After a long drive ay narating na rin ni Zygfryd ang bahay ni Caydhen na ngayon ay pagmamay-ari na niya. Perfect para sa kaniya ang lugar na iyon. Malayo sa kabahayan at napapalibutan ng kakahuyan. Talagang makakapag-relax siya doon katulad ng gusto niya. Pagkatapos niyang maiparada ang motor niya ay hinubad niya na ang suot na helmet at isinabit iyon sa hawakan ng motor. Maya-maya lang ay sinalubong na siya ni mang Lito. Dati itong nakatoka sa mansion nila, pero nang mabili ni Caydhen ang lugar na iyon ay kinuha nito ang matanda at ginawang katiwala doon. Ngayon nga ay siya naman ang pagsisilbihan nito. Matagal na ito sa kanilang pamilya. Maganda na ang trabaho ng mga anak nito kaya pwede na itong mag retired kung tutuusin pero sadyang mapilit ang matanda. Ayaw naman daw kasi nitong map

