Kabanata 5: Her Reason

1094 Words
"Ang gwapo ko no?" Halos pamulahan siya ng mukha ng marinig ang sinabing iyon ni Zygfryd. Hindi naman ito nagbubukas ng mata kaya hindi niya alam kung paano nito nalamang pinagmamasdan niya ito. Nakaramdam tuloy siya ng pagkapahiya. Dali-dali siyang umayos ng upo at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Patay malisya lang siya sa sinabi nito. Kunyari ay wala siyang narinig kahit deep inside ay parang gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. "So tell me more about yourself." Naka-focus lang ang tingin niya sa labas ng bintana. Hindi niya tinangka na muli pang tumingin sa binata dahil nagsisimula na naman siyang makaramdam ng pagkailang sa presensiya nito. Hindi niya alam kung bakit siya nagiging ganoon. Wala naman itong ginagawang kakaiba pero masyado siyang iwas na iwas dito na parang takot na takot siya sa anumang gagawin nito. "Katulad ng sinabi ko sa'yo. Malapit na akong maging isang tunay na madre." Pinagdidiinan niya talaga iyon. Sa itsura kasi ni Zygfryd ay alam niya na may pagka-playboy ito. Ayaw niyang gumawa ito ng kalokohan sa kaniya kaya ipinamumukha niya dito na magiging kasalanan kung susubukan siya nitong ituring na isang ordinaryong babae lang. "Aha... Huwag ng paulit-ulit diyan. Tell me anything about yourself bukod riyan." "One year ago ng mamatay sa isang aksidente ang mga magulang namin. Iyon ang sinabi ng mga pulis. Pero dahil may pagdududa ang ate ko sa nangyari ay nagsimula itong gumawa ng sariling imbestigasyon. Hindi ko alam kung ano ang nalaman niya pero sinabi niya sa akin na hindi namatay sa aksidente ang mga magulang namin. Pinatay daw ang mga ito. She didn't pin point anyone dahil kailangan pa daw niyang kumuha ng mas marami pang ibedensya. At first I didn't believe her. Kaya nga itinuloy ko ang pagpasok sa kumbento, katulad ng gusto ko. And while I was there ay patuloy parin pala si ate sa ginagawa niya. Ilang taon din bago muling inungkat ni ate ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang namin. And that day when she called me. Ang sabi niya ay may katibayan na daw siyang hawak. Sigurado na daw siyang hindi naaksidente ang mga magulang namin. Tinawagan niya ako dahil pinapauwi niya ako. Pero... Habang kausap ko siya sa telepono... May pumasok sa bahay namin. Kung sino man iyon, naniniwala ako na siya rin ang pumatay sa mga magulang namin." Kahit papaano ay biglang gumaan ang loob niya ng mailabas niya iyon. Ilang araw narin niya iyong sinasarili kaya naman masaya siya dahil may taong handang makinig sa kaniya ngayon. Pakiramdam niya ay nakahanap tuloy siya ng masasandalan. "Meron ka bang iniisip na pwedeng gumawa noon sa pamilya mo? Any suspect?" "Wala akong idea." "In that case, mukhang matatagalan ang pagsasama natin. You'll have to deal with my handsomeness." Tumawa pa ito. Nginitian niya lang ito. "Handsomeness huh? Sige, sabi mo e." Lalo namang tumawa ang binata. Napaka genuine ng tawa nito. "If you wouldn't mind me asking... Why? Why you choose that path? I mean bakit ka nag madre?" Napangiti siya sa tanong na iyon. Iyon na iyon din kasi ang tanong ng ate niya, pati narin ng mga magulang niya. Tanong rin iyon ng mga kaibigan niya at lahat ng taong nakakilala sa kaniya. Bakit daw? Hindi ba siya masaya sa buhay niya? Lumaki siya na punong-puno ng pagmamahal. Dalawa lang silang magkapatid kaya naman dalawa lang silang pinagtuunan ng atensiyon at oras ng mga magulang nila. Kahit papaano ay maganda naman ang takbo ng negosyo ng mga magulang niya. Kapag may gusto siya, ay naibibigay naman ng mga ito. Nakapag-aral rin siya at nakaabot sa kolehiyo sa kursong gusto niya. Pero nagawa niyang talikuran iyon dahil sa binitiwan niyang pangako. Kahit unti-unti na niyang nararamdaman ang pagod dahil sa ginagawa niyang pagtakbo ay pilit niya paring kinakaya ang humakbang. Basang-basa na ng pawis ang buong katawan niya. Ang kaninang maikling palda na suot niya ay mas umikli pa ngayon dahil paunti-unti iyong napupunit sa tuwing sumasabit sa mga sanga ng halaman na dinadaanan niya. Nagsimula ng kumirot ang mga hita niya na may mga sugat at galos dahil sa paminsang pagkakadapa niya. Madilim ang tinatakbuhan niya kaya hindi niya maiwasang matamaan ang mga nakausling bato. Bahagya ng nananakit ang mga binti niya. Kanina pa siya tumatakbo pero wala parin siyang nakikitang liwanag. Takot na takot na siya. Pakiramdam niya, anumang oras ay bibigay na ang katawan niya. "HINDI MO AKO MATATAKASAN, BABAE," sigaw ng lalaking humahabol sa kaniya. Papalakas na ng papalakas ang boses nito; indikasyon na papaliit na ng papaliit ang pagitan nila. Mas binilisan niya pa ang paghakbang pero sa isang iglap lang ay nahawakan na siya ng lalaking humahabol sa kaniya. Hindi niya maipaliwanag ang mukha nito. Para na itong demonyo na tuwang-tuwa ng mapatigil siya sa pagtakbo. "Bitawan mo ako!" Sinubukan niya itong itulak pero mas lalo lang lumakas ang pagtawa nito. "Alam mo kanina pa ako takam na takam sa'yong babae ka... Huwag mo na kasi akong pahirapan." Dahil sa narinig ay mas lalo niya lang ginustong makawala sa lalaki. Pinaghahampas niya ito. Para naman itong biglang nag-init na agad siyang sinikmuraan. Halos mamilipit siya sa sakit ng tumama sa tiyan niya ang kamao nito. Hindi lang iyon ang natamo niya dahil sunod-sunod na suntok pa ang tumama sa ibat-ibang bahagi ng katawan niya. Kahit anong palag niya ay wala na siyang nagawa ng daganan siya nito. Dahil sa mga natamong tama ay wala na siyang lakas na lumaban. Puro sakit nalang ang nararamdaman niya. Masagang umaagos na ang luha niya dahilan para mas lalo pang lumabo ang paningin niya. Nagsimula na siyang hubaran ng lalaki. Pinilit niyang palakasin ang loob niya. Hindi ito magtatagumpay sa plano nito hangga't buhay pa siya. Sinubukan niyang kumapa sa lupang kinahihigaan niya. Naghanap siya ng kahit anong magagamit para ipang-pukpok sa lalaki. Nang may makapa siyang bato ay agad niya iyong kinuha at walang pagdadalawang isip na ipinukpok sa ulo ng lalaking nakapatong sa kaniya. Tumulo ang masagang dugo nito mula sa tinamaan ng bato. Kahit natalsikan ang mukha niya ng dugo ng lalaki ay hindi pa siya roon tumigil. Patuloy niya itong pinukpok nang pinukpok hanggang sa lumagapak ang katawan nito sa lupa. Galit na galit siya kaya hindi niya ito basta tinigilan. Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya hanggang sa hindi na kumikilos ang lalaki. Doon niya lang nanginginig na nabitawan ang hawak niyang bato. Hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Para siyang bigla nalang natauhan nang mapatitig sa itsura ng lalaking nasa harap niya. Napatay niya ito. Isa na siya ngayong mamamatay tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD