"Niyayaya mo lang akong makipag-date, e!" Umikot ang mga mata ni Zage at umupo sa sofa habang naglalaro ng online game. "Whatever you call it. Basta kasama kita," tamad niyang sagot habang bumibilis ang pag-tap niya sa screen. Natawa ako sa kanya. Sabi niya kasi lalabas daw kami bukas, hindi pa diniretso at sabihing 'date tayo bukas'. Kaloka 'tong boyfriend ko! Oh, ha! Boyfriend ko. Oo! Legit! Lumapit ako sa kanya at agad naman niyang binuka ang mga binti niya para makaupo ako sa gitna. Sumandal ako sa dibdib niya habang naglalaro siya at nanunood lang ako. Alam ko naman ang feeling na naiistorbo sa laro kaya tahimik lang ako pero hindi ko maiwasang hampasin siya kapag hindi niya napapatay ang kalaban. "Inis ako sa hero na 'yan." Turo ko doon sa hero na kinakalaban niya. Pumalakpak

