"May paparating na Teacher!" Dahil sa sigaw na ‘yon ay nagmadaling nagsitakbuhan ang mga estudyante na nanonood upang bumalik sa mga building nila. "Don't do that again," galit na sabi ni Zage habang hinihila ako papunta sa classroom. "Bakit ba?" reklamo ko. Ang saya kaya ng ginawa ko! Akala siguro nila porke Tatay ko si Von Valero dapat magpakabait ako? No way. Ganito ako at hindi ko babaguhin ang sarili ko. Tinignan niya ako ng masama. "Paano kung pumatol 'yon sa ‘yo?" "Hindi naman, e! Wala namang nangyari sa akin ‘di ba?" Napapikit siya at bumulong ng mga mura. "Can't you get it? Binabantayan nga kita para walang manakit sa ‘yo tapos ikaw naman itong naghahanap ng gulo! You're so stubborn!" "Grabe ka naman! Kaya ko naman ang sarili ko, e!" "You don't, Iry! That is why I am here

