CHAPTER 11

1700 Words
Natigilan ako sa sinabi niya at dahan-dahang umawang ang labi ko. Kasabay no’n ang mabilis na t***k ng puso ko. "A-ano?" nauutal kong tanong. Pasensya naman! Hindi ko nakayanan ‘yon, e. "I said, how much does it cost if I'll kiss you?" Ano daw? Kiss? Hindi ba halik ‘yon sa tagalog? Ano ba naman ‘to. Hindi ko tuloy ma-process ng maayos ang mga sinasabi niya. “Bakit… bakit mo naman ako hahalikan?” Bigla kong naalala noong hinalikan niya ako sa likod ng building namin no’ng first day pa lang namin sa Dimm High. Pangyayari kung saan nag-umpisa ang lahat ng kamalasan sa aking life. Hinding-hindi ko ‘yon makakalimutan. Umakyat ata sa ulo ko lahat ng dugo na mero’n ako dahil nang hawakan ko ang pisnge ko, sobrang init no’n. Narinig ko na lang bigla ang mahinang pag tawa ni Zage na tinatawag na chuckled sa English. "You're blushing, Iry." Whattt? "Hindi ah!" tanggi ko agad. Alangan namang aminin ko? No, uy. Baka ikalawak pa ‘yon ng atay niya. "Deny it all you want then." "Hindi naman kasi talaga. Bakit mo ba tinatanong 'yan?” Inirapan ko siya. “ Sinasabi ko sa’yo ha, sampung libo ang babayaran mo pag hinalikan mo ako kahit sa pingi lang. At may libreng sampal at tadyak pa 'yon mula sa’kin,” dagdag ko. "So violent." "May sinabi ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala. Sabi ko malaking pera pala ang kaylangan para lang maka-date ka." "Ano?" Naguguluhan kong tanong. "10 thousand para sa isang kiss? Sinong lalaki ang makikipag date sa’yo ng gano’n? Kahit buy one take one hindi pa rin kaya,” nailing niyang sagot. Tinignan ko siya ng masama. "E, ano naman? Para namang naghahanap ako ng ka-date, 'no? And please lang, let's drop this topic. Tigilan mo ako sa mga ganyang usapan kasi hindi ako natutuwa lalo na sa’yo.” “Whatever.” “Move na tayo sa gawaing bahay." Pag-iiba ko ng topic. Naiilang ako sa 'kiss' na 'yon, e. Hindi naman sa may iba akong nararamdaman. Sadyang hindi lang ako natutuwa kasi wala namang nakakatuwa sa bagay na ‘yon. "K." "Ako ang magluluto. Ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan. Okay?" tanong ko upang sumang-ayon siya. Wala naman siyang ibang magagawa kun’di ang sumang-ayon kasi wala siyang choice. Narito na rin naman siya, e ‘di siya ang mag-adjust sa gusto kong mangyari tutal ayaw naman niyan umalis. Madalas ko mang sabihin na isa akong mabait na dyosa pero hindi ako magtatanong ng suggestion mula sa kanya ngayon kasi ako ang masusunod. Tumango naman siya at hindi na nag salita. Busy na naman siya sa nilalarong Mobile Legends. "Tutulungan mo akong mag linis tuwing sabado. 'Yon ang araw ng General Cleaning natin. Okay?" Tumango lang din siya ulit. "Madali ka naman palang kausap, e. May kailangan ka pa ba?" tanong ko at tumayo. Saka lang siya tumingin ulit sa akin nang mag tanong ako ng gano’n. "Paki-palitan ang bed sheet ng kama ko. I hate pink, for Pete’s sake." Nakagat ko ang labi ko habang nagpipigil ng tawa. Oo nga pala. Pinalitan ko pala ng pink ng bed sheet sa pag-aakalang babaeng ang makakasama ko sa bahay. Ano kaya ang reaksyon ng mukha niya pagkakita niya sa kama kagabi? Saka lang pumasok sa isip ko. Kagabi ba siya dumating o kanina lang? "Dito ka ba natulog kagabi?" "Yeah," bored na sagot niya. Namewang ako. "Alam mo bang naghintay ako hanggang hating gabi sa pag dating mo? Nakakaloka ka." "I didn't ask you to wait for me." "Aba kung alam ko lang bakit hindi. Sana nga alam ko na ikaw ang magiging housemate ko, para hindi na ako naghintay at hindi na sana kita ipinagluto,” naiinis kong sabi. "Ikaw pala nagluto no’n? Kaya pala walang lasa,” sagot niya. