Pero nagtataka si Gretel. Hindi ba't ang sabi'y naaksidente ang binata kasama ng mag-ina? Pero pansin niya ang benda sa kabilang braso nito. Ang mahalaga ay ligtas ang binata, hindi ba't iyon ang hinihiling niya? Nakaupo siya sa waiting area. Agad na naghiwalay sina Lucas at Celina nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Napalingon sila sa dalawang binatang bagong dating. Saka ito hinarap ni Lucas. "Kamusta na siya, Lucas?" tanong ni Hercules, samantalang lumapit naman si Thirdy kay Celina para yakapin ang kapatid. "She's fine now," sagot ni Lucas kay Hercules sa seryosong tinig. Saka napa-hagulgol si Thirdy sa balikat ng dalaga. "I'm sorry for being too weak," tugon ni Thirdy sa kapatid. Saka naman naisipan nina Lucas at Hercules na bigyang privacy ang magkapatid. "Hindi

