Lakas-loob na hinarap ni Lucas si senyora Carolina upang hingin ang kamay ng unica hija nito. Napangiti ang senyora at napasulyap sa anak na si Astraea. Sa totoo lang nagulat ang senyora nang malamang nakahanda na ang lahat para sa kasal ng dalawa. Nalaman niya ang balita una kay Hercules. Ngayon ay confirm na nga, masaya siya para sa kanyang anak na si Astraea. "Promise me hijo na aalagaan mo ang anak ko, ayoko pa sana pero wala na akong magagawa, hiling ko lang sana'y pumasyal rin kayo rito kung may oras kayo," matapat nitong tugon sa binata. "I am, Mrs. Del Fuego, makakaasa po kayo," maagap na sagot ni Lucas at saka sumulyap sa nakangiting dalaga. Hindi na man nagtagal pa sina Celina at Lucas dahil pupuntahan pa nila ang kanilang wedding planner. Ang gusto ni Celina ay Garden Wedding

