CHAPTER 04

2115 Words
Padabog akong tumayo at pumunta sa table ni Jherlyn. Ganoon din si Zage. Mas malaki kasi ang pwesto ni Jherlyn kasi nasa likod siya. Binati ako ni Jherlyn pero ngiti lang ang binalik ko sa kanya kasi nawala ako sa mood. Nasa kanan ko siya habang nasa kaliwa ko naman si Zage pero malayo siya sa’min ng kaunti dahil may dalawang upuan na nakabakante sa pagitan namin. Mabuti at naisip niyang hindi tumabi sa'kin, sasapakin ko talaga siya. Nakakapang-init ng ulo. Sinabi na ni Ma'am ang dapat naming gawin at ako ang napiling leader ng grupo at magbibigay ng individual scores. Hindi naman mahirap para sa’kin ‘yon pero alangan namang bigyan ko ng score si Zage kung hindi siya tutulong, ‘di ba? Para kasing wala siyang pakialam sa pinapagawa. "Hoy, tumulong ka nga rito,” sita ko sa kanya nang mapansin kong nakapikit ang mga mata niya habang nakasandal sa upuan at nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. “Nagawa po pa talagang matulog? Pambihira." Minulat niya ang mga mata niya at tinignan lang ako sandali at inirapan saka pumikit ulit. Nagdikit ang mga kilay ko dahil sa inis. Parang bakla kung makairap! Tumayo ako at lumapit sa kanya pero hindi man lang siya nagmulat ng mga mata. "Ano, magpapasarap ka nalang d’yan?" naiinis kong tanong dahil wala lang talaga sa kanya ang pinapagawa sa amin. Hindi man lang ba niya na appreciate ang pagiging mabuting nilalang ko dahil sinasabihan ko siyang tumulong para may score naman siya kahit papano? Napakawalang utang na loob ng bwakeningsh*t na’to. "Shut up," sagot niya na nakapikit pa rin. "Pagsisisihan mo pag hindi ka tumayo at tutulong, sige ka," pagbabanta ko habang nakatingin ng masama sa kanya. "Wala akong paki---ouch! F*ck!" Napaayos siya ng upo matapos kong kurutin ang tagiliran niya. ‘Yan! Buti nga sa kanya. "What the hell is happening to there, Mr. Uzumaki and Ms. Barusa? Are you two cuddling?!" galit na sigaw ni Ms. Guzman dahil sa biglang pag mura ni Zage na narinig ng lahat. Nasa amin ang atensyon ng mga kaklase namin pero wala roon ang atensyon ko kun’di nasa sinabi ni Ma’am. Cuddling? Walang’ya? Mas gusto kong makipagsuntukan kaysa makipag-cuddle kung sa isang Zage Claws Uzumaki na pinsan ni Naruto lang naman! Ewan ko ba kung bakit hindi nasusuka ang mga taong nagsasabi ng ganoon sa tuwing lumalabas ang mga ganoong salita sa bibig nila. "Ew. No way," bulong ko at umirap. "Natutulog po kasi siya at hindi tumutulong kaya kinurot ko, Ma'am,” pagsumbong ko. "Is that true, Mr. Uzumaki?" tanong ni Ms. Guzman kay Zage habang naka cross ang mga kamay nito sa dibdib. Mabilis na umiling si Zage na hawak ang tagiliran niya na sigurado akong masakit. Bahagya pa siyang naka ngiwi marahil dahil sa sakit. Deserve. "No, Miss. I am not----" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang hampasin ni Ms. Guzman ang lamesa namin na halos ika-talon ko na sa gulat. "Sumama ka sa'kin, I am going to tell your mother about this thing,” sabi nito at pumunta sa teacher's table para kunin ang mga gamit niya bago humarap ulit sa amin. "We will continue this activity tomorrow. Good day,” dagdag niya at sinenyasan si Zage na sumunod sa kanya bago lumabas. Pero bago sumunod si Zage, lumingon muna siya siya sa akin at tinignan ako ng masama. "I will make you pay for this,” aniya at nag lakad na paalis. Bigla tuloy akong kinabahan sa banta niya. Wala pa naman akong pera kaya hindi ko alam kung paano ako makakabayad. Pay daw kasi, malamang pera ‘yon, ‘di ba? Sabi pa naman ni Jason takot daw si Zage kay Ma’am Guzman kasi sinusumbong siya ng matandang 'yon sa Mommy niya. Malay ko bang totoo. Natawa ako bigla sa iniisip ko. Seryoso? Takot ba siya sa mommy niya? Napagtanto ko rin na wala naman akong kasalanan kasi lahat naman nang sinabi ko kay ay totoo. Tinanong niya lang ako kung anong nangyayari at isa akong mabait na nilalang na hindi nagsisinungaling kaya hindi ko na kasalanan kung mapagalitan si Uzumaki ng Nanay niya dahil kasalanan niya na ‘yon! "Humanda ka. Lagot ka talaga kay Zage," sabi ng boses ni Criza na biglang sumulpot. Nakangisi