CHAPTER ONE: invisible Girl

957 Words
CRISTEPHARIE [Science Quiz Bee] ''1st place, Ms.Cristeph Tan!'' NAGPALAK-PAKAN ang lahat sa pag-tawag ng pangalan ko. This is the 8th time I got first place in Quiz Bees this Month. Pumunta ako sa stage ng malaking hall na iyon para kunin ang medal at certificate ko. ''Cristeph Tan? Where's Ms.Cristeph Tan?'' ''Ma'am nandito po ako.'' ''Omg! S-sorry Ms.T-Tan, I-I d-didn't n-noticed y-you.'' ''Okay lang po.'' I'm just a nobody. A campus nerd na forever alone. I classified myself as ''The Invisible Girl'' ako kasi yung tipong nasa harap na nila, hindi pa nila napapansin. That's my life. ✘✘✘✘✘✘ "Good morning, Angel" I greeted our eldest-Kuya Cristoff as I took my seat. ''How's your sleep?'' Naka-ngiti niyang tanong tsaka nilagyan ng ham and bacon yung plato ko. "It's okay. I slept well" I answered smiling. "Balita ko you won first place again? Sorry Kuya congratulated you this late." malungkot niyang sabi. ''Okay lang! Kuya naman'' I chuckled as another voice sounded the kitchen. "Curse headache!" Pareho kaming napa-lingon ni Kuya Cristoff sa nag-salita. Sabay din kaming napa-iling nang tumambad ang manyak kong kapatid na partyholic. "Naamoy ko yata yung paborito ko?" He said as he sniffed in the air. "Kuya Cristopher!!" Sigaw ko at lumapit naman siya para halikan ang noo ko. Tatlo kaming magka-kapatid at kami-kami lang ang kasalukuyang magka-kasama. Nasa Paris kasi ang parents namin kaya kaming tatlo lang ang magka-katulong. Si Kuya Cristoff ang panganay. He's 25 years old at nagta-trabaho na bilang nurse kaya minsan hindi nakaka-uwi o kaya naman, ginagabi ng uwi. Si Kuya Cristopher naman, 23 Years old at 3rd Year College taking Business Management. Ako, I'm the youngest. I'm 19 at Senior High palang. They call me Angel dahil ako daw ang Anghel sa aming magka-kapatid. Ewan ko ba! Ang dami nilang ka-ekekan sa buhay! Hindi man ako pansin ng iba, I'm already contented that I have these two crazy guys who never failed to love and protect me. "At dahil naka-first place ang prinsesa namin, tadaaaa! I bought you a present!"Masiglang sabi ni Kuya Cristopher at may nilabas na box. Binuksan niya 'yun and it's a gold bracelet with an Angel pendant. ''Wow! Kuya ang ganda! Thaaaank youuu!'' masaya kong sabi at niyakap siya. "Ahm yung gift ko pass muna."sabi ni kuya Cristoff kaya nagtawanan kami. After kumain, naligo na ko at nag-bihis. Ihinatid na din ako ni Kuya Cristopher dahil madadaanan naman yung School ko on the way to his university. Mabilis akong naka-pasok nang hindi man lang namamalayan ng guard. Haay what's the problem with me? Dumarecho ako sa classroom at gaya ng lagi, do'n lang ako sa upuan ko at mag-babasa. Nasa pinaka-harap ang upuan ko pero kahit ganun, no one still notices me. *splasssshhhh* Agad akong napa-tayo nang may bumuhos na tubig sakin. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Tasha. Yung class president s***h one of the Campus Princesses. "Omg!! I'm so sorry hindi kita agad nakita!" gulat nyang sabi tsaka ako inabutan ako ng panyo. "But ah-ahm .. Miss how long have you been there?" Tanong niya kaya napa-iling nalang ako. Halos mangangalahati na ang school year pero ni pangalan ko, hindi nila alam. "Around 30 Minutes." sagot ko kaya napa-hawak siya sa dibdib nya. "Omg! S-sorry. How come I didn't noticed you?"Sabi nya pero nginitian ko nalang siya. Lumabas ako ng classroom at dumarecho sa locker room. Wala pa naman akong dalang extra uniform o kahit anong damit. "Use this!" Napalingon ako sa nagsalita pero humagis na ang isang paper bag sa akin kaya hindi ko na nakita kung sino 'yun. Nakita ko nalang ang likod niyang naglalakad palayo sakin. Dumarecho nalang ako para mag-palit ng damit. Binuksan ko yung paper bag and it's a plain white shirt and a jeans. Saktong sakto lang sakin. Sinuot ko yun at bumalik na ng room. Pag-balik ko, nagche-check na ng attendance yung adviser. Nag-darecho pasok nalang ako. Hindi naman niya ako mapapansin eh. "Cristeph Tan?" Tawag nya sa pangalan ko. "Cristeph Tan, absent?" "Ma'am here" sabi ko na katapat nalang sya. Napahawak sya sa dibdib nya dahil sa gulat. 'Kelan pa siya nandun?' 'I didn't noticed her' 'Kanina pa ba sya nandun?' Bulung bulungan ng mga classmates ko. Ni hindi nila ako napansing pumasok ng classroom. May benefit din talaga ang pagiging invisible girl ko. Buong klase, naka-activate ang Nerd Mode ko. Tutok sa discussion at todo take notes at research. *RRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGG* Agad na naglabasan yung mga classmates ko matapos marinig yung bell. Kinuha ko nalang yung mga gamit ko at nilagay sa locker bago dumarecho ng cafeteria. "Combo meal #5 po" "Ay anak ng kalabaw! Kailan ka pa naka-tayo jan Ija?"sabi nung counter lady at parang gulat na gulat makita ako samantalang kanina ko pa sya kaharap. "Mga 10 minutes na po." sagot ko "Pasensya na Ija, hindi kita napansin." Sabi nya bago binigay yung pagkain ko at kinuha 'yung bayad. 2 slices Hawaiian Pizza, Chocolate mud pie, spaghetti at iced tea yung in-order ko. Tahimik akong kumain sa dulo. 'Omg! Si Josh!' 'Joshua!!!' 'Ang gwapo nya!' Nag-umpisa nanaman ang tilian at sigawan ng mga babae kasabay nang pagpasok sa cafeteria ng sikat na heartthrob ng campus. Joshua Tolentino Hindi ko nalang pinansin yun at nagpatuloy sa pagkain. Maya-maya, may isang kamay na bumalibag sa mesa ko at pag-angat nun ay isang detention slip ang nasa harapan ko. Napa-angat ang ulo ko at halos manlaki ang mata ko nang makilala kung sino ang nasa harap ko ngayon. "25 minutes late ka kanina" tipid nyang sabi bago tumalikod at naglakad palayo. Kinuha ko 'yung detention slip na 'yon. Kanina ni hindi alam ng lahat na nandun ako. Pero ba't nagawa mong mapansin na na-late ako? Joshua Tolentino TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD