Just to avoid confusion, gusto ko lang kayong i-inform about sa nicknames nung magka-kapatid:
Cristeph-Steff
Cristoff-Toffy
Cristopher-Toffer/Topeng
That's all! Enjoy Reading.
CRISTEPHARIE
"Angel are you okay?"
TULUYAN ko nang dinilat ang mata ko at unti-unting tumayo. Alala namang naka-tingin sakin sila Kuya Cristoff, Kuya Cristopher at Ate Denisse or Ate Dee yung nurse sa school namin.
Inilibot ko ang mga mata ko. Nasa hospital nanaman ako.
"Sorry Kuyas and Ate Den, I made you worried again." malungkot kong sabi.
"Ano ka ba! It's an accident there's no need to apologize." sabi ni Kuya Cristopher at niyakap ako.
"Toffer's Right! Kahit walang nangyayari sayo, basta wala ka sa paningin namin we're always worried." sagot naman ni Kuya Cristoff at ginulo yung buhok ko.
"We can't be worried when it comes to you.'' sagot ni Ate Den then held my hand.
I'm too thankful to have them by my side.
"Anyways baby girl do you want anything to eat?" Pag-iiba ni Kuya Toffy (short for Cristoff) dahil paiyak na talaga ako sa sobrang overwhelmed dahil sa pag-aalaga nila.
''hmmm... I want black forest cake, carbonara, yogurt and Cappuccino Frappe sa Starbucks.'' masigla kong sagot at tumawa naman sila.
"Ayan ang gusto ko pag may sakit ka eh!" sabi ni Kuya Toffer.
"Dapat pala laging may sakit si Steff para laging madaming makain. HAHA!'' tawa ni ate Den.
"Oo! Pag walang sakit yan isang butil kung kumain eh." sagot naman ni Kuya Toffy
"Bukas pala ikukulong ko sa bodega ng clinic yan!" Pagbibiro ni Ate Den.
"Ate naman!!"sabat ko at nag-pout
"Hahaha! change topic!! Black forest cake, carbonara, yogurt and Cappucino Frappe on the way tara panget!" Sabi ni Ate Den at hinampas sa braso si Kuya Toffy. Not to mention, they're best friends since they're 5 years old!
"Toffer, ikaw na muna bahala kay Steff." sabi ni kuya Toffy at pinagtulakan si Ate Den palabas.
"On guard!" Sigaw ni Kuya toffer at nag-salute pa.
"Oy! Kuya Toffer kelan ka pa naging sundalo? Business man ka diba?" pang-aasar ko at tumawa naman siya.
"Ah kanina lang! Tsaka hindi ako si Toffer! Ako si ...Captain Yoo Si Jin!" Sabi niya at nag-pogi pose. Nagkunwari naman akong nag-susuka.
"Ew! Kuya ang layo ng pag-mumuka mo kay Song Joong Ki!" sigaw ko at napa-kamot naman siya ng ulo.
"Oo na! Oo na! Teka teka maliligo muna ako." sabi nya sabay takbo sa Cr. Napa-iling nalang ako.
Sumandal nalang ako sa headboard ng kama at nag-lagay ng unan sa hita ko na patungan ng kamay. Takot na takot pa naman ako pag nagkaka-dugo yung hose ng dextrose.
Napa-lingon ako nang may mapansin akong naka-silip sa glass ng pinto. Ilang minuto kaming nagka-titigan pero maya-maya, umalis na siya. Gusto ko siyang habulin pero hello? Naka-dextrose po ako!
Pero anong ginagawa niya dito?
Ano ba talaga ang pakay mo? Joshua Tolentino!
✘✘✘✘✘
[The Next Day]
"Morning brothas!" Bati ko pagka-baba ko ng kusina. Pinalabas na ko ng hospital last night hindi naman daw ganun ka-severe yung effect nung incident.
"Morning Angel/Baby Girl" sabay na bati nila Kuya Toffy at Kuya Toffer.