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Ginagago ata ako ng isang ‘to. Hindi ako makapaniwala na ginagano’n niya ang luto ko na alam ko sa sarili kong masarap. "Kinain mo?" tanong ko. Umiling siya. "Oh, paano mo nalaman na walang lasa 'yon? Inamoy mo lang tapos nalaman mo na agad kung anong lasa, gano’n?" sarkastiko kong tanong. Tinignan niya ako at kalaunay inirapan din. "Oo na kinain ko na. Wala naman akong choice kasi nagugutom ako." "Wala raw choice, sus. So napilitan ka lang kaya kinain mo ‘yon? Masarap kaya akong magluto!" Nakakasama ng loob ang isang ‘to. Gosh. Sana hindi nalang ako nagtira ng ulam kung lalaitin niya lang din naman ang lasa! Umalis na lang ako sa sala dahil baka masaksak ko pa siya ng ballpen ng wala sa oras at ako pa ang makasukan ng homicide kahit siya naman itong nagmumurder ng apilyedo ko. Kumuha ako ng bagong bed sheet sa aparador at pumasok sa kwarto niya. Pagpasok ko roon nakita ko agad ang nakakalat na sapatos, medyas at damit niya sa sahig at kama. Nasa gilid naman ang dalawa niyang malita na hindi pa nabubuksan. "Isang gabi pa lang siyang nandito pero ang kalat na ng kwarto niya,” nailing kong bulong at niligpit ang kalat sa sahig at kama. Pinalitan ko na rin ng dark blue ang bed sheet na color pink. Idinikit ko na rin sa salamin niya ang copy ng rules namin baka sakaling magka-amnesia o alzheimer siya at makalimutan ‘yon. Char. Bago ako lumabas, napansin ko ang laptop niya na nasa study table. Naalala ko ang sinulat niya kanina. Ano kaya ang mero’n d’yan at pinagbabawalan niya talagang pakialaman? Hindi kaya may… SPG o po-- Iniling ko ang ulo ko at lumabas na lang. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak ko, e. Dahil nga isang unggoy na hindi marunong mag luto si Zage, ako ang nag luto ng agahan namin habang siya busy sa kakalaro ng ML. Ano bang mero’n sa ML na ‘yan at bakit maraming na adik d’yan?! "Wala ka na bang ibibilis d’yan? Gutom na ako,” reklamo niya. Oo, gano’n ka-kapal ang balat ng mukha niya para mag-reklamo kahit wala naman siyang natutulong o naaambag. Nakaupo na siya sa hapag kainan at naghihintay na lang ng lalamunin niya. "Magsandok ka kaya ng kanin sa Ricecooker para may maitulong ka." Kitang hindi pa ako tapos mag luto. Akala niya ata segundo lang ang pag luto ng ulam. Baka gusto niya bigyan ko siya ng hilaw pa? “Hindi ako marunong,” sagot niya. Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala siyang tinignan. “Kaylan ka ba ipinanganak at pati pag sandok na lang ng kanin hindi mo pa alam?” “September—” "Kumuha ka ng malaking plato tapos sandukin mo lahat ng kanin sa Ricecooker at ilagay mo doon sa plato, ganon lang kadali!" putol ko sa sasabihin niya bago ko pa sya mahampas ng sandok na hawak ko. Tumayo siya. "’Wag ka ngang sumigaw! Masakit sa tainga!" sigaw naman niya. Namewang ako. "Sumisigaw ka rin naman, ah!" "Tsk." Tahimik na siyang kumuha ng malaking plato at lumapit sa rice cooker. Binabantayan ko lang ang bawat galaw niya habang hinihintay na maluto ang niluluto ko. Binuksan niya ang ricecooker at ilang sigundong tinitigan ang kanin sa loob no’n. Tapos hinati niya sa apat na parang cake ang kanin gamit ang sandok at kinuha niya ang bawat slice no’n sabay lagay sa plato. Bahagya akong napanganga. Ano 'yon, cake? "Kaylan ka batalaga pinanganak, ha? Bakit hindi mo alam kong paano sandukin ng tama ang kanin?" hindi makapaniwala kong tanong at lumapit sa kanya. "Tama naman ang ginawa ko, ah. Sabi mo ilagay ko sa plato, ‘yon ang ginawa ko." Tinuro niya ang kanin sa malaking plato. "Lumaki ako sa mayamang pamilya kaya wala akong alam na gawaing bahay." Hangin. "Sabi ko sandukin mo, hindi i-slice. Baliw." Kinuha ko ang kanin at ako na ang nagpatong sa mesa. "May ipapagawa ka pa?" tanong nya. Umiling ako. "Wala na. Ang hirap mong utusan." Ngumisi lang siya at bumalik na sa kinauupuan niya kanina. Tamad lang talaga! Bumuga ako ng hangin at kinuha na ang lutong ulam. Inihain ko na rin ‘yon agad para makapag-umpisa na kaming mag agahan. "W-what the f*ck is that?" nauutal niyang tanong. Parang natatakot siya sa pagkaing nasa harapan niya. Anong na naman ba ang problema niya sa niluto ko? "Ampalaya with egg. Bakit? Hindi ka ba kumakain n’yan? Wala ba ‘yan sa planeta ninyo?" “May nag-eexist na ganyan?” hindi makapaniwala niyang tanong habang nakatulala pa rin sa niluto ko. Seryoso ba ‘to? Hindi niya talaga alam? "Ikaw nga nag-eexist, ito pa kaya. Huwag kang mag-alala, walang lason ‘yan at higit sa lahat ay msarap pa,” sagot ko at umupo na rin. Kumuha na ako ng kanin at nilagayan ang plato ko. "I don't think so." Napahilamos ako sa mukha ko. Tatanda ako ng maaga sa lalaking ‘to talaga, oo! Sumandok ako ng pagkain at nilagay sa plato niya. Baka kumain na siya kapag pinagsilbihan o ‘yon lang ang hinihintay niya. Parang nag-aalaga lang ako ng bata. "Kakainin ko ‘tong nasa plato?" tanong niya. "Hindi. Kainin mo ang plato para amazing ka,” sarkastiko kong sabi. “Hindi ako nakikipagbiruan.” “Same. Hindi rin naman ako joker.” Bumuntong hininga siya. "Nakakain ba talaga 'to?" Napapikit ako s ainis. "Subukan mo para malaman mo! Huwag mo na akong artehan para maka-kain naman ako ng matiwasay. Kung ayaw mong kumain umalis ka sa pamamahay ko ngayon din." Napairap naman siya. Hinawakan niya ang kutsara at unti-unting nilapit sa bibig ang kanin na may kasamang ampalaya na hinaluan ko ng itlog. "F*ck. Humanda ka talaga sa’kin pag nalason ako dito, Iry,” pagbabanta nya. Umirap ako. "’Wag kang OA. Hindi 'yan nakakamatay at kung sakali mang mamamatay ka, sabay tayo at walang maiiwan." Ilang sigundo rin bago niya pinasok sa bibig niya ang kutsarang may pagkain at dahan-dahang iyong nginuya. Pinagmamasdan ko lang siya habang hinihintay ang magiging reaksyon niya. Pero maiba tayo, ang gwapo kasi ni Zage habang ngumunguya, e. Hindi ko maiwasan ibaling doon ang atensyon ko. Para siya ‘yong nakikita ko lang na mga hunk sa TV na kumakain. Ewan ko ba pero kahit hindi pa naman ako sumusubo, nasasarapan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD