CHAPTER 9

1026 Words
Chapter 9 – Deadline at Delivery Pagkauwi mula sa Antipolo trip, balik agad si Lia sa kanyang freelance projects. May isang malaking client siyang hinahawakan—isang local café brand na nagpapagawa ng bagong logo at social media materials. Importante ang project na ito, dahil aside from the pay, portfolio material din siya. Ngunit pag-upo niya sa harap ng laptop, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. “Lia, I’m sorry but this isn’t what we envisioned,” ang email ng client na dumating habang nasa biyahe sila pauwi. May nakalakip pang screenshot ng kanyang design na may naka-highlight na pula. Napakagat-labi si Lia. Ilang linggo na niyang pinaghirapan iyon. Hindi lang simpleng logo, kundi pinag-isipan niya ang bawat kulay, bawat linya. At ngayon, isang click lang, rejected agad. --- Kinabukasan, halos hindi siya kumain sa sobrang kaba. Habang hawak ang tasa ng kape, panay ang pag-scroll niya sa email chain. Revision needed. Deadline tomorrow. “Tomorrow?!” halos mapasigaw siya. “Isang araw lang?!” Napatigil siya nang may kumatok sa pinto. Pagbukas niya, si Marco pala—dala na naman ang paborito niyang pandesal at kape. “Good morning,” bati nito, nakangiti. “Mukhang hindi ka nakatulog.” Umirap si Lia at muling naupo sa mesa. “Hindi talaga. My client hated the draft. And they want everything revised… by tomorrow.” Tahimik lang si Marco habang pinapanood siyang halos malaglag ang buhok sa kakakamot ng ulo. “Pwede ko bang makita?” Napalingon si Lia, napataas ang kilay. “Ano namang alam mo sa design?” Ngumiti si Marco. “Wala. Pero baka makatulong kung may ibang mata na titingin. Malay mo, may ma-suggest ako.” Nagdalawang-isip si Lia pero sa huli, pinakita rin niya. Binuksan niya ang file sa laptop at ipinaliwanag kung bakit ganito ang napili niyang kulay, fonts, at style. “Maganda siya,” tapat na sabi ni Marco. “Pero… baka nga masyadong artsy para sa café na gusto lang maging approachable.” Napahinto si Lia. “Wait, tama ka.” Sa unang pagkakataon, naramdaman niya na baka may sense din ang input ng isang taong nasa labas ng creative bubble. Mabilis siyang nag-sketch ng panibagong idea—simpler lines, warmer colors. “Parang ganito?” tanong niya. Ngumiti si Marco. “Mas inviting. Parang ‘yung café na lagi kong pinupuntahan sa kanto—hindi intimidating, pero masarap tambayan.” Hindi napigilan ni Lia ang mapangiti rin. “You know what? You might’ve just saved me.” --- Kinagabihan, hindi na nakatiis si Marco at nagpasya siyang manatili sa condo ni Lia para samahan siya. Habang si Lia ay busy sa laptop, siya naman ay nakaupo sa gilid, abala sa pagbabasa ng engineering book. Minsan, magtatanong si Lia. “Masyado bang light ‘yung orange na ‘to?” “Medyo, baka masyadong nakaka-eye strain.” O kaya naman ay magbibigay siya ng komento. “Kung gagamitin ko itong font, mas bagay ba sa target audience nila?” “Mas bagay. Friendly tingnan.” Nasanay si Lia na mag-isa sa ganitong mga crunch time, pero ngayong may kasama siya, hindi niya inaasahang magiging gaano kagaan. Kahit simpleng presence lang ni Marco, parang may safety net siyang masasandalan. --- Pagsapit ng madaling araw, halos pulang-pula na ang mga mata ni Lia. Napapikit siya sandali, hawak pa rin ang mouse. “Uy, tulog ka na lang muna,” suhestiyon ni Marco. “Ako na bahala magbantay sa progress mo. Gigisingin kita kung kailangan.” “Hindi pwede,” sagot ni Lia. “Final push na ‘to.” Tumayo si Marco at dahan-dahang inilapit ang tasa ng kape sa kanya. “Then at least, may booster ka. Kaya mo ‘yan.” At doon, bigla na lang naramdaman ni Lia ang kakaibang init sa dibdib. Hindi lang ito tungkol sa kape o tulong sa design. Ito ay tungkol sa presensya ng isang taong naniniwala sa kanya, kahit hindi niya hinihingi. --- Kinabukasan, natapos niya ang bagong design bago mag-lunch. Agad niyang sinend sa client, at halos mamilipit siya sa kaba habang hinihintay ang reply. Ding! Bukas agad ng email. “This is perfect. Thank you, Lia. We’ll proceed with this design.” Napasigaw siya ng, “YES!” sabay talon mula sa upuan. “Good news?” tanong ni Marco, na kasalukuyang nag-aayos ng gamit. “Approved! As in, walang revision!” Agad niyang niyakap si Marco, mahigpit, na para bang lumuwag lahat ng bigat na dinadala niya. At doon niya napansin—nasa dibdib na pala niya ang ulo nito, at ramdam niya ang t***k ng puso ng binata. Mabilis siyang kumalas, namumula ang pisngi. “Uh… sorry. Nadala lang.” Ngumiti si Marco, may kasamang biro. “No problem. Pero kung gusto mo, pwede namang masanay ako sa ganun.” Natawa si Lia, kahit pilit niyang itinatago ang kilig. “Ang kapal ng mukha mo.” --- Ilang araw matapos iyon, mas naging madalas ang pagkikita nila. Hindi lang simpleng dalaw ni Marco, kundi kasama na ang pagtulong sa errands, pagkain ng lunch together, at minsan ay paghahatid sa kanya kapag may client meeting. At syempre, hindi nakaligtas si Lia sa paniniksik ni Trixie. “Bes, wait lang,” bungad ni Trixie sa tawag. “Narinig ko na lagi ka raw kasama ni Marco? Ano naaaa?” Umirap si Lia. “Nothing. Friends lang kami.” “Friends? Please. Ang isang lalaki na willing magpuyat para sa’yo, tapos maghintay habang nagtatrabaho ka—hindi lang ‘yon friends.” Hindi na nakasagot si Lia. Dahil kahit anong deny niya, sa puso niya, may nararamdaman na siyang unti-unting kumakawala. Ngunit sa kabilang banda, habang papalalim ang koneksyon nila, may paparating na problema. Isang gabi, habang nasa motor si Marco at may delivery sa malayong lugar, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa kapatid niyang babae. “Kuya… kailangan ka namin. May emergency dito sa bahay.” Agad siyang napatigil, at doon niya naisip—habang dumarami ang oras na ginugugol niya kay Lia, unti-unti namang lumalabo ang oras para sa pamilya niya. At sa pagitan ng dalawang mundong pinapahalagahan niya, alam niyang darating ang puntong kailangan niyang pumili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD