Amoy pawis, asim, at anghit ang buong paligid. Lahat 'ata ng amoy pinagsama sa loob ng tren na ito. Ito na 'yata ang pinakanakakadiring naranasan ko sa buong buhay ko. It is beyond gross. At here I am in the middle of this exotic environment, telling a random stranger my story. Hindi rin ako makapaniwala na I am doing this kind of thing-telling a no one my story. I mean, dapat sila ang umaalam kung ano na ang mga nagaganap sa life ko. Hindi 'yong ako pa ang magsasabi sa kanila. How inconvenient is that for me! Pero kung kaya nga akong i-save ng lalaking 'to as what my vision told me, then worth it naman siguro 'tong ginagawa ko. Noong nakigpagsiksikan ako sa loob ng tren, suddenty, nakikita kong kausap ko ang isang lalaki sa loob ng tren and what I aw next is that, nasa loob kami ng isa