pa ang walanghiya na mukha siyang natutuwa dahil sa pananakot ni Zage sa’kin. Inirapan ko siya. "Bakit, kasalanan ko ba kung natutulog siya kahit na may activity?" Lintik na mga ‘to. Hindi ko nga mahanap kung saan banda ako may mali para takotin nila ako. Like, for real? Mga stupid lang? Hindi ko siya kinurot dahil sa WAR kami. Kinurot ko siya dahil hindi siya tumutulong. Pasalamat nga siya kasi naisip ko pang patulongin siya kaysa hindi siya bigyan ng individual score. ‘Di ba? Ang bait ko talaga. "Ang sabihin mo malandi ka talaga, Iry. You are just making an excuse so that makalapit ka kay Zage. What a b*tch," aniya na sinang-ayonan naman ng kanayang mga alipores na may mga lahing butiki. Napapikit ako sa inis at akmang sasagot na sana nang magsalita bigla si Minho na hindi ko inasahan. "Watch your words, Criza,” anito. Mahinahon ang pagkakasabi niya pero may kakaiba. Ako lang ba o talagang may ibang tuno ang pananalita ni Minho kay Criza? "Tss. Whatever." Inirapan niya pa ako bago siya lumabas kasunod ang mga alagad niya mukhang dumi ng aso na umiirap. Nagsilabasan na rin ang iba pang mga kaklase namin at ako ang topic nila. Akalain mong famous ako sa classroom araw-araw. Negative nga lang. At least famous. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Minho sa'kin. Nandito pa rin siya kasama si Larry at Kevin sa likod niya. Nasa gilid ko naman si Jason. Tumango ako at nahihiyang ngumiti. I’m shy kaya. Minsan lang kami magpalitan ng salita kaya nahihiya ako kasi crush ko siya. Hindi naman makapal ang mukha ko, slight lang. "’Wag mo na lang patulan si Criza. She's a brat so...just don't mind her." Tsk. Brat nga ang babaeng 'yon halata naman sa mukha pa lang niya. Ang sarap niyang ipalamon sa alaga kong crocodile. "Hayaan mo na, Minho, brat din naman si Iry, e. Patas lang sila." Sinamaan ko ng tingin si Jason. Anong brat? Ako? Sinisiraan niya ba ako kay Minho?! "Alam mo, Minho, kailangan na naming umalis nitong friendship ko. Babye!" Pagkatapos kong magpaalam, mabilis kong kinuha ang bag ko at hinila si Jason palabas ng ComLab. Nang makalabas na kami ay agad ko siyang binatukan dahilan para mapa-aray siya hindi dahil masakit, sadyang maarte lang talaga siya! "Bruha ka talaga. Sinisiraan mo ako kay Minho, e!" naiinis kong sigaw matapos siyang batukan. Naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang classroom. “OA, ha! Akala mo naman hindi totoong brat.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Ah, talaga ba, Jason. Friendship over.” Habang naglalakad papunta sa classroom, wala kaming ginawa sa hallway bukod sa mag-asaran. Tinukso na naman niya ako kay Zage nang makarating kami sa classroom. Wala talaga siyang magawa sa buhay niya kaya buhay ko na lang ang ginagambala niya. "Malay mo, Bes." "Anong 'malay mo' ang sinasabi mo riyan?" naasar kong tanong. "Malay mo si Fafa Zage na pala ang blur sa panaginip mo? Malay mo siya na pala ang makakasama mong tumae ng sabay sa CR hanggang tumanda? Malay mo siya na ang icecream sa ibabaw ng cupcake mo?” "E, kung itusok ko kaya sa ngalangala mo 'to?" Sabay taas ko ng hawak kong ballpen. Tumawa siya nang makita ang naaasar kong mukha bago siya tumakbo palayo sa akin dahil baka gawin ko talaga ang sinabi ko. Aba dapat lang talaga na matakot siya dahil baka mawala ang ganda ng pagiging bakla niya. Dumating na ang next subject teacher at nagsimula na ang klase. Bigla kong naalala si Zage. Hindi pa ba siya tapos kausapin ni Ms. Guzman? Napailing ako. Bakit ko ba siya iniisip? Ano bang pakialam ko sa kanya? Once again, hindi ko kasalanan ‘yon! Pero kasiiiii…ayaw ko mang aminin pero parang nakakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko kanina dahilan para pagalitan siya ni Ms. Guzman at isumbong sa Mommy niya. Kasi paano na lang pala kung nambubugbog pala ‘yong Mommy niya ‘di ba? Kung ganoon lang din naman pala ang case mas pipiliin ko na lang na huwag siyang isumbong kaysa masaktan siya kahit napakapangit ng ugali siya. Hindi ako worried dahil siya si Zage, ayaw ko lang makakita ng karahasan. "Okay ka lang?" tanong ni Pinky sa akin. Nasa kotse kami ni Jason ngayon, pauwi na. Tumango ako pero hindi ako nagsalita. "Weh? Bakit ang lalim ng iniisip mo? Yieeee, sino 'yan, ha?" tukso na naman ni Jason. "Grabe ka na.” Sinamaan ko siya ng tingin. “'SINO' talaga? Hindi pwedeng 'ANO' lang ang iniisip ko?" Naiinis kong tanong. "Easy, Honey, naiinis ka na," natatawang sabi ni Pinky. "Isa lang ibig sabihin n’yan, Pinky bes." Nagkatinginan silang dalawa na para bang sinasabing –alam na this. Biglang natawa si Pinky. "Monthsary niyo, ‘no?" "Anong Monthsary? Baliw ka ba?" kunot noo kong tanong. Monthsary daw, e, wala akong jowa, remember? Boang ba ‘tong mga ‘to? "Gaga. What she meant is Monthsary niyo ni REGLA!" Sabat ni Jason. Ahhhhh. Pasensya naman. Maganda lang ako pero slow ako minsan mag isip. Oo. Minsan lang. "Tumigil ka nga. Magmaneho ka na lang," sagot ko at umirap. Monthsary na nga siguro namin ni regla. Mabilis lang naman ako mainis pag mayroon ako, e. "OPO mahal na prinsesa. Nakakahiya naman PO sa inyo PO. Kahit PO ako ang lagi nyong ginagawang driver. Masaya PO ako sobra," sarkastiko niyang sagot. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang makarating kami sa bahay. Nagpaalam lang ako sandali at mabilis na pumasok. Pumasok ako sa bahay nila nanay at nakita ko na naman si Mitch na nakaupo sa maliit naming sofa habang nanunood ng TV. Dumeretso ako sa kusina at nagmano kay Nanay at Tatay bago nagpaalam na pupunta sa kabilang bahay. “Bumalik ka kaagad dahil maghahapunan na tayo," ani Nanay na ikinatango ko na lang. Pagkapasok ko ng bahay, dumeretso kaagad ako sa kwarto para kumuha ng damit at pumunta sa banyo. Nag half bath ako sandali at magbibihis na sana kaso wala akong nadalang panty sa loob ng CR. Naiinis akong lumabas ng banyo na naka tapis lang ng tuwalya at pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko ang kabinet at naghanap ng panty. "Teka, bakit wala rito ‘yong isa kong panty?" Mabilis kong sinirado ang kabinet at nagbihis bago pumunta sa kabilang bahay. "Nay! Nakita mo ba 'yong panty ko? Yong may polka dots po?" tanong ko kay Nanay. "Ha? Hindi ba nai-text sa’yo ni Mitch?" nagtataka niyang tanong. Pati ako nagtataka. "Nai-text na ano?" kunot noo kong tanong. Sakto naman dahil biglang sumulpot si Mitch sa kusina. "Nag-text ako sayo kanina, Ate." "Anong text nga? Wala akong natanggap, ah." "Oo nga! Sabi ko pa nga roon, 'ATE, ‘YONG PANTY MO NA COLOR RED AT MAY POLKA DOTS, PINUNIT NI BROWNEY', 'yon ang laman ng text," paliwanag niya. Nanlaki naman ang mata ko. "Pinunit ni Browney?!" "Paulit-ulit? Unli ka, unli?" Inirapan ko lang siya at bumalik na ako sa bahay ko at hinanap ang cellphone ko sa bag. Binuksan ko iyon at halos lumuwa ang mga mata sa nakita. Parang malalaglag din ang panga ko nang makita ang mukha ni Zage sa lockscreen ng cellphone na hawak ko. "What---- hala!" Sa pagkakaalam ko, hindi ganito ang wallpaper ng cellphone ko! Ni wala nga akong picture ni Zage kahit isa, e. Baka ma-virus pa ang cellphone ko kapag nagkaroon man. Hindi akin ‘to! E, kanino?! Kay Zage?! Tapos ‘yong phone ko nasa kanya? HINDI. OMG KA, IRY. NOOO. Napatakip ako sa bibig ko at sandaling natulala. Iniisip ko kung paano nangyari ang mga bagay na napaka-imposible. Paano napunta sa akin ang cellphone ng damuhong lalaking ‘yon?! “Nanayyyy…” naiiyak kong sambit habang sinusuri ang cellphone na hawak ko. Mahirap mang aminin pero mukhang nagkapalit kami ng cellphone ni Zage. Hindi nga 'yon nakakapagtaka kasi mukhang pareho kami ng model ng cellphone. Pareho ang kulay---pareho lahat! Ang kinababahala ko pa, baka mabasa niya ang message ni Mitch doon. Napaupo ako sa malamig na sahig at muling natutulala. Ang bilis ng t***k ng puso ko at parang gusto ko na lang magpalamon ng buhay sa lupa. Ngayon din, now na. Iniisip ko pa lang na mababasa niya ang text ng magaling kong kapatid ay pakiramdam ko ikamamatay ko na. Bakit ba kasi! Para na akong mababalik habang iniisip at inaalala na ang cellphone ko na hawak ng lalaking ‘yon ngayon ay…. WALANG PASSWORD!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD