Prologo
"GAGO ka! Pati ba naman nobya ko idadamay mo? HA!" Habang dakot ko ang kuwelyo niya. Parehas kaming naghahabol ng hininga sa matinding galit sa isa't isa.
"Anong malay ko sa girlfriend mo! I'm attractive enough that can easily girl couldn't stand by herself. Bumigay ang babae mo at medyu, hmmm nasarapan naman ako—" tsaka ko sya sinapak. Nakita ko ang dugo na tumulo sa panga nya at ngingisi ngisi pa. Hanggang sa gumanti rin sya ng suntok. Sa likod nang pakikipaglaban namin ay kahanga hangang napatumba ko siya! Gusto ko na syang sapakin ng sapakin hanggang sa mamatay sya ngunit inaantig ako ng kahit katiting na konsensya ko. Inaamba ko pa rin ang nagtitigasang kamao ko na handang basagin ang bawat kanto ng mukha niya.
"Isuntok mo! Baket? Hindi mo kaya? HA-HA! Hindi mo kaya kasi mahina ka! Wala kang kwenta. Your not even fit in this f*****g unfair world! Businesses and career are gone with your hand! You're weak and idiot! You're stupid! Kahit nga nobya mo sumablay at bumigay sa'kin—" Mas lalo akong napuno tsaka ko ulit sinapak ang panga nya. Mas lumagasak pa ang dugo. Tila naghihingalo na rin ang lagay ng paghinga nya. Ngunit bumangon pa rin sya tsaka ngumisi pa rin tila nagmamalaki pa. Titig na titig namin ang isa't isa. Masamang masama ang tingin. Ngunit tila repleksyon ang nakikita ko dahil sa parehas naming kasuotan, postura at itsura.
Pero mayroon sa puso kong, tila sinasaktan ko rin yata ang sarili ko. Dahil na rin siguro sa lagay naming magkamukha kami. Hindi ko alam ngunit masyado kaming magkamukha kung kaya't mas lalo kaming napapagkakamalang iisa.
"Hey! Gosh thanks nahanap kita! Tara magstastart na ang program—" Pamilyar na boses ang narinig namin. Ngunit di pa rin matigil ang titigan naming dalawa. "Mr. Palmaro?" Gulat mang tinig niya tsaka kami pinagsadahan ng tingin na dalawa. "Thirdy? Teka! Sino senyo si Mr. Palmaro at Thirdy guys!"
"Sino ang mas mahal mo?" Tanong ko agad, na syang kinagulat niya. Tsaka ako lumingon sa kaniya.
"Huh?" Nangangambang tanong niya sa amin.
"This guy ask you, who most you love between the two of us!" Mayabang na tinig ng isa.
"Ano bang pinagsasabi nyo! Teka? Thirdy bat nakapormal attire ka? Tsaka gayang gaya mo si sir Zach? Atsaka bat may mga dugo pala kayu? Nag away ba kayo—"
"Sagutin mo na lang. Sino ang mas mahal mo? Ako o si Xyron Zach?" Kalmadong tanong ko, titinitigan ang mga mata nyang di makatingin ng diretso sa akin. "Alam kong malapit na kayu sa isa't isa bago pa tayu maging legal Mirage. Ngunit pinapalagpas ko nalang iyun, pero ang nangyare sa inyo? Nangyare sa bar at sa private room? Ano ang matatawag dun?" Nagsisimula nang tumaas ang boses ko. Sya namang naluluhang tumitingin sa akin. "Kaya ngayon! Sino ang mas mahal mo!" Doon na ako nagsimulang sumigaw. Natinag sya at napalayo nang kaunti habang humihikbi.
"T-thirdy..."
"SUMAGOT KA!"
"Si Xyron!" Sigaw niya at lumingon sa akin. "Mahal ko na si Xyron, Thirdy! I'm sorry." Tsaka sya nagtangkang lumapit sa akin. Hinayaang ko syang yakapin ang katawan ko. "I'm sorry." Dagdag pa nya.
"Ha!" Bumuntong hininga pa ng sandali. "Sorry?" Lumingon pa sa kung saang malayo. "Ok! Sorry! Your sorry is accepted! Ayuko lang naman pilitin ka sa gusto ko dahil baka di ka magiging masaya kaya sige. Ok lang!" Madiin na salita ko. "Pero ang di ko lang matanggap, bat ganito pa? Bakit ngayun pa? Bakit di mo agad sinabi? Bakit kailangan mahuli pa kita! Kayo! Bakit ganito!" Naghahabol pang hiningang sabi ko "Siguro dahil bukod sa magkamukha kami, mas maayus sya manamit, mas mataas ang charisma, mayaman, may ari-arian, cool, at hot? Alam mo! Talo ako! Talong talo ako kahit magkamukha kami!" Nag babadya na ang luhang kumakawala sa mata ko. "Pero alam mo kung saan ako mas natalo? Ang mawala ka sa akin Mirage. Talong talo ako." Naluluha na rin akong nasambit na salita ko. "Lalaban pa ba ako kung di naman ako panalo sa puso mo? Nalilito ka ba dahil sa magka itsura kami? Mirage naman!"
"So I guess I'm the winner now!" Tsaka ko naman nakitang nakangiti ang lalaki kaya tinulak ko si Mirage at muling sinapak ang lalaki.
"Gago ka talaga. Wala kang mas maiisasahol sa animal mong budhi!" Naramdaman ko ang kamay ni Mirage sa tiyan ko nakayakap, ngunit nagpumiglas pa rin ako. Nagtangka syang harangan ang lalaking kinagagalitan ko nang husto.
"P-pano mo to nagawa sa akin to Mirage? Ha? Papano?" Galit na sambit ko.
"Don't you ever touch this girl with your bare hands. I am telling you, mas matinde ang masasapit mo." Ngisi ngisi ulit na salita ng lalaki. Tsaka ako nagtangkang lumapit sa kanya ngunit pinigilan na ako ni Mirage.
"Tama na!" Habang pinipigilan niya ako "Tama na—" Sa pagpipigil niya sa akin ngunit nasampal ko sya ng malakas. Nagagalit ako sa sitwasyon ko na ito. Ang konsensya at pagmamahal ko ay unti unti nang naglalaho at napapalitan na ng pagkagalit. Nakita kong tumilapon sya sa lupa at hikbi hikbi.
"Shamina!" Tawag nang Xyron sa kanya, tsaka inalalayan. "You're really an asshole!" Sigaw nya sa akin, hindi ako nagpatinag nang tumakbo nalang ako palayo. Indi ko ugaling manakit ng puruhan at gusto kong palagpasin ang lahat. Kaya pinili ko nalang lumayo.
"Thirdy!!" Rinig kong sigaw ni Mirage habang tumatakbo ang gawi ko.
'Mas mahal nya si Xyron. Mas mahal nya ang kamukha ko. Mas mahal nya ang taong minsang sumira ng buong buhay ko. Mas mahal nya ang taong higit na kinakalaban ko. Hindi ko na kaya, susuko na ako.'
Tumungo ako sa isang tulay. Nakalugar sa ilog na nahahati sa dalawang kagubatan. Isang tulay na may magandang tanawin. Tulay na batid kung bakit palagi ako naroroon na syang hantungan ng ala-ala ko. Tsaka ko muling naalala na minsan na ring naging maganda ang lugar na ito. 'Dito ako sinagot ni Mirage.'
"Paano nyo nagawa sa akin to!!" Malakas na sigaw ko habang sabunot ko ang sarili kong buhok. "Baket? Ano ba ang pagkakamali ko para gantuhin ako ng mundo! Baket! Akala ko, si Shamina Mirage Franco na! Akala ko sya na ang bubuo at tutuwid sa buhay ko! Ang buong akala ko, walang hangganan? Pero bakit hanggang akala nalang pala!" Sigaw ko ulit. Nag buntong hininga pa tsaka pinahid ang sarili kong mga luha ko. 'Indi ko na kaya.' Nang nasambit ko yun sa sarili ko ay bigla akong tumakbo sa tulay at tumalon. Nakikita ko ang anggulo na pabagsak papunta sa ilog upang damasin ang patuloy kong pamamahinga. Pumikit nalang ako at ipinagkawalang bahala ko na ang sitwasyon na maaaring mangyare sa akin.
"May kakambal ka." Pagmulat ko ay purong kadiliman ang tumambad sa akin. Nakakatakot na dilim, tila parang nakapikit pa rin ang mga mata ko dahil kahit ni isang liwanag ay indi ko mahita. Hindi ko maramdaman ang lupa o anumang mga bagay sa katawan ako. Para akong nasa labas ng mundo na lumulutang (no gravitational force). 'Nasaan ako? Kailangan ko makaalis rito. Anlamig.'
"May kakambal ka." Pag-uulit na salita na hindi malaman na boses. Hindi ko siya naririnig sa tenga ngunit alam kong naririnig ko siya sa isip ko. Paulit ulit nya itong ginagawa. "May kakambal ka Aeron Nach..." Hanggang sa masyadong matinis na ang narinig ko. Hindi ko magalaw ang aking katawan at nararamdaman ko ang lamig na bumabalot sa akin. Nakakunot ang aking mga noo. Hanggang sa marinig ko ang tinig ng mga sasakyan. Kasama ang ambulansya at mga polisya. 'May kakambal ako? Sino si Aeron?' Unti unti nang pumipikit ang aking mga mata. 'Si Xyron ba? Indi pwede...'
~TO BE CONTINUED. . .~