CHAPTER FIVE: Command

767 Words
CRISTEPHARIE I gently opened my eyes at tumingin sa orasan, 5:40 am? Jusmiyo naman! 30 minutes lang ako naka-tulog? Bwiset na Joshua kasi yun! Paguluhin daw ba utak ko? But seriously? Ba't niya ko niyakap? Abnormal lang? Haist! Clean utak! Clean! Napa-buntong hininga nalang ako at tumayo na. Makapag-luto nalang bahala na kung pumalpak. Nagluto lang ako ng sunny side-up eggs na basag ang pula, hotdog na sunog, ham at bacon. WALA NA TALAGA AKONG PAG-ASA. ''Oh baby girl? Ang aga mo yata ngayon?'' Agad akong napa-lingon kay Kuya Toffer na tumutulo pa yung buhok. ''Ah di kase ako naka-tulog.'' sagot ko tsaka pinatay yung kalan. Nag-timpla na rin ako ng gatas para sa aming tatlo. ''Dahil ba kay Joshua?'' Nanlaki ang mata ko at napa-tingin kay kuya Toffer. ''Nakita namin ni Kuya yung...'' Sabi nya at umaarteng may kayakap. Muka siyang bakla! ''Kuya!!!!'' Sigaw ko habang siya, nag-simulang tumawa ng tumawa. ''Namumula ka Baby Girl!'' Pang-aasar niya habang tumatawa parin hanggang mahulog siya sa upuan. Buti nga sa kanya! ''Bleh!'' Pangaasar ko habang hinihimas niya yung pwet nya. ''Pero seriously baby girl! Hindi naman masamang maging masaya so just enjoy it.'' sabi nya bago lumapit at ginulo yung buhok ko. Enjoy? Alam niya ba kung gaano ka weird at creepy yung lalaking iyon? Pinili ko nalang na huwag magsalita. I hugged him instead as another voice echoed in the kitchen. ''Wow! Ganyan kayo eh! Di nang sasama?'' Napa-lingon kami sa nag-salita at nandun si Kuya Toffy na parang batang naka-pout. ''Group hug!!'' Sigaw ni Kuya Toffy kaya naipit ako nung dalawa. ''Kain na tayo! Nagluto na si Steff'' may pang-aasar na sabi ni Kuya Toffer. Kumain na kami habang nang-aasar yung dalawa. After that, naligo at nagbihis na ko. Sumabay na din ako kay kuya Toffer pag-pasok. ✘✘✘✘✘ [School] Tahimik akong pumasok ng school. Nasa kalagitnaan ako ng main hall when I spotted Joshua, Kirvie at Lyca. As usual, naka-palupot si Lyca sa kanya. Nakita nya ako at agad na naglakad papunta sakin. ''Morning.'' naka-ngiti nyang sabi at inabutan ako ng canned hot chocolate. ''Wait. Isn't that mine?'' Sabi ni Lyca pero hindi sya pinapansin ni Joshua. Kinuha ni Joshua yung kamay ko at nilagay yung Canned hot chocolate. ''Nakipag-siksikan ako kanina sa vending machine para maibili ka nyan tapos hindi mo kukunin?'' Sabi nya at ngumiti. This guy is so freaking weird! ''Joshua, May quiz mamaya let's review together I reserved you a seat.'' sabi ni Lyca at hinila ng bahagya si Joshua. ''Talaga?'' Sabi ni Joshua at nagningning naman yung mata ni Lyca. ''Yup!'' Maarteng sagot nya. ''Okay let's go.'' sabi ni Joshua na naka-tingin sakin. ''That's great oppa! Let's---'' ''I already reserved a seat for the both us so let's review together.'' sabi ni Joshua bago ako hinila palayo. Pagdating ng library, agad ko syang hinampas. ''A-aray! What was that for?'' Bulong niya. Bawal nga kasi maingay sa library. ''Ba't mo ginawa yun sa harap ni Lyca? Gusto mo bang mamatay na ko?''I growled at him and he laughed. Parang may mali. Bakit ganito siya kung umasta ngayon? Nasaan yung cold na Joshua? Yung parang pinagbagsakan ng langit at lupa? ''Bago ka niya mahawakan, dadaanan muna sya sakin.'' sabi nya at ginulo yung buhok ko. ''Hoy! Tolentino ! ... May ... Gusto ka ba sakin?'' Hindi naman sa assuming ako pero base sa mga kilos nya? Haist bahala na nga! ''W-Wala ah! Ba't naman ako magka-kagusto sayo? Panget ka, nerd, plat!'' Sabi niya kaya nabatukan ko siya. ''Ang manyak mong unggoy ka!'' ''Uy! My gorgeous head wag mong dumihan! Sige hindi ka na plat! Pandesal nalang.'' binatukan ko ulit siya. Bwiset na unggoy to ''Hindi ako tinapay! Bwiset to pero ok na din yun atleast wala kang gusto sakin! Kung nagkataon, mamamatay nalang muna ako!'' ''Do you really hate me that much? That you'll wish to die rather than being liked by me?'' Seryoso nyang sabi. ''What do you---'' ''By the way cookies pala oh I baked it for you.'' sabi niya at inabot ang isang pink na box bago naglakad palayo. Anyare dun? ''You're unbelievable!'' Halos mahulog ako sa upuan nang may magsalita sa likuran ko. ''L-Lyca....'' ''Iba ka din no? Akala ko wala kang interest sa mga heartthrobs but look at you? Targeting Joshua Tolentino! Let me give you some piece of advice, he's just playing with you! Because he's into me kaya pwede ba? Bumalik ka na sa pagiging invisible mo!'' Sabi nya bago tumalikod pero bago pa sya maka-layo, bahagya syang lumingon. ''By the way... That's a command not a request.'' TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD