Kabanata 7: Bahay

1123 Words
"Ok lang ba na dito muna tayo tumira habang nandito tayo sa Quezon?" Nilibot ni Adity ang tingin niya sa two-story house na pinagdalhan sa kaniya ni Zygfryd pagkatapos nilang mananghalian at mag road trip. Napaka-elegante ng bahay na iyon. Iyon ang nagpapatunay na hindi basta-bastang tao lang ang kasama niya. Hindi naman kasi iyon magiging pag-aari ng isang detektib lang. Magkano lang ba ang kinikita nito sa pag so-solve ng mga kaso kung ikukumpara sa presyo ng bahay na iyon. Kung hindi nga lang dahil sa pakay niya sa lugar na iyon ay iisipin niya na nasa isang bahay bakasyunan siya. "Ikaw ba ang may-ari nito?" curious na tanong niya dito. "Yep. Nagkataon na may nabili akong property dito kaya naisip ko na dito nalang muna tayo maglagi kaysa naman umupa pa tayo ng hotel room. Anyway, ayos lang naman iyon sa'yo hindi ba?" "Wala naman iyong problema." "I have three vacant room sa itaas. Mamili ka nalang ng gagamitin mo. Ipinalinis ko na iyon lahat kaya kahit alin doon ay pwede mong gamitin. Iyong pinakaunang pinto pag-akyat mo ng hagdan, iyon ang kwarto ko. I'm a little bit tired kaya, I suggest na bukas na tayo magpunta sa bahay ninyo. You too. Take a rest. Kung gutom ka naman maraming stock na pagkain sa ref. Feel free to tour the house. Feel at home." Umakyat na ito sa hagdan kaya ngiti nalang ang naging tugon niya dito. Muli niyang inikot ang tingin sa lugar. Naglakad-lakad siya para makita ang kabuuan ng bahay. Feel at home naman daw diba kaya iyon ang ginawa niya. Wala siyang maipintas sa taste ni Zygfryd pagdating sa mga furniture na nasa bahay nito. Masyado itong makabagong tao. Halos lahat kasi ng mga naroon ay mga high-tech na kagamitan. Ang iba nga ay hindi niya malaman kung para saan. Nang mapagod na siya sa pag-iikot ay umakyat narin siya sa may second floor at humanap ng kwarto. Hindi na siya lumayo pa sa sinabing kwarto na ginagamit ni Zygfryd. Iyong kasunod na pinto nalang ang pinasukan niya. Nang makapasok siya sa kwarto ay tumambad sa kaniya ang malaking glass door na patungo sa balkonahe. Matapos mai-lock ang pinto at mailapag ang buhat niyang bag ay pumunta siya roon. Mula doon ay tanaw ang isang man-made na pond na punong-puno ng mga water lilies. Sa gitna niyon ay may maliit na kubo na gawa sa kahoy. Ang pathway na patungo sa kubo ay gawa naman sa kahoy na may mga gumagapang at namumulaklak na halaman sa bawat poste. "Ang ganda..." naiusal nalang niya. Nang mapagod ang mga mata niya sa kakaikot ng tingin sa paligid ay bumalik na siya sa loob ng kwarto. Iniwan niya lang na nakabukas ang sliding doo upang pumasok ang sariwang hangin. Dumiretso siya sa malaking kama kung saan niya inilapag kanina ang dala niyang bag. Binuksan niya iyon para humanap ng pampalit sa suot niyang damit. Medyo malagkit narin kasi ang pakiramdam niya kaya napag-desisyunan niyang maligo. Isang simpleng t-shirt at pink na pajama ang inilabas niya mula sa bag. Kumuha narin siya ng underwear at saka dumiretso sa banyo. ---×××--- As soon as Zygfryd enter his room ay dumiretso kaagad siya sa lagayan ng mga mamahalin niyang inumin. Pakiramdam niya kasi ay kailangang kailangan ng alcohol ng katawan niya. Kanina pa siya hindi mapakali sa presensiya ni Adity pero pinipilit niya lang na maging pormal dito dahil iniisip niya na hindi niya ito dapat