Siya na iyon.
Halos mag alpasan ang dugo niya sa katawan nang sa wakas ay makita na rin niya ang matagal na niyang hinahanap.
Ito ang nag-iisang si Zygfryd Quinn. Isang magaling na imbestigador. Sinabi sa kaniya ni Sister Lani na malaki ang maitutulong nito sa pag iimbestiga niya sa pagkamatay ng kapatid niya kaya agad niya itong hinanap para hingin ang tulong nito.
And finally, after how many days of lurking around ay na tyempuhan niya na rin ang binata. Wala na siyang oras na sinayang pa. Agad niyang tinapos ang pagkain ng fishball at hinabol ang lalaking papasok sa hotel. Malalaki ang hakbang niya pero naging huli parin siya dahil nakasakay na ito ng elevator bago pa man niya matawag ang pangalan nito. Humihingal man ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Nagmamadali niyang nilapitan ang isa pang elevator at paulit-ulit na pinagpipindot ang pindutan upang magbukas ang pinto.
Tsk. Dapat kasi doon nalang siya naghintay sa tapat ng kwarto nito e. Kasalanan iyon ng sikmura niya. Kung hindi iyon nagwala ay hindi siya aalis sa pwesto niya kanina.
Pero ayos na rin iyon. Dahil alam naman niya kung saan ito pupunta. Iyon ang mahalaga.
---×××---
"Hey man. Anong kalokohan na naman ang iniisip mo ah. Pass muna ako diyan." Naiiling niyang awat kay Winsley. Of all his brothers ay ito talaga ang pinaka close niya.
Maybe because he grew up with him. Simula kasi noon ay ito na ang palagi niyang nakakasama.
"Come on Zygfryd. It's for your birthday. Late man ang regalo ko ay dapat lang na mag-enjoy ka parin. Huh."
"Oh come on. Ano ba ang palagay mo sa s*x life ko huh? I don't need your help para lang makakuha ng babae no!" natatawa niyang sagot.
"Ah basta. When she get there, entertain her ok? Play with her. Sayang naman iyong ibinayad ko diyan kung hindi mo lulubusin no."
"Hay, its your fault! Wala naman kasi akong sinabi na magbayad ka ng babae para sa akin eh. I can find girls on my own."
"Whatever man. Just do a favor to your anaconda alright? Make him cry. Hahaha. Sige na. I'm busy. Malaki ka na. I know you can handle it. Bye."
Gross.
Saktong pagkaputol ng tawag ni Winsley ay bumukas na ang pinto ng elevator. Agad siyang lumabas mula roon at binaybay ang daan patungo sa apartment na inupahan niya.
Pagkapasok sa apartment ay iniwanan niyang hindi naka lock ang pinto. As Winsley requested ay balak niyang i-entertain ang babaeng sinasabi nito. Well, matagal narin naman kasi siyang tengga dahil naging busy siya sa last case na hawak niya. Katatapos niya lang sa trabahong iyon kaya maluwag ang schedule niya ngayon. Marami siyang oras para makipaglaro.
As he was about to sit ay biglang tumunog ang buzzer na nasa pinto. Siguro ay iyon na ang babaeng sinasabi ni Winsley.
Yeah. It's time to play.
Kahit papaano ay nakaramdam siya ng pagka excite. He's wondering kung anong itsura ng babaeng binayaran ng kapatid. Alam niya na hindi iyon pipitsuging babae lang dahil hindi magbibigay ng babae si Winsley na parang pinulot lang sa bangketa. He knew his taste.
Bahagya niyang ginulo ang buhok niya habang naglalakad palapit sa pintuan. Hindi na niya sinilip pa sa silipan kung sino ang dumating. Basta nalang niyang binuksan ang pinto at hindi nga siya nagkamali.
As he was expecting, isang babae ang sumalubong sa kaniya.
Halos matulala siya ng makita ito. She was lovely as hell. Isang simpleng pantalon at shirt lang naman ang suot nito and yet there is something in her na tila nagningning.
"Zygfryd Quinn?" tawag nito sa pangalan niya.
Parang bigla siyang napipi. He can't find a single word to say.
Where the hell did Winsley find this woman? Damn! This is really a present I wanted to receive for a long time.
Muli ay pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng babae. Hindi ang katulad nito ang inaasahan niyang darating. It's not that he don't like her pero... Hindi naman kasi ito mukhang bayaran.
Or maybe she was? She was just pretending to be a simple one. Baka balak nitong mag role play sila.
That dirty though make him smile in nowhere. Tila may bigla ring nabuhay sa ilalim ng pantalon niya.
"Excuse me? May problema ba sa suot ko?" Napakunot lang ang noo ng babae.
Ngumiti siya at umiling.
"Ahhh no. Damn, where is my manner. I'm sorry, come in." sagot niya sabay anyaya dito.
Tila naiilang man ay sumunod naman ito hanggang sa sala. Gusto niya sanang kurutin ang pisngi ng puwet nito habang naglalakad pero pinakalma niya muna ang sarili. Gusto niya muna itong makilala upang makapalagayan ng loob.
Damn... I can't wait to taste her.
---×××---
Kanina pa siya naiilang sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ni Zygfryd pero pinipilit niyang hindi ito pansinin. Iniisip niya na dahil matagal narin siyang nasa loob ng kombento ay hindi na siya sanay sa pakikisalamuha sa mga lalaki. Oo isa siyang nobisyada. Dalawang buwan na lang ay tuluyan na siyang magiging madre. Kung hindi nga lang dahil sa nangyari sa ate niya ay hindi siya mapipilitang lumabas ng kombento. Mabuti nalang at pinayagan siya ni Sister Beth. Ito narin daw kasi ang magiging pagsubok niya.
Pagbalik niya ay maari na niyang tuluyang yakapin ang pagiging kabiyak ng Diyos. Tamang tama lang ang dalawang buwan para resolbahin niya ang krimeng nangyari sa pamilya niya.
Akmang uupo na sana siya sa sofa ng bigla siyang lapitan ni Zygfryd. Halos lumuwa ang mga mata niya ng maramdaman ang kamay nito na kumapit sa bewang niya. Hinila siya nito at mabilis na nagkalapit ang mga katawan nila. Halos pamulahan siya ng mukha dahil sa hiya. Bigla ay parang hindi na tumitibok ng tama ang puso niya. Sobrang bilis ng tambol niyon. Parang nahihirapan din siyang huminga. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.
Ano bang pakiramdam ito?
Nang akma siyang hahalikan ni Zygfryd ay mabilis siyang kumilos para mapatigil ito. Bago pa man tuluyang makalapit ang labi nito sa labi niya ay isang napakalakas na sampal ang binitawan niya.
He got shocked. Hindi niya maintindihan ang reaksyon ng mukha nito. Para itong natatawa na hindi makapaniwala sa ginawa niya.
"Bastos! Ay naku, patawarin ako ng Diyos!" galit siyang nag martsa patalikod.
Bago pa siya makapagsalita ng kung anu-ano ay agad niyang inawat ang sarili niya. Basta diretso niyang tinahak ang pintuan pero mabilis pa sa alas-kwartro na nakaikot si Zygfryd at hinarangan siya. Tumayo ito sa mismong harap ng pinto kaya hindi niya iyon nagawang buksan.
"Teka bakit ba?" tila naguguluhan nitong tanong. Para itong inosenteng bata na nagtatanong kung ano ang pagkakamaling ginawa.
Ganito na ba ang mga kalalakihan ngayon? Iyong tipo na kakakita mo pa lang sa babae e, hahalikan mo na kaagad? Pwes, tama lang talaga na mas pinili niyang maikasal sa Diyos. She deserve someone better.
"Ano bang bakit? Sinubukan mo akong halikan." singhal niya dito. Dahil sanay na siyang maging kalmado ay nagawa niyang kontrolin ang sarili niya. Kahit gustong-gusto niyang awayin ito ay pinili niyang maging relax dahil iyon naman ang tamang gawin.
"Yeah."
Lalo pang nanlaki ang mata niya nang marinig ang naging sagot nito. Grabe. Hindi niya inaasahan na napakawalang modo naman pala ng lalaking ito. Mukhang nag kamali pa siya ng taong nilapitan.
"Alam mo Mr. Quinn, kung hindi mo rin lang naman ako matutulungan ay umalis ka diyan sa harap ko at baka ano pa ang magawa ko sa iyo."
"Excuse me?"
Napa cross arm na siya. Sa totoo lang nagsisimula ng kumulo ang dugo niya dito. Medyo pinipigil niya lang ang sarili niya dahil pumapasok parin sa isip niya na kailangan niya ang tulong ng lalaking manyak na nasa harapan niya.
"Nandito ako para humingi ng tulong, ok. But since mukhang wrong timing ako ay babalik nalang ako sa ibang araw. O baka hindi narin siguro." irita niyang sagot.
Bigla itong natawa. Naiiling itong umalis sa harapan niya at bumalik sa sala. Sinundan niya ito ng tingin kaya nakita niya kung paano nito paulit-ulit na ginulo ang buhok. Pabagsak pa itong naupo sa sofa.
Mukhang nahimasmasan na ito. Siguro ay napag isip-isip nito na nagkamali ito sa kaniya. Siguro ito na rin ang tamang oras para mag-usap sila.
Oh Adity. Sana lang, tama itong ginagawa mo.