Pareho silang nasa may kalan. Si Kuya Toffy, nag-gigrill ng marinated beef habang gumagawa naman ng vegetable salad si Kuya Toffer..
"Wowww!! Sakin ba yan?" Bungad ko sabay siksik sa gitna nila habang inaamoy yung mga ginagawa nila. Nagutom tuloy ako bigla.
"Oo sayo to! Basta siguraduhin mong uubusin mo." sabi ni Kuya Toffy at sinamaan ako ng tingin dahilan para mapa-lunok ako at agad na napa-tango.
Nauna na kong umupo dining area at maya-maya, nilagay na rin nila sa mesa yung marinated beef and vegetable salad. Agad akong kumuha at kumain. Basta naho-hospital talaga ko, inaatake ako ng gutom.
*burrrrrpppp*
"Wah ansharap!" sabi ko habang tinatapik yung tyan ko. Nakaka-inggit talaga yung mga kapatid ko eh! Mala-chef kung magluto samantalang ako, hotdog nalang sunog pa!
"Kuya Toffer, hintayin mo ko mag-aayos lang ako papasok ako" sabi ko.
"Mag-pahinga ka nalang muna." sabay na sabi nung dalawa.
"No I can do it na naman." naka-ngiti kong sagot bago tumakbo pataas.
✘✘✘✘✘
[School]
Gaya nang lagi, walang nakaka-pansin sakin. Nasa 2nd floor na ko nang madaanan ko yung vending machine ng mga canned drinks. Ang problema, ang dami kong dalang books kaya nahihirapan akong ilusot yung coin sa slot. Bigla nalang may kamay na nag-shoot ng coin dun at pinindot yung Chocolate Coffee na dapat talaga kukunin ko. Siya rin yung kumuha ng kape sa baba, binuksan yun at inabot sakin. Mejo shocked padin ako sa ginawa niya pero tinanggap ko na din. I remember I have a lot of things to ask him.
''Ahm Josh--'' di ko na natuloy yung sasabihin ko nung bigla siyang naglakad palayo. He's mysterious as ever. Nagkibit-balikat nalang ako at nauna na sa classroom.
Buong klase, lutang ang utak ko. Buti nalang di ako tinatawag ng teachers although hindi talaga ako matatawag dahil hindi naman nila ako napapansin. Hindi din pumasok si Joshua buong Morning Session.
''Girls guess what?''
''What?''
'' May transferee daw tayo! At ang gwapo nya!''
''OMG! Talaga? Anong year and section?''
''Senior din daw eh. Ewan ko lang kung anong section.''
''Anong name nya?''
''James? James Rivera.''
Haaay ayan nanaman sila. At ayan nanaman ang bagong pagkaka-guluhan! Wala na kong pakialam sa mga ganyan. As usual, I'm going to be invisible with them too.
Dumarecho ako sa Cafeteria at umorder ng Pizza at Rice and Beef Steak. Recess palang pero naka-kanin na ko.
''OMG! Is that him?'
'Ang gwapo nya nga!'
Napa-tingin ako sa lalaking kakapasok lang ng Cafeteria.
Dare-darecho siya sa ...
mesa ko at darechong umupo. As expected, he'll not notice me.
Balak ko talagang kumain at magpanggap na hangin hanggang umalis ang isa sa amin kaso bigla siyang nagsalita.
"Makiki-upo ha? I'm James by the way. You're Cristeph right?"
Gulat akong napa-tingin sa kanya. Did he just happened to notice me?
Nag-offer sya ng handshake pero tinitigan ko lang yun.
''Haha! Ang handshake, tinatanggap hindi tinititigan.'' sabi nya at akmang kukunin yung kamay ko pero may naunang humila nun kaya napa-tayo ako. Napa-tayo din yung James habang ako nasa likod ng lalaking humila sakin.
''Don't touch her or else I'll kill you James Ryan Rivera.''
''Oh is that how you say welcome Joshua Jethro Tolentino?''
TO BE CONTINUED