itulad sa ibang mga babae. Hindi pa naman ito totoong madre. Hindi pa ito tuluyang naikakasal sa Diyos. Ang isiping iyon ay bahagyang nakapagpangiti sa kaniya. Hahamunin niya ba ang karibal niya dito ng suntukan? Makikipag-agawan ba siya dito? Isa iyong kabaliwan. Nang makuha niya ang basong nasa kabinet ay sinalinan niya iyon ng alak atsaka tinungga. Napapikit nalang siya habang ninamnam ang malupit na hagod ng alak na iyon. Damn. Ibinagsak niya sa lamesa ang basong ininuman niya at lumabas sa balkonahe ng kwarto niya. Noong nakaraan pa siya parang nawawala sa sarili niya dahil sa kakaisip sa babaeng kasama niya ngayon. Nagsisimula na tuloy siyang ma-stress. Para siyang kumuha ng batong ipupukpok sa sarili niyang ulo. Isinama niya pa talaga ito sa bahay na plano niyang pagdalhan sa babaeng makakasama niya sa hinaharap. Iyong bahay na pinagawa niya at pinaganda para sa future family na bubuuin niya. Nang makita niya na pumunta rin sa balkonahe ng kwarto nito ang babaeng iniisip niya ay bahagya niyang itinago ang katawan niya upang hindi siya mapansin nito. Tahimik niya lang itong pinagmasdan. Parang bumilis ng bahagya ang hampas ng dibdib niya ng makita ang pagngiti nito. Tila may kung ano sa loob niya ang bigla nalang nabuhay dahil doon. Bago pa mapunta sa kung saan ang isip niya ay pumasok na siya sa loob ng kwarto niya at bumalik sa alak na iniinom niya. Pagkaupo niya sa mataas na upuang naroon ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa para tawagan ang kaibigan niya na sa pagkakaalam niya ay naroon din ngayon sa lugar na iyon. "Hanzo." "Wow himala, natatandaan mo pa pala ang pangalan ko. Sandali nga, huwag mong sabihin na may kailangan ka? I'm busy. Humanap ka ng ibang tutulong sa'yo demonyo ka!" Natawa lang siya sa sinabi nito. Kilalang-kilala talaga siya nito. Marami-rami narin silang pinagsamahan na kaso kaya alam nito ang karakas niya. Tama naman ito. Kailangan niya nga ang tulong nito kaya niya ito tinawagan. "Ito naman parang hindi kaibigan, haha." "Pagkatapos mo akong takasan noong nakaraan, tatawagin mo akong kaibigan ngayon kayop ka!" "Alam ko naman na kayang-kaya mo na iyon e. Ang galing mo kayang makipagsapakan." "Nambola pa! Tarantado. Ano bang kailangan mo?" "New gadgets." "Wala ng libre sa mundo Zygfryd. Money first." "Oo na. Hindi mo pa nga tinatanong kung anong klase ng gadget ang kailangan ko eh, pera kaagad." "Ginagaya ko lang ang asta mo ulol. Mahirap na baka takasan mo na naman ako." Tumawa rin ito. "Sigurista." "Anong klase ng gadget ba ang kailangan mo?" "I need an extra guns, tracker device and cameras." Dahil alam niya na maraming contact si Hanzo ay ito ang palagi niyang hinahanapan ng mga gadget kapag kailangan niya. Lahat ng makabagong kagamitan ay mayroon ito kaya number one ito sa listahan niya kapag mayroon siyang tina-trabaho. "May bago kang kaso?" "Sort off. Pwede ko ba iyang makuha bukas ng hapon?" "Oo naman. Basta pera muna. Haha." "Ayaw talagang magpalamang. Haha. Sige. I have your account number. Tawagan mo na lang ako kung magkano ang aabutin." Pagkababa niya ng telepono ay muli niyang pinagmasdan ang hawak na baso. Hindi naman siguro magiging mahirap ang trabaho niya ngayon. Hindi naman niya kailangan ang baril pero panigurado narin. Mabuti na iyong nag-iingat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD