Raven's Sa aking Matia sight ay napakaokupado ng paligid. May kani-kaniyang pinagkakaabalahan ang bawat tao, samantalang ang mga sasakyan naman ay dumadaan sa iba't-ibang direksyon. Ngunit, ang lahat ng ito — ang mga kumpol ng tao at ang pagdagsaan ng mga sasakyan ay nababalot ng kulay abo. Ang kulay na ito ay ang palatandaan na hindi tunay na nangyayari ang mga bagay na ito sa kasalukuyan, bagkos ang simbolo ng mga kaganapan sa lugar na ito sa mga nagdaang oras. Sa madaling sabi, nagbabalik-tanaw ako sa kaganapan sa lugar na ito. Posible lamang ang pangyayaring ito dahil sa kapangyarihan ko bilang Historic attribute na mata at sa Level 6 Gathering na The Walk of History. Ngunit ang kulay abo na mga bagay sa aking paligid ay nangyayari lang sa aking Matia sight, dahil normal pa rin ang n

