ko," naiinis kong sagot. Hindi ako maka-move on sa pangmu-murder nila sa apelyido ko! Just wait, magsasampa na talaga ako ng kaso! "Kaloka ka girl, ah! Catriona ang pangalan ko, hindi, Jason. Pakitaan kita riyan ng Lava Walk, e!" "Tsk. Like I care, kahit magpakita ka pa riyan ng magma-walk or kung gusto mo din mag-volcano eruption walk ka nalang para kompleto, wala akong pakialam. Kahit balatan mo pa ang mundo, bakla ka pa rin. Hindi ka magkakaroon ng pepe," sabi ko sabay irap. Kung naiinis ako ngayon dahil sa pangmu-murder nila sa apelyido ko, e 'di mang-iinis din ako. Damay-damay na 'to. Ngumiwi siya. "Ang taray mo naman, Bes." "Aba'y sinong hindi? Ininis ako ng letseng Zage Claws Uzumaki na 'yon, Bes, kung alam mo lang!" Gusto kong umiyak sa sobrang inis. "Ikaw naman kasi, ilang beses na ba sinabi sayo ni Fafa si Zage na hindi siya gay! Like, duh, alam ko ang kalahi ko ano," aniya at umirap. Madukot nga ang mga mata nito mamaya. "Kaya nga naghahanap ako ng evidence 'di ba? 'Wag ka ngang panira riyan!" "Ay, bahala ka! Worried lang naman ako sa'yo. ‘Pag ikaw bugbugin n'yan 'wag kang aasa na tutulungan kita, alam mo namang ayaw kong masira ang feslak ko," stress niyang sabi tapos hinawakan ang pinaretoke n'yang mukha. Bruha talaga! Worried raw siya pero walang pakialam! "Nagparetoke ka nga, wala namang nagbago sa mukha mo. Pangit ka pa rin," pang iinis ko sa kanya kaya hinila niya ang buhok ko. “Aray, Bes, masakit din.” "Wag mo kasing maliitin ang dyosa kong mukha, kaloka ka." "Okay fine. Dyosa ka na. Dyosa ng kadiliman," sagot ko sabay tawa. Akmang hihilahin na naman niya ang buhok ko nang biglang... "MR. SACTOS! MS. BARUSA!" "AY, SI SER KALBO!" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa isinigaw ko. Nagtawanan naman ang buong klase. "Quite!" Sa isang iglap ay parang may dumaang anghel sa loob ng classroom. Takot, amp. "What are you two doing?!" nanlilisik ang mata na tanong sa amin ni Mr. Kalvo. "W-we're talking about your lesson, Sir!" pagsisinungaling ko at ngumiti ng pang-Ms. Universe. "Liars go to hell, Bes," bulong ni Jason. "Tumahimik ka, matagal ko nang nakita ang hell dahil sa pagmumukha mo," sagot ko at siniko siya ng malakas kaya napa 'ouch' siya. "Oh, really?" nakataas kilay na tanong ni Sir na parang hindi naniniwala. Kala niya siguro nagsisinungaling ako. Nagsisinungaling naman talaga ako. Haha! "Yes, Sir!" muling sagot ko with a smile. "Then stand up and answer my question, Ms. Barusa." Biglang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Patay ka, Bes." Ba't ako lang? Dalawa kaya kami ni Jason ang may kasalanan pero ba't ako lang ang tatanungin? Unfair! #FellingBetrayedByBaklaAndKalbo Sinamaan ko ng tingin si Jason bago humarap kay Sir. Pero nasagip ng paningin ko si Zage na nakangisi sa'kin. Inirapan ko siya at nag-flip ako ng hair. Maiingit ka, bakla! "Stop rolling your eyes and answer my question,” saway ni Sir. "BAKIT MAHAL ANG SILI?" tanong niya. "Hala. Ba't ako tinatanong n'yo ng presyo ng sili? Mukha ba akong tindera?" painosente kong tanong. Ang totoo ay wala talaga akong maisagot. Malay ko ba sa lesson niya ngayon?! Nakita ko naman na titig na titig sa'kin si Sir. Huhu. Type ba ako ni Sir? Ack. Aware naman akong maganda ako pero sana naman ‘wag pati si Sir ma-inlove sa'kin! Wala akong planong pumatol sa matandang kalbo! Emz! "Bes, 'yong sa Facey-book," rinig kong bulong ni Jason kaya napalingon ako sa kanya at binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about-look. Pinandilatan niya naman ako ng mata na parang may pinapaintindi siya sa'kin. Facey-book? Facey-book. Facey-book. Facey-book. Face---- "Ahah!" Napatalon ako ng kaunti nang may naalala ako. Natawa pa ako dahil mukhang nagulat si Sir Kalvo at ang ibang classmates ko sa biglaang pagsigaw ko. "Answer it now!" "Ito na po, Sir. ‘Wag po atat. Bakit mahal ang sili?" ulit ko sa tanong at tumikhim. Nilunok ko muna ang plema ko bago nagsalita. Charot. Eww lang. "When SILI is divided into two, SI is a symbol of Silicon and LI is Lithium. The atomic number of Silicon is 14 while Lithium is 3. Try to combine SI+LI=143. 143 is Love, tagalog ng Love is Mahal. Therefore, Mahal talaga ang Sili," I answered proudly and confidently. Bigla namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko habang tumatawa. "Oh, my ghad! Best friend ko 'yan!" sigaw pa ni Jason habang pumapalakpak. "And Sir, masarap ang sili sa boiled egg! Try mo," dagdag ko. Pero ang sinasabi ng inner me, sana maging tanga si Sir kahit ngayon lang. Lord! Please! "Oh, really? Okay then. I'll give you egg for that. AND THAT EGG WILL REPRESENT AS YOUR GRADE." Kasabay no'n ang pagkuha n'ya sa mga gamit nya. "See you again tomorrow, class," aniya at lumabas ng classroom. Napuno naman agad ng tawanan ang buong classroom dahil sa sinabi sa akin ni Sir. "Tumahimik nga kayo!" naiinis kong saway sa mga classmates kong pinagtatawanan ako habang lumalabas ng classroom. "That's for your kabobohan, b***h," maarteng sabi ni Criza, ang feeling beauty queen ng Dimm High. Argh. "Bobo ka rin naman 'di ba? Share tayo sa itlog gusto mo?" "Hindi ako bobo! Basura!" sigaw niya at lumabas. "Aba, hoy! Bumalik ka rito, malandi ka!" Akma kong hahabulin si Criza pero hinila ako ni Jason pabalik. Panira talaga 'tong baklang 'to! "'Wag kang pumatol sa asong 'yon, Bes. Kakaiba ang rabis no'n." "Alam ko, kaya nga hahabulin ko para ma-injection-an ng anesthesia, e." "Anong anesthesia? Anti-rabies 'yon tanga!" Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry naman, 'no? Maganda lang ako pero hindi ako matalino," sagot ko sabay irap. Lalakad na sana kami palabas ng room pero nakita ko si Zage na tumatawang lumalapit sa akin. Nasa likod n'ya ang mga kaibigan niyang sina Minho, Lars at Kevin na medyo natatawa rin. "Tawang tawa ka, ah." Tinignan ko siya ng masama. "Sinong hindi? Excited ka na ba sa itlog na makukuha mo?" Ginagalit niya ako! E, kung ipaglandakan ko kayang bakla siya?! 'Wala ka pang enough evidence, Iry,' sabi ng utak ko. Argh! "Oo, tapos ipapakain ko sayo, want that?" sabi ko na lang "No, thanks. Sa'yo nalang, solo-hin mo ang itlog mong grade," aniya at tumawa ng malakas. Napailing iling naman ang tatlo niyang kaibigan dahil sa kanya. "Letse ka talaga! Gaganti talaga ako sa'yong Baks ka!" naiinis kong sigaw at papadyak na lumabas ng room. "Bes! Ang bag mo naiwan!" Napapikit ako dahil sa sinabi ni Jason. Pumasok ulit ako sa room at padabog na kinuha ang bag ko. Bwesit. Feel na feel ko na nga ang pag-wa-walk out, e Naiwan ko pala ang bag ko. Epic fail. - "At dahil maaga akong pumasok, libre mo ako ngayon, ah." Inirapan ako ni Jason. Mukha siyang asong nanakawan ng pagkain dahil sa mukha niyang nakasimangot. "Ano pa nga ba? Akala ko talaga male-late ka kaya ang lakas ng loob kong manghamon." "Expect the unexpected nga, 'di ba?" "Yeah right. Mag-order ka na riyan," aniya. Hinarap ko si Pinky, friend namin na waitress dito sa Cafeteria ng Dimm High, at nag-order. "Hi, Pinky, Bes! Pa-order ng large fries, spaghetti, dalawang slice ng cake, dalawang yakult at apat na siomai," nakangiting sabi ko. "Sa inyong dalawa ni Jaso---I mean Catriona na ba 'yon, Bes?" tanong ni Pinky. "Of course not! That’s mine only. Kanya-kanya kaming order," sagot ko. "Tinanong mo pa 'yan, Pink. Alam mo namang matakaw 'yang best friend natin." "Sinabi mo pa, kulang nalang ata ubusin na ang pagkain na nandito sa cafeteria, e." "Yun nga, at mabuti nalang sana kung pera niya ang ginagamit niyang pambayad. E, ako babayad ng lahat ng mga in-order n'ya. Kaloka, girl!" Sinamaan ko sila ng tingin. "Wow naman! Kung mag-chismisan kayo akala n'yo wala ako dito 'no?" "Hay naku, umalis na kayo riyan dahil may susunod pang-o-order na gutom. Dadalhin ko nalang ang sa inyo sa table niyo," sabi ni Pinky. Tinignan ko ang mga taong nakapila sa likod namin. Oo nga, mukha na silang tigreng hindi naka-kain ng isang taon kung makatingin sa akin. "Thanks, Pink!" Tumalikod na kami at naghanap ng table. Hindi naman kami nahirapan kasi malaki ang Cafeteria ng school at maraming tables. Pagkaupo namin ay biglang tumili ang mga babae sa paligid. Umikot ang mata ko. Dumating na ang mga feeling artista. Well except Minho, crush ko siya, e. Alangan namang i-down ko, 'di ba? "Ang gwapooo!" "Ang popogii!" "Makalaglag panty!" "Wahh! Si Zage! Nakita ko na ang abs niyan!" Nyenye. Kalandian. Bakit? Uunlad ba ang Pilipinas kung nakita na nila ang abs ni Zage? So ayon nga, pumasok sina Zage, Minho, Kevin at Larry sa Cafeteria. Akbay-akbay pa ni Zage si Criza habang papunta sa inookupahan nilang upuan. At dahil hindi naman malayo ang table namin sa kanila, nakita ako ni Zage at nginisihan. "Ayan na naman 'yang tingin na 'yan, Bes." "Walang hiyang Zage talagang 'yan. Bakla!" naiinis kong sabi at padabog na umayos ng upo at nag-cross arms. "Ay? Kaylan ka pa naging bulag? Hindi mo ba nakitang may bitbit na babae si Fafa Zage? It means, hindi siya baklush." giit ni Jason "Porke may bitbit na babae masasabi mo agad na straight 'yan? Malay mo ginagawa niya lang na props 'yang si Criza? Kung sabagay hindi ko masisi si Zage sa paggamit niya kay Criza, mukha naman talagang props ang mukha ng babaeng 'yan," sabi ko na natatawa. "May sira talaga 'yang ulo mo, ewan ko sa'yo. At papatulan ba ni Zage si Criza kung hindi siya maganda? Makalait naman 'to, para kang nagseselos na girlfriend ni Zage riyan." Biglang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. "Nagseselos? Ako? Parang sinasabi mo na rin na may gusto ako sa baklang Zage na 'yon. Ipa-rape kaya kita kay Browney?" pagbabanta ko sa kanya. Alam ko kasing takot siya sa aso naming si Browney. Noong minsan kasing pumunta siya sa bahay, bigla na lang siyang tinalunan ni Browney at dinilaan. Ang nakakatawa pa, nanigas yong 'ano' ni Browney nang makita niya si Jason. Ek, nakakadiri. "Ang harsh mo naman. Ito na nga tatahimik na ako, 'wag mo lang mabanggit-banggit ang aso n'yong 'yun," sabi niya na parang nandidiri kapag naaalala ang aso namin kaya napatawa ako ng malakas. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Sige, Iry Ley, tawa ka lang d'yan. Iisipin ko talagang may gusto ka kay Zage." Aba! "Kailan pa nagkagusto ang Reyna sa isang prinsesa?" nakataas kilay kong tanong. E, sa hindi ko matanggap! Hindi ako magkakagusto sa baklang 'yon, 'no! Kahit magkaroon man ng February 30 sa kalendaryo. "Iniba mo lang ang pagkasabi ng 'kaylan pa nagkagusto ang babae sa bakla'. Loka ka talaga, Iry, ayaw talagang maniwala nyang cute mong brain na hindi bakla si Zage." Ngumuso ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, wala talaga akong sapat na evidence na bakla si Zage. Hindi nga ako sure kong talagang bakla ba talaga siya. Kaya ko lang naman ginagawa 'to kasi may nangyari noon na sobra kong kinainisan. Kaya naman nong nakita ko silang dalawa ni Ronald sa boys CR, ginawa ko na 'yong rason para inisin s'ya. "Oh, 'yan. Kain na." Naupo si Pinky sa tabi ni Jason. Una kong nilantakan ang spaghetti. "Pinag-uusapan niyo na naman ba 'yong gwapong Zage mga friend?" tanong ni Pinky. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. "Hindi siya gwapo. Period." "Bulag ka pala, girl? Hindi mo ba nakitang halos sambahin na siya ng kababaihan dahil sa kagwapuhan niya?" natatawang saad niya. "Bakit ba kinokontra niyo ako lagi? Ako kaya ang kaibigan n'yo!" Kunyaring pagtatampo ko. "Aba totoo naman. Ang gwapo kaya ni Zage. Bagay kayo." Bigla akong namula dahil sa panunukso ni Jason. Namula ako sa galit! Argh! "Kita mo 'to?" tanong ko sabay angat ng tinidor na hawak ko. "Isaksak ko kaya 'to sa ngalangala mo?" pagbabanta ko. "Sabi ko nga, tatahimik na ako," sagot niya at itinuloy na ang pag kain. "Naman kasi, Bes, bakit ba ‘pag nakikita mo 'yang si Zage para kang asong nakakita ng pusa? Hindi mo naman sinasabi sa amin ang reason mo," parang nagtatampong sabi ni Pinky. Bakit nga ba ako naiinis sa pagmumukha ni Zage? Bigla akong namula sa inis nang maalala ang dahilan ko. Hindi ko 'to sinabi kay Jason at Pinky dahil nahihiya ako. Naaalala ko pa na sabay kami ni Jason na naglalakad no'n at nakahawak ako sa braso niya dahil nga baguhan kaming dalawa sa Dimm High. Unang araw 'yon ng pasok at sa takot kong mawala at mahiwalay sa kanya ay kumapit ako sa bakla habang hinahanap namin ang classroom namin. "Bes, naiihi ako," reklamo niya no'n bigla habang hawak ang pantog niya. Naiihi nga ang bruha nang mga oras na 'yon. "E, 'di umihi ka! Ayon oh, may puno bilis," sabi ko sa kanya at itinulak siya palapit sa puno ng Nara na nasa tabi ng pader. "Niloloko mo ba ako, 'te? Seryoso kang d'yan mo ako ipapaihi?" hindi makapaniwalang tanong niya. Inirapan ko siya. "'Wag ka ng mahiya, maliit naman 'yang talong mo kaya walang makakakita n'yan," sabi ko at tumawa. "Tuwang-tuwa kang asarin ako 'no?" "Aish! Bahala ka riyan! Ang arte mo akala mo naman may dyamante kang tinatago. Maghanap ka nalang ng CR kung nakakatiis ka pa!" Wala siya no'ng nagawa kaya hinila na lang niya ako para makahanap kami ng CR. Naloka pa ako sa kanya dahil pati ako nadadamay dahil sa pantog niya! "Ayon!" pagtili niya nang makakita ng CR. Nang bigla siyang tumakbo ay agad ko rin naman siyang pinigilan dahil muntikan na siyang pumasok sa banyo ng mga babae. "Hoy! Walang hiya ka talagang bakla ka. Talong ang meron ka at hindi mani! Doon ka sa kabila!" sigaw ko at hinila siya sa katabi nitong Boys CR. Reklamo pa siya ng reklamo no'n pero wala naman siyang nagawa dahil pinagtitinginan na kami ng dumadaan na mga estudyante. "Bilisan mo, ah. ‘Wag mo ng subukang manilip ng malaking talong!" pahabol kong sigaw sa kanya bago siya pumasok. Habang naghihintay, inikot ikot ko ang paningin ko sa paligid, wala na masyadong estudyante na dumadaan sa mga oras na 'yon marahil ay nagsisimula na ang klase. "Pa-picture naman, Kuya!" "No." "Ang damot mo naman, isang kuha lang naman po!" Napakunot ang noo ko nang bigla akong makarinig ng boses na sumisigaw. Napansin kong nanggaling 'yon sa likod ng building kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit doon. "I said, no. Magagalit ang girlfriend ko." "Ihhhh. Sabi ng friends ko single ka raw!" "I'm taken." Sumilip ako para makita sila. Nakakita ako ng isang babae na hawak ang cellphone niya at isang lalaki na naglalakad papunta sa akin. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapantanto iyon. Wait? Sa akin?! "Ihhh! Sino ang girlfriend mo?" tanong ng batang babae. Halos lumuwa ang mga mata ko nang huminto sa harap ko ang lalaki at tinignan ako sa mata. Feeling ko malalaglag ang panty ko sa kagwapuhan niya noong mga oras na 'yon. Osyett!! "This is my girlfriend." Parang natanggal ang mga mata ko sa sunod na nangyari no'n. Pakiramdam ko ay tuluyan nang huminto ang pag-ikot ng mundo pero kasabay noon ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hinalikan ako!! "Girls. Tsk," aniya at tuluyan na siyang naglakad palayo pero sumigaw ako. "B-ba't mo ginawa 'yon?!" Lumingon naman siya sa akin at bored akong tinignan. "Wala. Trip ko lang." Tuluyan namula ang mukha ko sa galit. Kailangan ko ng hustisya! Ninakaw n'ya lang naman ang first kiss ko! "Makikita mong halimaw ka. Maghihiganti ako! Wahhhhh!" sigaw ko at simula no'n ay hindi na nawala sa isipan ko ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD